Chapter 74
"Be careful!" paalala ko sa mga anak kong nagsasabuyan ng tubig habang nagtatampisaw sa dagat. Narito kami ngayon sa Boracay-plano 'to lahat ni Ma'am Diana, celebration daw sa pagbabati namin ni Loki.
"Let them be..." Nagulat ako nang sumulpot si Loki na may dalang cheese rings sabay akbay sa 'kin. Kinurot ko ang tagiliran niya kaya napalayo ito. "Why are you wearing shorts?" busangot na tanong niya.
"Bakit, ano ba dapat? Bikini?" sa sinabi ko ay mas lalong nagdikit ang kilay niya.
"That's not what I'm talking about! You should wear pajama!" Tinignan niya ako pababa na siyang nagpahalukipkip sa 'kin.
"Hoy, lalaki! Nasa beach tayo baka nakakalimutan mo. Bakit ako magpa-pajama, hindi naman ako matutulog?!" Napalayo ako nang akma siyang yayakap. Ngayon ko lang napagtanto na sobrang clingy niya, para siyang teenager na nanlalambing.
"Look!" Napalingon ako nang ituro niya ang likuran ko. "Gotcha!" Napaigtad ako nang mabilis siyang yumakap mula sa likuran ko. Hindi ko na siyang pinagbawalan at napangiti na lang.
"Are you following me?" Sabay kaming napatingin sa gilid nang marinig namin ang boses ni Shaira.
"Of course not, stop assuming impossible things." Nagtaka ako nang makita si Kuya sa tabi ni Shaira.
Si Shaira ay talagang inaya ko pero hindi ko inaya si Kuya dahil alam kong hindi naman siya sasama pero nakapagtatakang sumama siya.
"Kung saan ako magpunta, nandoon ka! Hindi pa ba pagsunod 'yon?" masungit na sagot ni Shaira. "Hundan!" dugtong nito na kinagulat ko...bad words 'ata ang hundan dahil madalas ko itong marinig sa kaniya kung ayaw niya sa isang lalaki.
"Tsk..." tanging nasagot ni Kuya sabay talikod kay Shaira ngunit agad ding humarap. Nakasuot ng white two piece si Shaira at kahit maliit siya ay sobrang sexy! "Get dress, you don't look sexy...mushroom!" Nagmarcha palayo si Kuya na siyang tinawanan namin ni Loki.
Umirap ang kaibigan ko ngunit agad bumalik ang ngiti nang tumakbo siya palapit sa mga anak ko.
"He got smitten." Napatango ako sa sinabi ni Loki. Lihim akong napangiti nang halikan niya ang kaliwang pisnge ko habang nasa likuran ko siya. "Baka maunahan pa nila tayo, pakasal na kaya tayo?" natatawang tanong niya.
"Okay," maikling sagot ko na kinagulat niya. Bumitaw ito sa pagkakayakap sa 'kin sabay punta sa harap ko, nanlalaki ang mata niya at may hindi makapaniwalang tingin.
"Okay?!" tanong niya na tinanguan ko.
"Oo nga, maraming taon na rin ang nasayang natin-"
"Oh my God!" Dramatic niyang nilagay ang kamay sa bibig niya. "Seryoso? Hindi ka nagbibiro?!" Hinawakan niya ako sa balikat at bahagyang inalog na dahilan nang pagtawa ko.
"Ayaw mo?" nakangiting tanong ko.
"GUSTO!" malaking ngiting sagot niya. "Wait, I'm not ready, I don't have ring! This isn't romantic, ang plano ko 'yung may pa-fireworks at red carpet-" Hindi ko na siya pinatapos, hinalikan ko nang mabilis ang labi niya.
"Daming daldal!" kunwaring pagsusungit ko. Nagulat ako nang tumawa siya nang malakas, nang mapatingin siya sa hawak niyang cheese rings ay kumuha siya ng isa at isinuot sa daliri ko.
"I LOVE YOU!" Hinawakan niya ang mukha ko at hinalikan nang mariin sa labi. Pagkabitaw niya ay nagtatakbo siya habang sumisigaw.
"WOAH! I'M GETTING MARRIED!" Ang bawat makasalubong niya ay niyayakap niya. Nang makita niya si Kuya ay mabilis niya itong nilapitan, akala ko ay yayakapin niya rin ito ngunit hindi-hinalikan niya ang kanang pisnge ni Kuya sabay sigaw ng... "We're getting married!"
***
Walang pagsidlan ang saya ko ngayon, I didn't expect that she would take my joke seriously...sa totoo lang ay wala pa akong lakas ng loob mag-propose sa kaniya dahil natatakot akong baka i-reject niya ulit ako.
"I'm happy for you, son," I smiled for what Papa said. "Anong balak mo?" Napaisip ako bigla sa sinabi niya.
"Can we get married tomorrow?" Sa sinabi ko ay pare-pereho silang napasimangot. Nasa tabing dagat kami at may tig-iisang beer. This is just for the boys; Mama and Aurora are in our room, talking to George.
"Masyado ka namang atat, pagplanuhan mo nang mabuti!" masungit na sagot ni Thor.
"My sister deserves the best wedding," singit ni Rob.
"I know, Kuya!" Parang nandidiring tumingin pa ito sa 'kin. "Ma!" Nakita kong papalapit si Mama sa direksyon namin. "Where is she?"
"Naliligo..." Sa sinabi ni Mama ay napangisi si Thor.
Lumapit siya sa' kin saka bumulong. "She's preparing for your honeymoon."
"Honeymoon? Bakit parang ang aga naman?" ganting bulong ko.
"Tsk, ewan ko sa 'yo!" sumimangot siya. "Puntahan mo na!" Pinagtulakan niya pa ako. Umalis ako nang hindi na nag-iwan pa ng kung anong salita.
Bago ako makarating sa kwarto namin ay nakasalubong ko pa si Shaira. "Hiramin ko muna sila, ha?" sabi niya. Hindi pa ako nakakasagot nang umalis siya habang hawak ang mga anak ko.
Pagbukas ko ng pinto ay naabutan ko siyang nakasuot lang ng puting roba. Napalunok ako nang makita ko siyang naglalagay ng lotion sa kaniyang binti.
"O? Nandiyan ka na pala, maliligo ka na ba?" Sunod-sunod akong napatango sa tanong niya. Wala sa sariling pumasok ako sa banyo.
Mabilis akong tumapat sa shower at nagkuskos ng sabon. Matapos maligo ay sampung beses pa akong nag-toothbrush, nag-shave na rin ako sa mukha, nag-mouthwash ng tatlong beses at ang huli ay nag-spray ng pabango bago lumabas na suot lang ay roba. Ang table lamp na lang ang nakasindi na siyang mas nagbigay init sa 'kin.
Nakita ko siyang nakatalikod sa 'kin habang nakahiga. Napangisi ako sabay hawi sa buhok-I'm getting hot!
Dahan-dahan akong sumampa sa kama, nang makalapit ako sa pwesto niya ay hinaplos ko ang lantad niyang braso. Napapikit ako nang maamoy ko ang matamis niyang pabango. Hinalikan ko ang braso niya bago magtungo sa pisnge nito.
"W-what?" Tinitigan ko siya nang mapansin kong nakapikit na ito. "You're asleep?!" Napabuntong hininga ako dahil tulog na pala siya. "I thought it was our advance honeymoon?" nanghihinang tanong ko.
Pabagsak akong nahiga sa tabi niya bago yumakap. Bigla itong humarap sa pwesto ko ngunit pikit pa rin, napangiti na lang ako at inayos ang higa niya. Matapos ko siyang ipaunan sa braso ko ay nagsumiksik pa siya.
Bago ako pumikit ay hinalikan ko muna siya sa noo.
A/N
Kindly leave your votes and comments, thank you!
YOU ARE READING
He's A Girl ( Published Under Ukiyoto Publishing)
RomanceSynopsis Loki Müller couldn't ask for more, he has it all...the looks, fame, money, loving family and tons of girls! Maraming babaeng lumuhod, lumuha at nagmakaawa sakanya.. He's a man who doesn't believe in relationships, he never sees himself...