Special Chapter
“One plus ten?” rinig kong tanong ni Logan kay Bella.
“One Hundred Ten!” proud na sagot ni Bella sa kapatid. Natawa ako habang pinapanood ko silang naglalaro sa garden.
“Luffin! This is your fault!” Galit na binalingan ni Logan si Luffin na busy sa pagbuo ng lego nito.
“Bakit ako?!” gulat na sambit ni Luffin.
Habang nakatayo ako sa may pinto ay may yumakap sa likuran ko—si Loki na may malaking ngiti. Limang taon na rin ang lumipas, ang kambal namin ay turning eleven na next month samantalang si Tiana Bellamy naman ay apat na taon na.
Si Bella ay doble pa ang kulit kay Luffin. Dahil sa kaniya ay lagi kaming puyat ni Loki. Hindi tulad ng mga kuya niya ay hindi kaputian si Bella, hindi rin abuhin ang mga mata niya dahil nakuha niya ang lahat ng features ko. Itim ang kaniyang mga mata, kulay tsyokolate ang buhok at tanging ugali lang ang nakuha kay Loki.
“I wish that they won’t grow up,” nakangiting sabi niya. Iyon din ang hiling ko, ang hindi sila lumaki at manatili na lamang silang mga bata.
“Oww! Did you feel that?!” Biglang sumipa si Baby sa tiyan ko. Kabuwanan ko na ngayon at anytime ay maari na akong manganak.
“Oh God!” tuwang-tuwang sabi ni Loki nang muling sumipa ang baby sa loob. “He’s excited to meet his daddy!”
“Anong he?” Kunot ang noong tumingin ako sa kaniya. “Babae siya!” Masaya pa lang bihisan ang mga babae. Ang saya-saya ko sa tuwing inaayusan ko si Bella kaya gusto ko muling magkaanak ng babae.
“Ok, kahit ano basta kamukha ko—”
“Anong kamukha mo na naman?! Ako ang magluluwal kaya dapat kamukha ko!” Inis akong humiwalay sa kaniya. Nilapitan ko ang mga anak kong naghahabulan na ngayon.
“Sinusumpong ka na naman ba?” natatawang sabi niya. “Noon, naiinis ka kung naririnig mo ang paghinga ko, tapos noong nakaraan ayaw mo akong makita…talagang magiging kamukha ko ‘yan dahil pinaglilihian mo ako!” Masamang tingin ang binaling ko sa kaniya.
“Huwag kang tatabi mamayang gabi! Sa puno ka matulog dahil angry bird ka naman.” sa sinabi ko ay nataranta siya. Hindi ko maintindihan ang sarili, marami akong gustong kainin kaya medyo tumaba na ako, inis na inis pa ako lagi kay Loki.
“Darling naman—”
“Huwag mo akong ma-darling-darling—” Natigilan ako nang humilab ang tiyan ko. May mainit na tubig ang biglang lumabas dahilan nang pagsidhi ng sakit. “Ang sakit!”
“Anong masakit?” Mabilis na lumapit si Loki sa ‘kin.
“Manganganak ka na?!” Binuhat niya ako at iniupo sa bench bago tumakbo nang matulin papasok sa bahay.
Pagbalik niya ay susi lang ang dala nito, ni hindi man lang siya nagpantalon. “Kids! Get in the car!” Dahil walang magbabantay ay kailangang sumama sila.
Pareho kaming pawisan ni Loki pagkarating sa hospital. Hindi siya pumayag magpaiwan sa labas dahil gusto nitong samahan ako.
Diretso ako agad sa delivery room dahil kagabi pa raw ako nagle-labor. Kaya pala sumasakit na kagabi pa.Bawat ire ko ay sumasabay si Loki. “Wala pa ba?! Doc! Bakit ang tagal?!” taranta nitong tanong.
“Malapit na mister…” rinig kong sagot ng doctor.
“It hurts?!” Mahigpit nitong hinawakan ang kamay ko saka ito pinaghahalikan. “Kung pwede lang na ako na lang ang manganak gagawin ko!” Hindi ko mapigilang mapangiti sa kabila ng sakit na nararamdaman.
Ilang hiyaw pa bago ko makitang ilabas nila ang anak namin. Kasabay nang pag-iyak ko ay ang makas na pag-iyak ng bata.
“It’s a girl, congratulations!” Dahan-dahang inilagay ng midwife ang baby ko sa aking ibabaw. “Her name?” tanong pa nito
“Maria Callista,” kahit nanghihina ay nasambit ko iyon.
Lumipas pa ang limang taon. Kay bilis ng panahon, parang kailan lang ay kalong ko ang mga anak ko, ngayon ay malalaki na sila lalo na ang kambal kong lumaking kuhang-kuha ang kagwapuhan ng kanilang ama.
“They look gorgeous…right, Cally?!” Humagikgik pa si Bella habang kinukuhanan ng litrato ang kaniyang mga kuya. Mahilig mag-make up si Bella at madalas niyang pagpraktisan ang mga kapatid niya.
“Yeah!” Tuwang-tuwang yumakap si Cally—ang bunso namin sa kanilang mga kuya.
“Why did I ever agree?!” busangot na sagot ni Logan ngunit sa tuwing lalapit si Bella sa kaniya at sasabihing smile ay wala itong nagagawa.
“Because girls from this house are the boss!” malamig na sagot ni Luffin.
“Girl power!” sabay na sambit ni Bella at Cally, kahit na hindi nila ako nakikita ay binanggit ko rin ang linya naming girl power.
“Daddy!” Mula sa banyo ng kwarto ay lumabas si Loki na putok na putok ang make-up.
Napahawak ako sa labi upang pigilan ang pagtawa ngunit hindi ko mapigilan. Nang tumawa ako ay sabay-sabay silang napatingin sa ‘kin. “Ang gaganda naman ng mga prinsesa!” Tuluyan akong lumapit sa kanila. Nahihiyang tinakpan nila ang kanilang mga mukha.
“Mom! Ikaw din!” Ang tawa ko ay biglang natigil dahil sa sinabi ni Bella.
Napaatras ako ngunit mabilis na kumilos si Logan at Luffin upang humarang sa pinto. Mahilig mag-make up si Bella ngunit hindi ito marunong.
“Magluluto pa ako—”
“Ops! No exemption!” nakangising sabi naman ni Loki. Nang akmang lalapit na si Bella sa ‘kin ay tumakbo ako palayo sa kaniya kaya ang naging kalabasan ay naghabulan kami sa kwarto.
Napuno ng tawanan ang buong bahay dahil sa ingay ng mga anak ko na sinabayan pa ng kanilang ama.
Iniwan ko man ang pangarap kong trabaho ay wala naman akong pinagsisisihang pinili ko ang maging full-time housewife dahil wala itong kapalit.
“Don’t tell me you’re thinking of leaving me?!” Bigla na langn sumulpot si Loki. Mahigpit itong yumakap mula sa likuran ko habang nakatayo ako sa veranda ng aming kwarto.
“Kahit kailan oey ka talaga mag-isip! Walang makakapalit sa isang angry bird na tulad mo!” Ramdam kong nakangiti siya nang halikan niya ang balikat ko.
“At wala ring papalit sa ‘yo…I love you, Stupid…” Humarap ako sa kaniya upang bigyan siya ng halik ngunit ang simpleng halik ay nauwi sa mainit na tagpo.
Ako, isang babaeng tanging mahanap ang ama lang ang gusto, ngayon ay labis na tumatamasa ang kaligayahan dahil sa lalaking dahilan nang pagngiti at pag-iyak niya. Isang lalaking ubod ng babaero noon ngunit ngayon ay patay na patay na sa kaniya.
-The end
YOU ARE READING
He's A Girl ( Published Under Ukiyoto Publishing)
RomanceSynopsis Loki Müller couldn't ask for more, he has it all...the looks, fame, money, loving family and tons of girls! Maraming babaeng lumuhod, lumuha at nagmakaawa sakanya.. He's a man who doesn't believe in relationships, he never sees himself...