Chapter 67
"Is he always here?" Napayuko ako nang marinig ko ang seryosong tanong ni Kuya. Dahan-dahan akong tumango na dahilan ng pagbuntong hininga niya. "I thought you will never forgive him?" dugtong nito.
"Hindi ko pa naman siya pinapatawad...nagpupunta siya rito para sa mga bata," mahinang sagot ko. Kaninang umaga ay nagulat na lang ako na nasa kusina na siya at naghahanda ng almusal.
"For now...but you will gradually forgive him. I'm not going to let him take you back so easily." Umupo ito sabay simsim sa black coffee nitong amoy na amoy ko mula sa pwesto ko. "I remember how you cried every night and how afraid you were to socialize because of him." Pinaglaruan ko ang hawak kong tasa nang mariin niya akong tignan.
Noon ay gabi-gabi akong umiiyak dahil kay Loki-sa pag-alis ko, dahil sa lahat at ang bawat iyak ko ay nasasaksihan ni Kuya Rob.
Kanina pa tunog nang tunog ang doorbell pero ayaw pagbuksan ni Kuya. Kanina pa nasa labas si Loki, gusto ko mang pagbuksan siya dahil naaawa na ako sa kanya ngunit isang tingin lang ni Kuya ay napapaatras na ako.
Sinadya niyang ikulong muna ang kambal sa kwarto at palibutan ng mga bagong laruan upang hindi sila magpumilit lumabas, siguradong 'pag nalaman nilang nasa labas ang ama nila ay magpupumilit silang papasukin ito.
Naiinis ako sa sarili ko dahil unti-unti na akong lumalambot. Sa tuwing nakikita ko kung gaano siya kasaya habang kausap ang mga anak namin ay napapaisip ako na pa'no kung sinabi ko sa kanya noon.
"Logan? Luffin? Daddy's here!" rinig kong sigaw ni Loki mula sa labas. Dahil malakas ng volume ng tv sa kwarto ng kambal ay siguradong hindi nila siya maririnig. Napahilot si Kuya sa sintido nito patunay na naiirita na siya sa sigaw ni Loki.
"Kuya? Nakakahiya sa mga kapitbahay..." Masamang tingin ang pinukol nito sa 'kin kaya napaiwas ako. Dahil nasa condo kami ay magkakalapit lang ang bawat kwarto. Marahil ay kilala ng mga staff dito si Loki kaya hindi nila mapatigil.
Palihim ko siyang sinilip nang tumayo ito saka buksan ang pinto. "Nakakaistorbo ka na," Kuya said in a deep tone. Napaayos ng tayo si Loki na halos iuntog na ng ulo sa pader.
May dala itong bugkos ng tulips at isang katerbang pagkain na galing pa sa kilalang restaurant. Napatikhim ito at pilit similip sa loob pero humaharang si Kuya.
"You were that guy right? Who was claiming my sons as his!" Nakipagsukatan si Loki ng tingin kay Kuya. Halos magkasingtangkad lang silang dalawa ngunit mas malaki nang kaunti ang katawan ni Kuya.
"They're my sons-"
"Cut it off!" Pagputol ni Loki sa kuya ko. Let's see kung hanggang saan ang tapang niya. "Where are they?" Nagpalinga-linga muli siya pero muling humarang si Kuya. Umamba itong papasok dahilan nang pagtulak ni Kuya sa kanya. Napasinghap ako at aawat sana ngunit pinigil ko ang sarili.
"I will not let you see them. While I am present, you are not permitted to approach them." Lumabas si Kuya sabay sara ng pinto.
Nataranta ako dahil baka kung anong gawin nila sa labas. Nagmadali akong buksan ang pinto at nagulantang ako sa nakita. "Kayong dalawa! Tumigil nga kayo!" Tumakbo ako palapit upang paghiwalayin sila.
Pareho silang nakahawak sa kwelyo ng bawat isa at ano mang oras ay magpapalitan na ng suntok.
"You're such a thick face, you want to take them back as if nothing happened after what you said?! F*ck you to death scumbag!" Hindi man nakasigaw si Kuya ay ramdam na ramdam ang galit niya.
Unang bumitaw si Loki, napayuko ito at hindi makatingin sa 'min nang diretso. "Y-You're right. I'm more than just a scumbag...I'm an assh*le." Tumawa siya nang sarkastiko matapos siyang pabalang na bitawan ni Kuya.
"Get out!" Tinuro pa ni Kuya ang way palabas. Nanatili ako sa pwesto ko at pinagmasdan lamang silang dalawa.
"I'll be back-"
"Don't you dare bother my sister again!" sabat ni Kuya.
"I...I will not give up. I will take them back," huling salita ni Loki bago bagsak ang balikat na umalis.
Nang balingan ako ni Kuya ay naitikom ko ang bibig. Sa totoo lang ay mas nakakatakot pa siya kaysa kay Papa, mahirap siyang basahin at tila isang buntis na may mood swings. Nilampasan niya ako na walang sali-salita.
Akala ko ay aalis din siya pero binantayan niya kami maghapon. Talagang hindi niya hahayang makalapit uli si Loki sa 'min.
Kinabukasan ay naabutan ko siyang nagkakape sa dining table. Naka-sando lang siya at boxer-wala ba siyang lakad?
"Good morning!" bati ko. Hindi niya ako pinansin at inabala na lamang ang sarili sa pag-inom ng kape. Magulo ang buhok niya at ang mga mata ay mapupungay. Puyat? Ano kayang nangyayari sa kanya.
Dati-rati ay kay aga-aga pa nakaligo na tapos ang pantulog ay naman ganito, puro silk na terno ang pantulog niya pero ngayon ay mukha siyang batang kulang sa aruga...pero gwapo pa rin!
"May problem ka?" tanong ko sabay lapag ng sandwich sa harap niya.
"I was unable to sleep." Humikab siya saka pumikit.
"Bakit? Miss mo si Shaira-" Nagulat ako nang bigla siyang nagmulat at inilapit pa ang mukha sa 'kin.
"F*cking no!" Napangisi ako bigla. "Wait...how did you about her?" Punong-puno ng curiousity ang mga mata niya.
"She's my bestfriend..." sagot ko bago kumagat sa sandwich na sana'y para sa kanya.
"Stop joking, Georginna...are you following me?!" Napairap ako sa kanya. Ano ako stalker ng isang bipolar na kuya?
"Paano pa kita masusundan kung sa pag-aalaga pa lang ubos na ang oras ko." Napatayo ako nang may mag-doorbell.
"I told him not to go here anymore!" galit nitong saad. Marahas siyang tumayo at inunahan pa akong magbukas sa pinto. Mukhan nakalimutan 'ata niyang hindi siya disenteng tingnan ngayon.
"Are you-" Ang sasabihin ni Kuya ay hindi niya natapos nang hindi si Loki ang bumungad sa 'min kundi si Shaira na tulalang nakatingin kay Kuya.
"Akala ko bukas?" sabi ko ngunit hindi naalis ang tingin niya kay Kuya. Nang bumabas ang tingin ni Shaira ay nagkukumahog na tumakbo si Kuya papasok sa kwarto niya. "Bakit hindi ka tumawag?" Hinintay kong sumagot siya ngunit tulala lang ito at namumula pa ang pisnge.
"SHAIRAAAAAA!!!!" malakas kong sigaw sa harap niya na kinaigtad nito.
"Huh?" wala sa sariling sabi niya. Nanlaki ang mga mata niya, hindi ko napaghandaan ang pagtili nito nang napakalakas. "AAAAAAAAAAAH!" Sa sobrang gulat ko at tinakpan ko ang labi niya.
"Bakit ba sumisigaw ka?!"
"I saw h-his..." Tumingin siya sa ibaba ko sabay turo do'n. "Mountain!" Natawa ako sa sinabi niya.
"Pasok na tayo, nakakahiya 'yang bunganga mo!" Hinila ko siya ngunit umiling ito.
"Ayaw!" Mas lalong namula ang pisnge nito kaya hindi ko na siya pinilit pa. "We're going somewhere, dali-bihis na kayo! I'll wait you downstairs." Mabilis siyang nagmartsya palayo.
Napailing ako bago pumasok. Saglit lang akong nag-ayos dahil alam kong mainipin si Shaira. Nang mabihisan ko ang kambal ay dumiretso kami sa kwarto ni Kuya.
"We're going somewhere!" Mabilis niyang binuksan ang pinto nang sabihin ko 'yon.
"Where? Who's with you?" Kung kanina ay nakapambahay lang siya ngayon ay para siyang rarampa sa fashion show.
"With Shaira. Sama ka?" Nang mabanggit ko ang pangalan ni Shaira ay naging balisa siya.
"Go...go now! Take that woman away from here!" Pabagsak niyang sinara ang pinto.
Tatawa-tawa akong lumabas ng condo. This is the first time seeing my brother in that state, palagi siyang confident at hindi pa natataranta sa harap ng babae.
![](https://img.wattpad.com/cover/281351066-288-k87242.jpg)
YOU ARE READING
He's A Girl ( Published Under Ukiyoto Publishing)
RomanceSynopsis Loki Müller couldn't ask for more, he has it all...the looks, fame, money, loving family and tons of girls! Maraming babaeng lumuhod, lumuha at nagmakaawa sakanya.. He's a man who doesn't believe in relationships, he never sees himself...