Chapter 57
Tuwang-tuwa ang kambal dahil makakapasyal na sila ngunit hindi iyon ang kanilang pakay. Sa kanilang nabalitaan sa page ng paborito nilang si Dark Monster ay may laban ito mamayang alas-singko ng hapon.
Pagod man ang binatang si Rob ay mas pinili na lamang niyang ipasyal ang kanyang mga mahal na pamangkin upang makapagpahinga ang kanyang kapatid.
Proud na proud ang binata sa kapatid dahil sa mga achievement nito. She's standing on her own feet without their help, sa una ay malamig ang pakikitungo nila dito ngunit di naglaon ay minahal nila ito na tunay na parte ng kanilang pamilya at simula nang dumating ang kapatid niya at mga pamangkin nito ay nagkaroon ng kasiyahan ang kanilang mansion na kay tagal nang walang bahid ng kasiyahan.
Alerto ang kambal sa bawat galaw ng kanilang Papa Rob. Kailangan nila itong mailigaw upang makapunta sila sa show ng kanilang idol.
Sa edad nilang apat ay mauutak na ang mga ito, mabilis mag-isip ng plano. Marunong na silang magbasa at magsulat kaya nasisiguro nilang hindi sila maliligaw.
"Go now, Logan," utos ni Luffin sa kambal. "Wait me there." Tinuro niya ang malapad na Santa Claus.
"Mommy will surely be mad!" tanggi ni Logan.
"Do you want to see Dark Monster?" tanong niya dito na tinanguan naman ng isa. "Then go! And it will just take twenty minutes in my calculation."
Tumango si Logan bago tumakbo nang hindi napapansin ng binatang si Rob. Wala sa isip nito ang plano ng kanyang mga pamangkin. Panay ang tingin ng binata sa mga naka-display na laruan at hindi napansin ang pagpuslit ni Luffin upang sumunod kay Logan.
Naghagikgikan sila dahil successful ang una nilang plano-ang takasan ang kanilang Papa Rob.
Sumabay sila sa mga nagdadaang tao upang hindi sila harangin ng guard. Kumapit pa sila sa jacket ng ale upang akalain ng guard na ito ang magulang nila. Nasa likuran na sila ng mall kasama ang mga taong hindi nila kilala.
Nang makalabas sila ay nag-isip sila ng susunod na plano-kung paano sila makakapunta sa show.
"Pre! Malapit nang mag-five! May show si Dark Monster ngayon!" bulalas ng isang binatang may kasama pang dalawa rin binata.
Binuksan nila ang compartment ng kotse upang ipasok ang mga paper bags. Hindi naisara nang maayos ng isang binata ang compartment bago pumasok sa loob.
Para namang may bumbilyang umilaw sa isip ng kambal. Nagkukumahog silang pumasok sa compartment, napansin sila ng ilang mga tao roon at balak sana silang pababain ngunit umandar na ang kotse.
Ilang minuto lang ay mga hiyawan na ang narinig nila tanda na nasa show na sila. Bumaba sila at manghang pinagmasdan ang paligid. Suot ang hoddie jacket nila ay nakipagsiksikan ang kambal sa mga manonod.
"Bakit may bata rito?" rinig nilang sabi ng ilang manonood.
Nginitian nila ang isang dalaga na nasa harap nila at nagpa-cute. "Saan ang parents niyo? Bawal ang bata rito." Lumuhod ang magandang dalaga upang kausapin sila.
"Our father is on the bathroom...can we stay on your side?" malambing na sambit ni Logan. Napangisi nang palihim si Logan dahil sa naisip ng kanyang kambal.
"Sure! Dito kayo." Sa magkabilaang palad nito ay nakahawak silang dalawa.
Naghiyawan ang mga manonood nang may pumaradang mustang sa kanilang harap. Mula ro'n ay bumaba si Dark Monster na kinahiyaw ng kambal sa tuwa.
"Wow! Your so cool!" Dahil maraming naghihiyawan ay natabunan ang kanilang boses.
Walang kaemo-emosyon ang binatang si Loki. Naririndi siya sa mga tilian, kung hindi lang malaki ang pusta ay hindi siya dadalo. Pagkababa niya ay hinagis sa harap niya ang helmet kasabay nang paghinto ng isang BMW HP4 sa harap niya na siyang gagamitin niya sa karera.
Ang mustang niya ay ipinaparada niya sa gilid. Nagsimula ang karera, manghang-mangha ang kambal sa idol nilang isinisigaw ng lahat ang kanyang codename na 'Dark Monster'
"He's really great, Luffin!" Namamanghang sambit ni Logan sa kambal.
Malapit nang matapos ang karera at sigurado na kung sino ang mananalo. Unti-unti ay kumalas sila sa dalaga upang umalis.
Uuwi na sana sila nang may makita si Luffin. "Logan...this that is Dark Monster's car!" masaya silang tumakbo papunta ro'n upang haplusin ito. Hindi sinasadyang masagi ni Logan ang pinto at kusa itong bumukas.
"Wow!" sabay nilang sambit matapos nilang masilayan ang loob. Pumasok sila at pinagmasdan ang buong loob ng sasakyan.
Sa sobrang likod ng mga kamay ni Luffin ay aksidente niyang nai-lock ang pinto at hindi na alam kung paano bubuksan dahil wala naman siyang instruction na mababasa.
"It's lock!" kinakabahang sambit ni Logan. Mula sa labas ay kitang-kita ng kambal na papasok na sa loob si Dark Monster kaya wala na silang ibang nagawa kundi ang magtago sa ilalim. Pigil na pigil nila ang pagsasalita nang makapasok na ang idol nila.
Nagtinginan ang kambal at naisip na hindi sila makakauwi ngayon gabi at siguradong mag-aalala ang kanilang Mommy.
Kanina pa paikot-ikot sa mall ang binatang si Rob. Mag-iisang oras na ngunit hindi pa rin niya matagpuan ang mga pamangkin, nagpa-announced na rin siya upang mahanap ang kambal ngunit wala. Nang i-review nila ang CCTV ay kitang-kita niya kung paano siya takasan ng mga makukulit na pamangkin.
"You're really stubborn." Napailing si Rob nang makita kung paano sila sumakay sa compartment.
Pina-review niya ang lahat ng CCTV, kahit pagod ay hinanap niya ang mga binatang nakasakay sa kotse. Gusto niyang magwala sa inis dahil hindi rin alam ng mga binata na may mga bata sa compartment nila.
Kasalukuyan siyang nasa drag race area upang hanapin ang mga pamangkin ngunit dahil madilim ay hirap na hirap siyang maghanap at sa kamalas-malasan ay walang CCTV sa lugar.
Naalimpungatan si George nang mag-ring ang cellphone niya. Para siyang mahihimatay sa takot sa balita ng kanyang kuya.
Nawawala ang mga anak niya!
Walang kamalay-malay si Loki na sa kanyang likuran ay may nagtatagong mga pasaway na bata. Dahil sa pagod ay nakatulog ang kambal.
Nakarating si Loki sa kanilang mansion. Umakyat siya sa kanyang kwarto upang maligo at magbihis, matutulog na sana siya nang maalala niya ang kanyang cellphone na naiwan sa backseat.
Tinatamad man siyang bumaba muli ay binalikan pa rin niya ang kanyang cellphone. Pagbukas ng backseat ay nagulat siya sa nakita.
Dalawang batang lalaki at walang buhay ang nasa kanyang kotse. Na-shocked siya sa nakita ngunit nang damhin niya ang mga pulso nila ay nakahinga siya ng maluwag dahil buhay pa ang mga ito at tulog lamang, mabuti na lang ay nakalimutan niyang patayin ang aircon ng sasakyan at bukas pa ang salamin sa harap kundi suguradong patay ang mga ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/281351066-288-k87242.jpg)
YOU ARE READING
He's A Girl ( Published Under Ukiyoto Publishing)
RomanceSynopsis Loki Müller couldn't ask for more, he has it all...the looks, fame, money, loving family and tons of girls! Maraming babaeng lumuhod, lumuha at nagmakaawa sakanya.. He's a man who doesn't believe in relationships, he never sees himself...