Chapter 32Narito kami sa likod bahay nila Tatang at nakatayo sa isang makitid na lupa na tinatawag niyang 'pilapil'. Manghuhuli raw kami ng palaka para sa hapunan. Seryoso ba? Palaka? Sa isiping kakain ako ng palaka ay nasusuka na ako.
Tig-iisa kami ng pamingwit, ang dalawa ay naghahabaan ang kahoy ngunit ako ay maikli. Ang pain namin ay uod para daw mas madaming kakagat.
Hawak ko ang net na siyang paglalagyan ng mahuhuli namin. Tingin ko ay nag-eenjoy si Loki sa pamimingwit kahit na wala pang kumakagat sa pain niya.
"George, ihanda mo ang lalagyan," sabi ni Tatang. Mabilis kong inangat ang net na hawak matapos niyang itaas ang pamingwit na may nakagat na palaka.
Shoot na shoot ang palaka sa net. Tinitigan ko ang nahuli, tumaas pa ang balahibo ko dahil nakakatakot ang tingin ng palaka. "Anong tinitingin-tingin mo? Gusto mo iprito kita?" naiinis na pangungusap ko sa palaka.
"Why are you talking to him? You're really a stupid pig." Marahas akong napalingon kay Loki na may nakakainis na ngisi.
"Him? Pa'no mo nasabing lalaki siya? Look at her skin—makinis, kaya babae siya!" Natigilan ito sa paggalaw ng pamingwit niya.
"He's a man, look at those widely-open eyes..." Turo niya sa mata ng palaka.
Kinuha ko mula sa net ang palaka at nilapit sakanya. "Babae siya, buntis pa nga—tignan mo." Pinisil ko ang malaking tyan ng palaka. "Malapit na siyang manganak." Hinawakan ko sa mga kamay ang palaka at pinasayaw sa harap niya.
Tinitigan niya ako na para na akong nababaliw. "Don't argue with me...it's a he," pinal niyang saad.
"Huwag na kayong magtalo dahil bakla ang palakang 'yan mga Hijo," singit ni Tatang. Muntik na akong mapanganga sa sinabi niya...seryoso 'to at makikita sa mukhang niyang hindi siya nagbibiro.
"Bakla/Gay?" magkasabay naming bulalas ni Loki.
"May bakla bang palaka?" tanong ko.
"Hey, old man. Did you just discriminate this poor frog?" mariing tanong ni Loki. Nababaliw na 'ata ang angry bird na 'to...pa'no napasok ang discrimantion sa gender ng palaka?
"Ano kamo, Hijo?" naguguluhang saad ni Tatang. Hindi sumagot si Loki na parang nainis sa sinabi ng matanda na bakla itong palaka.
Nawala ang usapan naming sa gender ng palaka at tahimik nalang ng namingwit.
"Hey, stupid! Come here!" May hindi mapigil na ngiti sa labi ni Loki. Inangat ko ang net dahil halatang may kumagat sa pain niya. Inangat niya ang pamingwit, maipapasok na sana ang palaka ngunit bumitaw ito bago pa maipasok sa net.
Dahil sa taranta ko ay napalusong ako sa palayan upang dakmain ang palaka. "Huli ka! Loki, ang laki!" mangha kong saad. Ngiting-ngiti ako habang inaangat ang palaka na parang isang tropeyo.
Nang muling bumalik ang tingin ko kay Loki ay nakangiti na ito. Kinagat niya ang labi at napailing, maya-maya ay nawala ang ngiti niya at napalitan ng simangot.
"Stupid..." Sublado naman nito!
Napangiwi ako dahil sa itsura ko ngayon. Dahil sa dinakma ko ang palaka ay naputikan ang braso ko hanggang tuhod. Napakamot pa ako sa noo ko na siyang nagpangiwi lalo sa akin—maputik din pala ang kamay ko.
"Siya nga pala mga Hijo, yung sasakyan niyo ay wala na sa putikan dahil pinatulak ko na sa mga nagdaang magsasaka," saad ni Tatang.
Ngumiti ako at nagpasalamat, ibig sabihin makakauwi na kami! Ayoko ng matulog ulit na katabi si Loki dahil baka magising nalang ako bigla na nakayakap na naman siya sa 'kin.
Marami kaming nahuli, tuwang-tuwa si Tatang dahil daw masarap ang hapunan namin. Papasok sana ako sa palikuran nila upang maligo, dahil nakaawang naman ang pinto ay inisip kong wala namang tao ngunit pagpasok ko ay katakot-takot na bagay ang nakita ko.
"BAKIT BA HINDI KA NAGSASARA NG PINTO?!" galit kong saad pagkatalikod. Mabilis ang tibok ng dibdib ko, pakiramdam ko ay biglang nanuyo ang lalamunan ko sa nakita. Naka-brief lang si Loki habang naliligo, hindi man siya hubong-hubo ngunit bakat na bakat naman ang nasa... ang at laki ng umbok non—tumigil ka, George!
"Ikaw nga riyan ang hindi kumakatok, don't overreact, stupid. You have this also."Turo niya sa gitnang bahagi. Para akong nanigas sa narinig. Oo pala! Lalaki pala ako kaya dapat sanay na akong makakita ng ganon.
Tumikhim muna ako bago humarap. Iniwasan ko ang mapatingin sa katawan niya lalo na sa ibaba niya. "Uuwi na ba tayo?" tanong ko.
"Of course...not. Ayoko pang umuwi," masungit niyang saad bago kunin ang towel na nakasabit sa gilid ng banyo. Hindi pa kami uuwi? Pero gusto ko nang umuwi!
Pagkalabas ko sa banyo ay nabungaran ko si Nanang Lita. "George, kanina pa tumutunog 'tong selpon mo. Hindi ko naman alam pa'no kalikutin 'yan," saad niya sabay abot ng cellphone ko.
"Salamat po."
"Hello?" sabi ko pagkasagot sa tawag.
"I'm glad you finally answered! Where are you?!" sabi ni Shaira gamit ang manitis niyang boses.
"Bakit?" tanong ko.
"Si Clyde. He's in the hospital, he got into an accident—"
"Ano? Kailan pa? Bakit?" sunod-sunod kong tanong.
"Kahapon pa, pupuntahan ka raw dapat niya," malungkot niyang saad mula sa kabilang linya.
Nakonsensya ako kahit na hindi ko naman kasalanan. "Sige, uuwi na 'ko," sabi ko. Hindi ko na narinig pa ang huling sinabi niya dahil binaba ko na ang tawag.
Nagtungo ako sa sala nila para hanapin si Loki ngunit hindi ko siya makita bagkus isang graduation picture ang nakita ko. Lalaking nakasuot ng itim na tago at may matamis na ngiti.
"Nag-iisang anak namin 'yan," boses ni Nanang Lita ang pumukaw sa 'kin.
"Nasaan na po siya?"
"Patay na, na-hit and run siya habang nag-aaply ng trabaho." Hindi ako makapaniwala sa nalaman. Malungkot na ngiti ang pinakawalan niya.
"Pasensya na po. Hindi po ba nakulong ang nakasagasa sakanya?" usisa ko.
"Nakalaya na, matagal na panahon na rin naman kasi." Dahil sa nakikita kong lungkot sa mga mata niya ay niyakap ko ito. Kaya pala dadalawa sila rito...
"Ayoko pa po sanang umalis ngunit kailangan ko na pong umuwi, salamat po sa pagpapatuloy. Bibisita po ulit kami," pagpapaalam ko. Ilang minute pa kaming nag-usap bago ko puntahan si Loki
"Loki, uwi na tayo..." Nilapitan ko siya na busy sa pagpapakain ng manok.
"I'm always imagining myself in this situation. I want to experience this type of life at least once in my life...kaya naman ayoko pang umuwi." Napabuntong hininga ako sa sagot niya. Kailangan ko nang umuwi, kailangan kong makita si Clyde.
"Pangalawang utos ko sayo...umuwi na tayo." His deep gray eyes met mine.
YOU ARE READING
He's A Girl ( Published Under Ukiyoto Publishing)
RomansaSynopsis Loki Müller couldn't ask for more, he has it all...the looks, fame, money, loving family and tons of girls! Maraming babaeng lumuhod, lumuha at nagmakaawa sakanya.. He's a man who doesn't believe in relationships, he never sees himself...