Chapter 2
Basang-basa ako ng makarating sa inupahan ko, kung bakit pa naman ngayon pa umulan kung kailan hindi ko dala ang payong ko!
Matapos magbihis ay agad kong kong nilagay sa sako bag ang mga paninda kong avon products. Hindi ko napaubos kanina sa school kaya sa mga call girls ko nalang ibebenta, ang pagtitinda ay isa lang sa mga sidelines ko.
Sa likod ng bar ako dumaan at dahil kilala na ako ng bantay duon ay mabilis akong nakapasok, sa lahat ng lugar na pinagtitindahan ko ay dito lang ako nakakabenta ng marami,
Napapayuko nalang ako sa twing ay madadaanan akong naghahalikan, sari-saring amoy ang naamoy ko, amoy alak,usok ng sigarilyo at pabango ng mga narito, kung may choice lang ako ay hindi ako pupunta sa ganitong lugar!
“Ohh George! Bakit ngayon kalang uli nagpunta? dala muna ba order ko?” tanong ni Ate Felly saakin
“Exam kase namin, oo dala ko lahat ng order niyo”sabi ko kaya mabilis nila akong dinumog
“Beh! Utang ko muna ha? Bigay ko agad bukas pag nagkaron ako custumer”napatango ako sa sinabi ni Belen, hindi naman sila mahirap singilin kaya ayos lang
Mabilis na naubos ang paninda ko kaya makakapagremit na ako mamaya, napatingin ako sa kanila ng bigla silang maghubad at magbihis nalang sa harap ko….sanay na ako sakanila, kung ang iba ay mababa ang tingin sakanila ako ay hindi dahil sa buhay ay may kanya-kanya tayong paraan upang maka-survive.
At sa dami ng tao ay sila pa ang nakakatulong saakin,
“Alam mo George maganda ka, kung pwede ka lamang dito ay ipapasok kita at siguradong pipilahan ka ng mga lalaki rito, nevermind! Wag kang gagaya sakin babaeng mababa ang lipad” sabi ni Ate Felly na sinabayan pa ng malakas na pagtawa
“Si Ate Felly talaga binababa nanaman ang sarili” malungkot kong sabi na tinawanan lang niya
“Ohh allowance mo” hinugot niya ang isang libo sa loob ng bra niya at iniabot saakin
“Hala Ate! wag na sasahod din naman ako next week” pagtatanggi ko na inilingan niya lamang
“Kunin mo na! kung hindi sige ka magtatampo ako saka isang gabi ko lang yan nukaba!” kahit napipilitan ay inabot ko ang binibigay niya
“Georgy! andito ka nanaman, haaaay nako kung pumasok kana lang sa bar ko edi mas malaki ang kita mo!” ilang na napailing ako sa sinabi ni Mamita---singkwenta anyos na baklang may-ari nitong bar, matagal na niya akong pinapasok ngunit ayoko
“Ayos na po ako sa ganito Mamita”bumuntong hininga siya at humalukipkip
“Hiring ako ng singer ngayon, kakanta ka lang---nabanggit kase ni Felly na magaling ka raw kumanta
, if ever magbago isip mo punta ka lang ditey hmm?” tumango ako sa sinabi niyaNg makauwi ako ay pagod at gutom ang bumalot sa sistema ko, mabuti na lamang ay nakabili na ako ng ulam kanina. Dahil may pera ako ngayon ay nakabili ako ang chicken&pork adobo….haaaaay excited na akong makapagtapos at maging flight attendant!
Hahanapin ko si Papa, ang sabi niya nuon ay babalik siya ngunit labindalawang taon narin ang lumipas pero hindi parin siya bumabalik.
Galit ako kay Mama dahil mabilis niyang napalitan si Papa, napapagod na ako pero pilit kong kinakaya
Lumipas ang mga bwan at natapos ko ang isang semester ngunit kalakip non ay ang tuluyang pagkawala ng scholarship ko, hindi ko makaya ang bayarin kaya gagawin ko ang bagay na hindi ko aasahang magagawa ko
“Kakanta lang naman ako diba Mamita?” kinakabahang tanong ko sakanya
“Of course Dear! Ito ang isusuot mo…galingan mo ha?”sabi niya sabay abot saakin ng maiksing bestida
Tinitigan ko ang pulang makintab na dress---kaya ko bang isuot ito?kitang-kita ang kaluluwa ko dito at kaunting yuko lang ay makikita na ang panty ko
“Kailangan po bang ganito ang suot ng singer?” alanganing tanong ko nagsalubong ang kilay niya at masungit akong tinignan
“Sabihin mo lang kung ayaw mo, ayoko ng aarte-arte dito!” napayuko ako sa sigaw niya, ramdam ko ang pagtapik ni Ate Felly sa likod ko
Paglabas ni Mamita ay pinaupo na ako ni Ate Felly upang ayusan, kita ko ang awa sa mga mata niya. Si Ate Felly ang una kong naging kaibigan dahil malapit lamang siya sa tinitirhan ko, dahil sa uri ng trabaho niya ay hindi siya ginagalang saamin .
Sa edad niyang trenta ay nakadalawa na siyang kinakasama ngunit lagi ring iniiwan
“Wag kang magalala hindi ako lalayo sa tabi mo at sisiguraduhin kong hindi ka magagalaw ng kahit na sinong lalaki” napangiti ako sa sinabi niya
Kahit kinakabahan ay tumuloy parin ako, malaki ang offer ni Mamita at sa ilang araw lang na pagkanta ko dito ay kaya ko ng bayaran ang kahit kalahati lang ng tuition ko.
Nakatayo lang naman ako sa stage ngunit kung titigan ako ng mga kalalakihang nandito ay para akong gumagawa ng milagro,
sa klase ng tingin nila ay para bang hubad na ako…panay ang sipol nila kaya panay din ang paghila ko pababa sa dress ko, napatingin ako kay Mamita at ininwestra nitong magsimula na ako
Habang kumakanta ay nanginginig ang mga tuhod ko, bawat hagod ng tingin nila ay nakakakilabot…mariin akong napapikit ng may makita akong halos magsex na sa gilid
“Miss! Ano ba gumiling ka naman!” napaigtad ako ng muntik na siyang umakyat sa stage
“Miss kahit isang gabi lang!”
“Ang sarap mo!”
“Kahit magkano, sabihin mo lang!”
Kinikilabutan ako sa mga naririnig ko, mabuti na lamang ay natapos na akong kumanta. Agad akong pumasok sa dress room at pinunasan ang butil-butil kong pawis.
“Masasanay ka rin, kung ayaw mong magpagalaw ay wala naman silang magagawa”napatingin ako sa kapapasok lang na si Ate Felly
“Nakakatakot sila Ate” pag-amin ko
“Ganyan din ako nung una---sya nga pala may tatlong custumer na nagbigay ng tip sayo!” masaya niyang inabot saakin ang 1500
“Georgy Dear! may gustong magtable sayo” malanding sabi ni Mamita
“Ayoko po” humalukipkip siya sa sinabi ko
“Hindi naman kayo magchuchurva! Usap lang!” pilit niya akong pinatayo kaya umangal si Ate Felly
“Ahh Mamita, wag mo namang biglain---” galit siyang binalingan ni Mamita
“ Wag kang nangengealam Ofelia!” tumikom ang labi ni Ate Felly
Hanggang makalabas ay sumunod siya saamin, iniisip ko palang ang mangyayari ay natatakot na ako
YOU ARE READING
He's A Girl ( Published Under Ukiyoto Publishing)
RomantizmSynopsis Loki Müller couldn't ask for more, he has it all...the looks, fame, money, loving family and tons of girls! Maraming babaeng lumuhod, lumuha at nagmakaawa sakanya.. He's a man who doesn't believe in relationships, he never sees himself...