Chapter 51

793 58 9
                                    


Chapter 51

Eleven hours kaming bumyahe mula Pilipinas hanggang Melbourne Australia gamit ang private jet. Hindi ako nagkamali, taga Australia talaga si Papa.

Hindi sumama si Isaiah; hindi pwede. Bago ako umalis ay maayos akong nagpaalam sa kanya. Walang nakakaalam na umalis ako bukod sa kanya, nakokonsensya ako dahil hindi ako nakapagpaalam kay Aling Mayet.

Ang ganda-ganda ng lugar, wala kang maipipintas: magagandang imprastraktura at ang mga tao ay parang modelong naglalakad sa gilid-gilid.

Habang nakasakay sa limo ay bumalik sa ala-ala ko ang napag-usapan namin ni Isaiah.

"Falling inlove with you was not my intention. Ang pakay ko talaga ay i-sure na ikaw talaga ang kapatid ng kaibigan ko," sabi ni Isaiah.

Napayuko ako at pinaglaruan ang mga daliri sa paa. "Thank you," sambit ko. Kung hindi dahil sa kanya hindi ko makikilala ang kapatid ko. Nang gabing muntik akong masagasaan ay sila ng kapatid ko ang nakasakay sa kotse na pinagpapasalamat ko.

"Kilala ko si Loki for so long, he's a certified womanizer but I can say that he really loves you." Napaiwas ako ng tingin. "I hope you will heal soon," dugtong niya.

Yumakap ako sa kanya. "Darating ang araw, makikilala mo ang babaeng magmamahal sa 'yo." Isaiah is a good friend, hindi siya mahirap magustuhan ngunit iba talaga kung ang puso mo ay hawak na ng iba.

Natigil ako sa pag-iisip nang pumasok ang limo sa malamansyong bahay. Nagsiyukuan ang mga bantay ng makadaan kami.

Pinagbuksan pa ako ng isang guard na parang isang royal guard ang datingan. Bumaba si Robinson o si Kuya Rob-ang kapatid ko. Hindi pumasok sa isipan ko na magkakaroon ako ng kuya.

"Wait!" Mabilis akong lumapit sa kanya at kumapit sa braso nito. Nanatili siyang seryoso ngunit hindi naman ako pinagbawalan. Nakakahiya dahil naka bunny slippers lang ako at naka-plain white loose shirt at sweat pants habang ang mga nasa harap ko ay parang dadalo sa event.

Nagsiyukuan ang mga nakahilerang katulong na naka-uniform pa, dahil yumuko sila ay yumuko rin ako ngunit inangat ng kuya ko ang noo ko.

"Don't," maikling sabi niya.

Nang makarating kami sa sala ay sumidhi ang kaba ko. Sa mahabang eleganteng sofa ay nakaupo ang babaeng may edad na ngunit maganda pa rin.

Napahigpit ang hawak ko sa braso ni Kuya Rob dahil sa tingin ng babae. Kurbang-kurba ang kilay niya at ang labi ay kay pula. Hindi pa man kami nag-uusap ay natatakot na ako sa aura niya.

Siya siguro ang asawa ni papa...

"Have a seat." Iminuwestra ng babae ang katapat ng upuan.

Dahan-dahan akong umupo sa tapat niya. "H-Hello po..." awkward kong sabi.

Tinignan niya ako pababa at pataas. Kahit na nakataas ang kilay niya ay hindi nakaiwas sa paningin ko ang lungkot sa mga tingin niya.

"Georginna...how are you?" tanong niya saka humalukipkip.

"I'm fine po." Kahit na hindi ako ok.

"Rob was only five years old when Abir-your father-left for another woman. My son cried all day looking for his father, and after nearly ten years, he returned, and he's now been with us for eleven years, but he's still looking for you-"

"Mom..." pigil ni Kuya Rob sa mommy niya. Sa narinig ay napayuko ako.

"What? I'm just telling a story, son! Do you want to hear more?" Nakangiting bumaling sa 'kin ang babae. Ang tangos ng ilong at ang puti-puti.

Hindi ako makasagot; oo ba ako o hindi? Sa mga oras na ito ay hinihiling ko na mawala ako bigla ngayon dito at diretso na agad kay papa.

"Mom, she doesn't have to hear that," singit muli ni Kuya Rob.

Tumayo siya kaya napatingala ako. "He's been waiting for you," sa sinabi niya ay para akong nabuhayan muli.

Pumasok siya sa kwartong madilim, napakalungkot ng ambience sa loob. Pumasok silang mag-ina ngunit ako ay nanatiling nakasilip sa loob. Ilang saglit lang ay lumiwanag ang paligid.

Tumambad sa 'kin ang napakalawak na kwarto, elegante ito ngunit ang amoy ay amoy kemikal. Nilibot ko ang paningin at tumigil ito sa lalaking nakahiga sa malaking kama.

Ang payat-payat niya, malago na ang balbas at bigote niya, halos lumuwa na ang mga mata niya sa sobrang payat. Nagtubig ang mga mata ko sa nakita.

Ang papa ko...

Masuyong tumabi ang ina ni Kuya Rob kay papa. Hinaplos nito ang buhok niya at hinalikan sa noo. Kinuha niya ang wet wipes sa gilid saka pinunas sa palad ni papa.

"Aaaaaaaah..." tanging nasambit niya. Parang may gusto itong sabihin ngunit hindi niya masabi-sabi. Sa ikaliwang kamay niya ay hawak niya ang isang maliit na picture frame, isang batang nakangiti habang hawak ang isang manika...picture ko.

"You really want to see her? Were here...are we not enough?" malungkot na sabi ng asawa niya na sinagot lang ni papa ng munting daing.

Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagtulo ng luha sakaliwang mata ng mommy ni Kuya Rob. Nasasaktan ako sa nakikita ko, ang papa ko ay hindi makapagsalita, ni hindi niya maihawag ang gusto niya.

"She's already with us, Dad," sa sinabi ni Kuya Rob ay pumasok na ako.

Bumaling ang tingin nilang lahat sa 'kin. Si papa ay titig na titig sa 'kin na tila kinikilala ako, unti-unti akong lumapit at nang makalapit ako sa tapat niya ay tumayo ang ina ni Kuya Rob at ako ang pumalit sa kanya.

Hinawakan ko ang kanang palad ni papa at dinikit sa pisnge ko. "Pa...si Georginna po 'to." Napahikbi ako nang makita kung paano nagsitulo ang mga luha ni papa.

"G..ge...o-" Hindi niya masabi-sabi.

"Opo, si Georginna po 'to! It's me your daughter, pa... I'm already here, from now on I'll take care of you...Papa! Miss na po kita, ang tagal po kitanghinintay, ang tagal ko pong naghintay na balikan mo ako." Napahagulgol ako at niyakap ang palad niya. Gusto man niyang bumangon upang yakapin ako ay hindi niya magawa.

Wala siyang ibang masambit kundi pag-ungot.

Nasa kwarto pa rin ang mag-ina, rinig ko ang pagsinghot ng mommy ni Kuya Rob na nasa tabi ko. Lumabas ang mag-ina kaya nagsimula akong magkwento.

"I'm now nineteen, Pa, third year college na ako at kumukuha ng turism, I want to be a flight attendant, and then I'll look for you." Hinaplos ko ang buhok niya. Pinunasan ko rin ang mga luhang patuloy na nahuhulog sa mga mata niya.

"Top one po ako noong elementary tapos noong high school naman top two na lang po kasi yong classmate ko anak naman ng adviser namin." Mahina akong natawa nang bumalik sa ala-ala ko ang mga naganap noon.

"I lived on my own when I was eighteen, Pa! I received a scholarship to a good private school, but I still have to work to make ends meet... Fortunately, Aling Mayet is kind-hearted !Kahit hindi ako nakakabayad hindi niya ako pinapalaas kahit lagi niyang sinasabi." Biglang pumasok sa isip ko ang pangangatok ni Aling Mayet sa umaga para singilin ako.

"Ma....ma..." natigilan ako sa sinambit niya. Ayoko sanang sabihin na may asawa na si mama a may anak, kaso ano pang silbi kung magsisinungaling ako?

"Mama... is married, and they have a child named Clyde, so I moved out of their home." Nakangiti ako habang nagkukwento ngunit sa loob ko ay gusto kong maiyak.

"Pa, what happened to you? You need to get better soon, especially since you'll be having a grandchild!" pilit kong pinapasigla ang boses. "Opo! I'm pregnant, kaya para mabuhat mo siya at malaro, dapat magaling ka na non!" Gulat siya ngunit makikitaan ng galak.

Ngumiti siya at pilit na hinaplos ang pisnge ko. Lumingon ako sa likod at hindi na nagtaka nang makita ko ang mag-inang nakasilip sa pinto.

He's A Girl ( Published Under Ukiyoto Publishing)Where stories live. Discover now