Chapter 18
Usapan namin ni Isaiah na maaga dapat kaming umalis para hindi makasama si Loki, pero ang loko ay alas-singko palang gising na…ayaw talagang paiwan.
Ano bang gagawin niya dun? Dati ay halos ipagduldulan niya sa mukha ko na ayaw niya akong makasama tapos ngayon sasama-sama siya? Siguro ay may binabalak nanaman siyang masama!
“I’m ready!” sambit ni Loki na nauna pa sa loob ng sasakyan.
“I told you to wake up early.” Mariing
sambit ni Isaiah.“Nauna pang magising sakin yan,” dahil panay ang busina ni Loki ay pumasok narin ako sa loob.
“Tssss…” padabog na sinara ni Isaiah ang pinto dahil siya ang pinagmaneho ni Loki.
Sa buong byahe ay tahimik kami—panay ang hikab ni Loki tanda na inaantok pa siya…teka nakaligo pa kaya to?
Pagkarating sa parking lot ng Mall ay sabay pang nagsuot ng shades si Loki at Isaiah…grabe agaw pansin lang? dahil parehong matatayag na binata ay nagmukha akong maliit, pati ang paglalakad nila ay may poise.
Si Loki ay nakapamulsa samantalang si Isaiah naman ay nakahalukipkip habang nagtitingin ng mga nakadisplay sa paligid.
“Ang cute ng nasa gitna!” rinig kong sabi ng isang babaeng teenager sa gilid…dahil pinaggigitnaan ako ni Loki at Isaiah ibig sabihin ako yung cute? Bakit cute? Bakit hindi pogi? Haaaaist!
“Basta akin yung naka- black sweat pants!”
“Grabe para akong nakakita ng model!”
Samot-saring komento ang naririnig ko at ang lahat ng iyon ay puro papuri sa dalawang kasama ko…naka- straight cut faded jeans ako at strips na polo, si Isaiah ay blue jeans na pinarisan niya ng putting t-shirt, bumagay rin dito ang suot niyang puting rubber shoes.
Si loki ay naka-black sweat pants at puting loose shirt—pakiramdam ko ay hindi talaga siya naligo dahil hindi siya nakaporma, gusto ko ding matawa dahil naka-bunny slippers pa siya…hindi ba siya aware?
Dahil ang tingin ko ay nasa tsinelas ni Loki ay hindi ko napaghandaan ang paghinto niya kaya ang resulta ay nauntog ako sa matigas nitong likuran.
“Stupid!” masungit na sambit niya kaya naman lumayo ako at pinukulan siya ng masamang tingin.
Pumasok si Isaiah sa isang shop na punong-puno ng ibat-ibang klase ng kasuotan, nagtingin-tingin siya sa mga naka-hanger na damit ganun din si Loki kaya naman napagaya ako. Isang simpleng asul na bestida ang pumukaw ng atensyon ko, simpleng-simple ngunit napaka-gandang tingnan—kailan kaya ako makapagsusuot ng ganito?
Hinaplos ko ang tela nito at talagang napakalambot ngunit nang ang price tag ang hawakan ko ay parang napapasong napalayo ako…Ten Thousand para lang sa isang bestida?!
Tinignan ko rin ang ibang presyo at talagang nakakalula! Saan ba gawa ang mga kasuotang ito at bakit ganito kamahal?!
“George! What do you think?” lumapit si Isaiah saakin at pinakita ang tatlong pambabaeng damit.
“Maganda…para sa Mommy mo diba?” tumango siya at ngumiti.
Binigay niya sa sales lady ang mga damit at muling nagtingin-tingin,“Anong gusto mo? choose anything you want. It’s all on me.” Paulit-ulit akong umiling sa sinabi niya.
"Wag na—” Natigilan ako nang ibigay niya saakin ang hinahaplos kong asul na bestida kanina…anong.. pero bakit? Pambabae ito, bakit nya ibinibigay? may alam ba siya? Nagrigudon ang puso ko dahil sa mga naisip.

YOU ARE READING
He's A Girl ( Published Under Ukiyoto Publishing)
RomanceSynopsis Loki Müller couldn't ask for more, he has it all...the looks, fame, money, loving family and tons of girls! Maraming babaeng lumuhod, lumuha at nagmakaawa sakanya.. He's a man who doesn't believe in relationships, he never sees himself...