Chapter 72
Lupasay ako sa kalsada. Matapos ng ilang suntok at sipa ay iniwan na nila ako, madilim na ang kalangitan—inabot na ako ng gabi sa kalsada, kung may tumigil man sa tapat ko ay binubulyawan ko lang.
Napatingin ako sa kalangitan sabay tawa nang malakas na nauwi sa hagulgol. Ramdam ko ang pamamanhid ng kaliwang pisnge ko dahil sa lakas ng suntok ng isa sa kanila. Pakiramdam ko ay bali ang braso ko pati na ang paa ko.
"Why can't you give me a chance, huh?!" sigaw ko sa kawalan. Busina ng mga sasakyan ang naririnig ko, kung masagasaan man ako ngayon dito ay wala na akong pakialam. "Ano pa bang gusto mong gawin ko?!" I screamed at the top of my lungs.
Ilang sandali lang ay nakakasilaw na liwanag ang tumapat sa mukha ko. Hindi ko ito pinansin ngunit may taong dumungaw sa mukha ko.
"Get up, Dad is waiting," inip nitong sabi. Pilit kong inaninag ang mukha niya at nang mamukhaan ko siya ay laking gulat ko.
"W-why are you here?" I asked. Pinilit kong umupo at nang magawa ko ay napapunas ako sa labi kong duguan.
"You look like sh*t..." Namulsa ito saka humalukipkip. "Get up prick!" Imbis na makinig sa kaniya ay yumuko lang ako. "Do you rally love my sister?" sa sinabi niya ay diretso akong tumingin sa kaniyang mga mata.
"A billion times...but she already rejected me." Nang maalala ko na naman ang nangyari kanina ay tila ba sumikip ang hininga ko.
"If you love her then prove yourself in our father. Get up...he's waiting!" Tumalikod siya sabay lakad papunta sa sasakyan niya. Pumasok siya sa kotse niya sabay paandar nang mabilis.
Wala akong sinayang na oras—kahit na masakit ang katawan ko ay nangtungo ako sa kotse ko saka siya hinabol.
Sinundan ko siya. Dinala niya ako sa isang bahay na tila pinamugaran na ng kung anong elemento sa sobrang dilim at madamo.
Isang bahay na matagal nang hindi tinitirhan. Pumasok siya kaya sumunod ako. Nang buksan niya ang ilaw ay lumantad ang mga kagamitang nakabalot pa sa puting tela.
Binuksan niya ang pinto na lumalangitngit sa sobrang luma.
"Whose house is this?" tanong ko na hindi niya sinagot. Ang kapatid ni George ay hindi nalalayo sa ugali ni Papa...masyado siyang malamig at tinalo pa si Thor sa sobrang sungit.
Pagpasok sa isang malaking pinto ay bumungad ang malinis at malawak na kwarto. Bumungad ang lalaking may baston habang nakatingin sa bukas na bintana. Nakatalikod siya sa 'min ngunit alam kong alam niyang narito na kami.
"Loki Muller..." Unti-unti ay humarap ang lalaki. Kitang-kita na ang puting buhok niya ngunit makikitaan pa rin ng kakisigan, sa wari ko'y mas matanda pa siya kay Papa.
"Sir..." sabi ko. Siya na ba ang ama nila George?
"You hurt Georginna, you tortured her while she's working for you. How I want to wring your neck when I knew that you put gross insects in her room. My daughter was afraid that time but all you did was laugh?" Ang hawak niyang tungkod ay tatlong beses niyang tinuktok sa sahig.
Napalunok ako ngunit hindi nag-iwas ng tingin. "I...I just want her to quit...pero sa una lang po 'yon!" Pinaningkitan niya ako ng mga mata.
"You acted like a six years old, you d*mn pr*ck!" Dumagundong ang galit nitong tinig sa malawak na silid.
"Yes, I know." Noong mga panahong iyon ay ang tanging gusto ko lang ay pahirapan siya upang kusa siyang umalis. "I did terrible things...but I'm willing to do everything just to win her back."
"Anything?" tanong niya na tinanguan ko. "Even your life?" Natigilan ako sa narinig ngunit lakas loob akong tumango.
"Anything..." Ngumisi siya sabay tingin sa anak niyang nasa tabi ko.
YOU ARE READING
He's A Girl ( Published Under Ukiyoto Publishing)
RomantizmSynopsis Loki Müller couldn't ask for more, he has it all...the looks, fame, money, loving family and tons of girls! Maraming babaeng lumuhod, lumuha at nagmakaawa sakanya.. He's a man who doesn't believe in relationships, he never sees himself...