Chapter 34

750 51 11
                                    


Chapter 34

Kanina pa ako paikot-ikot dito sa mall, hanggang ngayon wala pa rin akong nakikitang pizza na may toppings na strawberry.

Parang nagningning ang mga mata ko dahil sa isang sweet shop na nasa harapan ko. Baka sakaling meron sila nung hinahanap ko. Hindi ko pa man naiaapak ang paa ko sa entrance ay napaatras na 'ko—si Hiro? Yung boyfriend ba 'to ni Aurora? Nakauwi na pala sila?

Palihim kong tinitigan ang lalaki, siya nga si Hiro. Naningkit ang mga mata ko dahil sa tapat niya ay may nakaupong naka-violet na babae. Wala namang sweet moment na nagaganap kaya hindi ako gaanong naghinala ngunit nng akmang papasok na ako ay kita ko sa ilalim ng mesa nila ang kamay ng babae na humahaplos sa binti ni Hiro.

Sensual ang pagkakahaplos ng babae. Sa nakita ay kinutuban ako, kinuhanan ko sila ng larawan, pinag-iisipan ko pa kung ise-send ko ba kay Loki, hinanap ko ang account ni Loki. Ang account ng sutil na angry bird ay puro stolen at family picture na tinag ni Aurora sakanya.

Hindi kami friends, kaya hindi ko na sinend. Sabay silang tumayo, nataranta ako kaya bigla akong napatago sa likod ng sales lady.

"A-ahm, bakit?" nahihiyang tanong ng babaeng pinagtataguan ko.

"Sorry..." bulong ko. Sinundan pa ng mga mata ko si Hiro. Tinatawagan ko si Loki pero hindi sumasagot, pakiramdam ko kailangan kong sabihin sakanya, mukhang tama siya sa mga sinasabi niya tungkol sa binata.

Nagtungo ako sa company nila ngunit wala siya, wala rin siya sa mansion...nasaan kana ba angry bird?

"I'm excited to meet her..." Rinig kong usapan sa malawak nilang garden.

"Her? Pa'no mo nasabi?" boses naman ni Ma'am Diana.

"Because I can feel it...Luccianna—her name is Luccianna."

Magtatanong sana ako ngunit 'wag nalang pala. Nakakandong si Ma'am Diana kay Sir Lucian na nakaupo sa elegante nilang bench, mabilis akong napatilikod dahil bigla nalang sinunggaban ni Sir Lucian ang labi ng asawa.

Grabe! Sweet sila pag narito ang mga anak pero mas malala pala kung wala. Double blessing sila ngayon, magkakaroon ulit ng dalawang Müller sa pamilya nila.

Alas-sais na rin pero hindi pa rin umuuwi si Loki. Tinawagan ko si Isaiah ngunit hindi rin niya alam kung nasaan si Loki. Sumalumbaba ako sa mesa, iniisip ko ang nakita ko...pa'no kung idirekta ko nalang kaya kay Aurora? Pero kasi parang napaka-pakialamera ko naman na nun.

Napatayo ako dahil may tawanang papalapit. Bumungad sa'kin si Ma'am Diana na nakasakay sa likod ni Sir Lucian.

"O, George! Nandito ka pala?" tanong ni Ma'am Diana. Dahan-dahan siyang ibinaba ng asawa.

Tumikhim muna ako bago sumagot. "Kakarating ko lang po." Ayoko namang sabihing kanina pa at nakita ko pa silang naghahalikan.

"Kumain kana ba?" tanong pa niya na tinanguan ko.

"Itatanong ko lang po sana kung nasaan po si Loki?" naguluhan namang pareho ang mukha ng mag-asawa.

"Wala ba sa company?" baritonong tanong ni Sir Lucian na dahan-dahan kong tinanguan. Nakakatakot siyang tumingin ngunit kung tumingin sa asawa niya ay nakapalambing.

"Hindi rin namin alam, itanong mo nalang kay Thor. For sure alam niya kung nasaan ang kambal niya," sabi ni Ma'am Diana. Humawak ang asawa niya sa bewang nito at inakay paalis sa kusina.

Babalik na naman ba ako sa hospital para hanapin ang kamabl ni Loki? Nakakapagod na, a!

Paglabas ko ay saktong nakasalubong ko si Sir Thor. Umatras bigla ang dila ko dahil sa eksprsyon ng mukha niya. Nakatiim-bagang, salubong ang kilay at para bang nakakamatay ang aura na dala niya.

He's A Girl ( Published Under Ukiyoto Publishing)Where stories live. Discover now