Chapter 24
Ilang na ilang ako
habang kumakain; kanina ko pa nahuhuli ang pasulyap-sulyap ni Isaiah saakin. Nang makalabas kami kanina sa boutique akala ko uuwi na kami; hindi pala.Nagpunta pa kami sa isang salon para lang masdan ako ng babaeng mukhang model doon, nagpunta rin kami sa jewelry store.
Dahil hindi naman ako makapili ay siya na ang nag-decide, hindi ko kinuha ang binili niya; naki-usap akong saka nalang niya ibigay iyon pag gaganapin na ang party.
Habang umiinom ako ay nagtanong si Isaiah. “Bakit mo ginusto ang ganitong trabaho?”
Bumuntong hininga ako bago sumagot.“No choice.” Tumitig siya saakin na parang binabasa nito ang iniisip ko.
“Why?” tanong niyang muli. Bakit pa ba siya nagtatanong? Parang gusto ko nalang umuwi ulit at matulog.
“Kase malaki ang sahod…gusto kong makapag-tapos ng pag-aaral.”
“Kaya kitang pag-aralin, if you will just ask me.” Nagulat ako sa sinabi niya…ano bang sinasabi nito?!
“Hindi na. Kaya kong buhayin ang sarili ko.” Magaan akong ngumiti sakanya.
Lumapit ang waiter saamin upang kunin ang bills, lumabas kami sa restaurant at naglakad-lakad.
Sa hindi malamang dahilan ay napalingon ako sa likod nang may marinig na pamiyar na mga boses na mahihimigan ang pagtatalo… Loki?! Kasama niya si Aurora na may hawak na icecream samantalang siya ay puro paper bags ang hawak.
Hinila ko ang dulo ng denim jacket ni Isaiah nang makitang palapit na sila saamin.
“Kuya Isaiah!” hindi nahihiyang sigaw ni Aurora saamin.
“Si Loki!” natatarantang sabi ko. Mabilis akong hinigit ni Isaiah sa bewang; napayakap ako sakanya at ganon din ito saakin.
“H-hey!” awkward na bati ni Isaiah nang makalapit sila saamin.
Dahil sa kaba ay nagsumiksik pa ako sa yakap ni Isaiah. Ang denim jacket niya ay pinang-talukbong niya sa ulo ko, amoy na amoy ko ang bango ni Isaiah dahil sa sobrang pagkakadikit namin
“Who is she?!” masigla ang boses ni Aurora.
Sa ibaba ay kitang-kita ko ang pink na rubber shoes niya, tanda na sobrang lapit nito saamin.
“Another toy?” mahihimigan ang pang-uuyam sa tono ni Loki.
Babaero din ba si Isaiah? Pero ni minsan ay hindi ko pa siya nakitang nakipag-landian sa iba hindi tulad ni Loki.
“Hi?!” bigkas ni Aurora. “Can I see her face? She’s pretty tall; I guess she’s beautiful too.” kinikilig pang dugtong niya.
“Tss… don’t judge too early Princess, walang taste sa babae yan. I can feel that she looks like a…rotten maggot.” Tumawa pa si Loki matapos sabihin ito.
“Really?” sarkastikong sagot ni Isaiah, “I doubt if you can say that again after you saw her.” Dahil sa sinabi ni Isaiah ay napakapit ako nang mariin sa denim jacket na nasa ulo ko…may balak ba siyang ipakita ako sakanila ngayon?!
“Let me see her then.” Baritonong sambit ni Loki na may himig ng panghahamon.
“Nah… not today. She’s my date on Sunday night, dun niyo siya makikita.”
Nakahinga ako nang maluwag sa sinambit ni Isaiah. “ I’ll make sure that you will take back your words Loki.” Kung kanina ay si Loki ang naghahamon, ngayon ay si Isaiah na.
“Tignan natin,” sarkastikong sagot ni Loki.
“Mauna na kami, bye Aurora.” Huling sambit ni Isaiah bago kami maglakad palayo sakanila.
YOU ARE READING
He's A Girl ( Published Under Ukiyoto Publishing)
RomanceSynopsis Loki Müller couldn't ask for more, he has it all...the looks, fame, money, loving family and tons of girls! Maraming babaeng lumuhod, lumuha at nagmakaawa sakanya.. He's a man who doesn't believe in relationships, he never sees himself...