Chapter 63

885 55 9
                                    


Chapter 63

I'm not sure how I got home safely because I wasn't in my conscious mind while driving. Logan and Luffin, I have a feeling they're my sons, but how ? How did I come to be their father? Isa ba siya sa mga naging babae ko noon? But it's impossible!

It's been five years since she left me, and the twins are four years old now...paanong may nangyari sa 'min noon? I can't f*cking remember!

But when I think of them as the sons of other man, it is as if my chest is being torn in two. She said that she has a husband, ang asawang tinutukoy ba niya ay ang lalaking nangngangalang Robinson? But he don't have gray eyes! D*mn it!

"Loki? Kumain ka na ba?" Mama asked.

I shook my head and walked dumbfounded. Mama stopped me even before I got to the stairs. I looked at her, and when I saw the sadness in her eyes, I couldn't hide my pain any longer.

"Ma, she said she has a husband, how about me?" My voice rasped as I spoke. She gave me a sad smile and fixed my hair na halos tumatama na sa mata ko.

"Kailangan mo nang magpagupit...pa'no kung ma-turn off si George sa 'yo niyan?" mahinhin niyang sambit.

"I don't need to look nice in her eyes; she already has a husband; how can she appreciate my appearance?" Natatawang hinawakan niya ang balikat ko.

"Ang tao, makikita mo kung nagsasabi ng totoo o hindi sa pamamagitan ng kanyang mga mata. Iba ang sinasabi ng mga mata ni George kanina-she was biting her lips, playing with her sweated hands, sa gestures pa lamang niya ay halatang nagsisinungaling na siya." Bigla akong nabuhayan, hindi naman naalis ang tingin ko sa kanya kanina, a?

Sabagay, sa ilang buwan naming magkasama ay palagi siyang nagsisinungaling noon kaya siguro hindi ko na alam kung totoo o hindi ang sinasabi niya.

"May pag-asa ako...'di ba, Ma?" punong-puno ng pag-asa kong sabi.

"Ewan, feeling ko hindi ka na tatanggapin ulit ni George-"

"Ma! You said that she was lying!"

"Aba! Sinabi ko lang na nagsisinungaling siya tungkol sa asawang sinasabi niya pero hindi ibig sabihin non ay may pag-asa ka! Ayan ang sinasabi ko, tinatawanan mo ang kambal mo no'n kaya nangyayari na sa 'yo ngayon. O 'di ba? 'Yan ang sinasabing karma." Napasimangot ako. Kanina lang ay ang lambing-lambing niya tapos biglang nag-iba.

I guess this is really my greatest karma.

"Loki, let's talk." Mula sa taas ay nagsalita si Papa.

Si Mama na nasa harap ko ay biglang tumalikod upang harapin si Papa. "Hoy! Sinabi ko bang kainin mo ang cookies na tinabi ko? Para 'yon sa kambal!" Namaywang pa si Mama.

Napaiwas ng tingin si Papa at tumikhim. "Loki, faster!" I made a sly grin. Papa is a scary man to others, but he is afraid of Mama; whenever she places her hands on her waits, it means she is angry.

"Ma? Paiba-iba ka ng mood, are you pregnant?" Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko.

"Is that true, Wife?" Parang papalakpak na ang tenga ni Papa sa tuwa.

"Hindi! Ang tanda ko na para mabuntis!" Natawa ako kay Mama.

"Ma/Wife?" sabay naming sabi ni Papa.

"Hay nako! Tigilan niyo nga ako!" Mabilis akong napaakyat sa hagdan matapos niyang kunin ang suot niyang tsinelas upang ibato sa 'min.

When I arrived at Dad's office, I resumed my solemn demeanor. I knew we were going to have a serious conversation.

"What is it, Papa?" Iminuswestra niyang umupo ako sa harap niya. Nakapagitan sa 'min ang table nito.

"What can you do to make George back?" Napaayos ako ng upo sa tanong niya.

"Everything..."

Pinagsiklop ni Papa ang palad niya at seryoso akong tinignan. "But why didn't you find her sooner? Kung hindi pa sila umuwi rito ay hindi mo pa sila makikita." Napayuko ako. I'm a useless f*cking scumbag.

"I did my best, Pa-"

"No, you didn't." Nakaramdam ako bigla ng inis sa sarili ko. He's just telling the truth. Sinasabi lang niya ang mga ito upang mas maging matalino ako sa mga susunod pang pangyayari. "You couldn't find a girl named Georginna Torres because she's now Georginna Hart."

"W-what?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Her father is Abir Hart, one of the most richest man in Australia. Wala siyang asawa dahil kapatid niya sa ama ang lalaking kasama nila...what do you think about her sons? Who's their father?" Mariin akong napapikit. I'm their father!

"I am... I'm their father." Kahit anong pagsisinungaling muli niya ay hindi na ako maniniwala. "Pa, how did you find out about this?" tanong ko. May kinuha ito sa drawer ng table niya-isang brown envelope. "What's that?"

"DNA test." Inaabot niya sa 'kin ngunit tinanggihan ko.

"I don't need that. Ang nararamdaman ko ay sapat na upang malaman kong anak ko sila." Napatango siya at ngumiti. "Kailan mo pa alam, Pa?"

"Inaalam ko ang lahat ng nangyayari sa mga anak ko." He always has a way in everything.

"Bakit hindi niyo sinabi sa 'kin nang mas maaga?" Kung sinabi niya lang sa 'kin noon pa ay matagal ko na sanang nakita ang mga anak ko.

"I just knew last year," sabi niya. Last year pa pala pero hindi ko na siya kukwestyonin dahil alam koong may rason siya.

"They are my sons, but I can't remember how I got her pregnant..." Ito na lamang ang malaking palaisipan sa 'kin.

"It's for you to find out."

Lumabas ako sa office niya nang may malaking tuwa sa dibdib. I'm now a father?! I'm now a father! Hindi lang isa kundi dalawa!

Napasuntok ako sa hangin sa sobrang tuwa. I should see them now! Gusto ko ulit makita ang mga anak ko pero bago 'yon ay kailangan ko munang suyuin ang kanilang ina.

Halos ipampaligo ko na ang pabango ko, wala na akong oras para maligo...ayokong sayangin ang oras sa pagligo lang. Pinasundan ko si George kay Ninong Leonardo kaya alam ko na kung saang condo sila nananatili.

I went to the mall first to get a bunch of roses before going straight to them. I was about to leave when I saw Rex, the jerk who had nearly hit George with a chair back then.

Nagtaka ako dahil sa tuwing magkikita kami ay umiiwas siya. Hindi ko siya hinayaang lumampas sa 'kin dahil hinaklit ko agad ang braso nito.

"Iniiwasan mo ako...may ginawa ka bang hindi ko ikinatuwa?" Nagulat na lang ako nang bigla siyang lumuhod.

"Pasensya ka na! Hindi ako nag-isip nang mabuti noon bago ko iyon gawin sa 'yo! Patawad! Pakiusap huwag mo akong patayin!" Napalayo ako dahil halos yumakap na siya sa binti ko.

Nang iangat ko ang tingin ay marami ng tao ang nagbubulungan habang nakatingin sa 'min.

"What are you looking at?!" sabi ko gamit ang malalim na boses. "Gusto niyo bang mauna sakanya?!" Sa isang iglap ay nawala ang mga taong nakikiusyoso.

Napangisi ako bago iangat ang paa at ipatong sa balikat ni Rex na siyang lalong nagpanginig dito. "Mukhang marami tayong pag-uusapan."

He's A Girl ( Published Under Ukiyoto Publishing)Where stories live. Discover now