Chapter 29
ALA-UNA nang ihatid ako ni Isaiah sa inuupahan ko. Nagpasalamat siya sa akin ngunit para bang wala siya sa mood dahil ang kadalasang ngiti na pinapakita niya sa akin noon ay hindi niya ginawa.
Pagod na pagod ako kaya pabagsak akong nahiga. Napangiwi ako sa sakit—nakalimutan kong hindi pala sing lambot ng higaan ko ang kama ko sa bahay nila Loki. Napasinghot ako dahil sa amoy ng suot kong gown. Naiwan pa ang amoy ng pabango ni Loki sa suot ko.
Napakagwapo niya kanina, malayo sa Loki na sutil ang Loki na nakasayaw ko. O dahil, kase babae ako kanina? Oo nga pala, hindi ako si George kanina. Bakit ba ang init ng ulo niya sa akin? Magdadalawang b'wan na akong nagtatrabaho sakanila.
Noong nakaraan ay tsinek ko ang bank account ko. Nalula ako sa laki ng laman. Ang sabi ni Sir Leonardo ay Fifty Thousand Pesos ang sahod ko pero ang laman ng account ko ay One Hundred Thousand na. Sa laki ng halagang 'yon ay maari na akong mag-resign.
Sa isiping magre-resign na ako ay nakaramdam ako ng kagalakan pero hindi ko maintindihan kung bakit parang ayoko pang umalis? Ano bang problema mo George?!
Isang buwan nalang talaga aalis na ako! Matulog ka na George! May trabaho ka ulit bukas.
Habang sumasayaw kami ni Loki kanina ay dumoble ang tibok na puso ko, sa t'wing hahapitin niya ako ay nakakaramdam ako ng kilabot. The spark and butterflies in your stomach—I felt that while we were dancing.
Napangiti ako bigla nang dumaan sa isip ko ang busangot na mukha ni Loki—bakit ko ba siya naiisip?! Kinikilig na ba ako sa Angry Bird na 'yon? Hindi no! Ni hindi ko nga siya gusto, at hinding-hindi ko siya magugustuhan.
KINABUKASAN, hindi pa man ako nakakaapak sa hagdan nila Loki ay marahas na niya akong kinaladkad palabas.
"Hoy—" hindi ko na natapos ang sasabihin nang pasakan niya ang bibig ko ng muffin—buti nalang masarap yung muffin.
"Don't talk." Yun lang ang sinabi niya bago ako pabalang na itulak paupo sa kotse.
"Ano bang problema mo?!" galit kong sigaw. Dadagdagan ko pa sana ang sasabihin ko ngunit hindi ko na tinuloy matapos niyang idikit sa mukha ko ang isang pack ng muffins.
"Ang ingay mo." Nanlaki ang butas ng ilong ko matapos niya akong irapan. "We need to follow Aurora and Hiro, baka kung anong gawin ng g*gong yun sa kapatid ko." Nakatingin lang ako sakanya habang nilalantakan ang mainit-init pang muffins.
"Bakit? Saan sila pupunta?" Kinalabit ko pa siya dahil ang tagal niyang sumagot. Siya ang nagmamaneho...buti naman dahil baka makatulog ako kung ako ang magmamaneho.
"Sa Nueva Ecija, sa probinsya nila Hiro." Napatango-tango ako sa sagot niya. Hindi pa ako nakapunta sa Nueva Ecija, laking Manila ako at hindi na nakaalis pa dito.
"O, tapos? Hindi siya nagpaalam?" Muli ko siyang kinalabit.
"Nagpaalam. I don't trust Hiro," seryosong sabi niya. Ang seryosong mukha niya ay napalitan ng gulat matapos ko siyang mahampas sa balikat.
"Yun naman pala! Nagpaalam naman pala, anong pinuputok ng butsi mo?" Masamang tingin ang pinukol niya sa akin, dahil ang mudmod ng muffins na dumikit sa daliri ko ay napunta sa manggas ng putting t-shirt niya.
Dali-dali kong pinagpag ang braso niya. Pagkabuka ng bibig niya ay pinasakan ko nang buong muffins na singlaki ng kamao ng sanggol ang bibig niya. Ayan! Amanos na kami.
Dahil sa napuyat ako kagabi ay hindi ko mapigilang makaramdam ng antok. Mayat-maya kong tinatapik ang pisnge sa t'wing napapatagal ang pagpikit ko.
Hindi nagtagal ay nakatulog na nga ako ng tuluyan. Ramdam ko ang madalas na pagyuko ng ulo ko, ilang sandali lang ay may pumigil non at idinantay nalang sa bintana.
Naalimpungatan ako dahi pakiramdam ko hindi ako makahinga nang maayos. May tumutusok at pumipisil sa ilong ko. Inis kong hinawi 'yon pero bumalik lang ulit.
"Ano ba yan—" Natigilan ako matapos kong mabungaran si Loki na sobrang lapit sa 'kin.
"Sarap ng tulog, a! Tulo laway ka pa." Mabilis akong napapunas sa labi ko sa sinabi niya. Dinama ko kung basa ba pero hindi naman.
"Nasaan na tayo?" tanong ko.
"I don't know—"
"Ha?! Anong hindi mo alam? Akala ko ba susundan natin sila?" napipikong saad ko.
Marahas niyang kinamot ang ulo. "Nakahalata ang g*go! Kanina pa kita ginigising pero tulog mantika ka," bagot niyang sabi.
Naiinis na tumingin ako sa labas ngunit kasabay din non ay ang pagkagulat ko. "Bukid? Bakit tayo nasa bukid?!" Parang kanina lang ay nasa syudad pa kami. Puro palayan ang nakikita ko, ang daan ay maputik, sa gilid ay may irrigation na may malakas na agos ng tubig.
Walang bahay sa paligid, malawak na bukirin lang ang nakikita ko. Bumaba ako, gusto kong mapapadyak sa inis dahil lubog na lubog ang gulong namin.
"Bakit? Pa'no tayo nakarating sa ganitong lugar?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"I followed them. I had no idea that he would take us on this kind of road. If only I had known, I would have used a monster truck." Nagtungo siya sa likuran ng audi niya at pilit itinulak paalis sa putikan. "Itulak mo," utos pa niya bago muling pumasok sa kotse.
Naiinis na sinunod ko siya. Buong pwersa kong tinulak ang likuran ng kotse, halos mapunit na ang litid ko sa sobrang pwersa. Sinabayan niya ng pag-on sa engine ang tulak ko, pilit niyang iminaneho ang kotse ngunit wala namang pinagbago sa pwesto.
"Bwiset!" reklamo ko dahil ang lahat ng putik na tinatalsik ng mga gulong sa likod ay napunta sa buong katawan ko. "Bumaba ka nga riyan! Ako ang mag-drive." Naiinis kong kinatok ang bintana niya.
"You look great! The mud suits you well," tatawa-tawang sabi niya. Walang reklamong bumaba siya, sinadya kong balaing i-on ang engine para pag gumulong ang gulong ay matalsikan din siya ng putik...
"D*mn it!" pagmumura niya, napaigtad ako matapos niyang hampasin ang likod ng kotse.
Bumaba na rin ako. "Gara ng bago mong porma, a?!" Tumawa ako dahil sa itsura niya. Mas madaming putik ang bumalot sa buong katawan niya.
Napabuntong hininga siya matapos niyang makita ang kalagayan ng kotse niya. Hindi nakaalis sa putikan bagkus mas lumalim lang ang pagkakalugmok nito.
Nagtungo ako sa tabi ng irrigation at walang pag-aalinlangang lumusong. Malinaw ang tubig, hindi naman marumi, iniiwasan kong mabasa ang mukha ko. Dala ko naman ang pandikit ko ngunit hindi pa in maganda na maalis ito ngayon sa mukha ko.
"You are not even sure if that water is clean," nandidiring saad niya. Ang arte, a!
"Ano naman? Kaysa naman matuyuan ng putik sa katawan." Winisikan ko siya ng tubig, todo iwas naman siya. "Maghugas ka na, ikaw rin...baka may kung ano pala dyan sa putik," pananakot ko sakanya.
Napipilitangnaghugas 'to. Parang diring-diri pa siya habang naghuhugas, iba talaga ang anakmayaman.
YOU ARE READING
He's A Girl ( Published Under Ukiyoto Publishing)
RomansaSynopsis Loki Müller couldn't ask for more, he has it all...the looks, fame, money, loving family and tons of girls! Maraming babaeng lumuhod, lumuha at nagmakaawa sakanya.. He's a man who doesn't believe in relationships, he never sees himself...