Chapter 70

849 56 7
                                    

Chapter 70

Nalaman ni Kuya na nanggaling ako sa bahay ng kambal ni Loki, at mula nang araw na 'yon ay mas lalo siyang naghigpit. Sa tuwing papasyal kami ay dapat kasama siya.

Para akong isang batang binabantayan niya. Akala niya 'ata ay bibigay ako agad kay Loki-isa pa ang angry bird na 'yon! Mula nang sayawan niya ako ay hindi na siya nawala sa isip ko! Lintik lang...

"Shaira is asking about you-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin nang mabilis niyang ibinaba ang kapeng hinihigop sabay tanghod sa 'kin. "What did she say?!" mabilis niyang tanong.

Ngumiti ako ng nakakaloko sa naging reaction niya. "Bakit mukhang excited ka? Do you like her?" taas-baba ang kilay ko habang nagtatanong.

"She's not my type!" Iniwas nito ang tingin sabay higop sa kape niya. Narito kami ngayon sa condo namin, kanina pa nag-aaya ang kambal na mamasyal ngunit ayaw pumayag ni Kuya dahil baka tumakas daw ulit sila.

"Hindi ka rin naman niya type. Ang type no'n moreno saka gusto niya Pilipino." Nakita ko ang pagkunot ng noo niya ng palihim. "Pagbigyan na natin ang kambal, Kuya. They need to go outside too." Hinintay kong sumagot siya at nang tumango ito ay napangiti ako.

Mabilis kong pinaliguan ang kambal na hindi mapakali sa pagka-excite.

Si Kuya ang nagmaneho, ako ang nasa passenger seat at sa back seat naman ang kambal.

"Wow!" Bulalas ni Logan nang makarating kami sa mall kung saan may teddy bear na mascot. Yumakap sila sa mascot kaya kinunahan ko na ng litrato.

Nagpaikot-ikot kami sa mall. Kung ano-ano ang pinamili ni Kuya, lahat nang dinadampot ng mga anak ko ay kinukuha niya-masyado niyang ini-spoil.

Pauwi na kami, at dahil sa pagod ay napagdesisyunan kong mag-elevator na lang kami. Nauuna akong maglakad habang ang mga mag-tito ay hawak kamay pang naglalakad, siguradong iniisip ng mga tao ay siya ang ama nila.

Habang naglalakad ako ay napatingin ako sa sapatos kong natanggal ang sintas, itatali ko na sana ngunit nagbukas ang elevator kaya pumasok ako nang hindi inaangat ang tingin dahil ang atensyon ko ay nasa sintas ko lamang.

"Bilis!" sabi ko kay Kuya. Binuhat ni Kuya ang kambal, ilang paper bags ang dala ko kaya hindi ko na mabuhat pa ni isa sa kanila.

Dalawang hakbang na lamang ay makakapasok na sila ngunit biglang namatay ang ilaw, nagsigawan ang mga tao sa gulat at isa na ako ro'n. Nang iangat ko ang palad ay malamig na pader ang nahawakan ko-nagsara ba ang elevator?!

"Kuya?! Logan?! Luffin!" Kinabog ko ang pinto sa sobrang kaba. Madilim, mainit at nakakatakot, wala akong dalang cellphone na pang-ilaw kaya labis ang kaba ko. Nangapa-ngapa ako sa paligid, walang nagsasalita kaya pakiramdam ko ay mag-isa lang ako.

Nang may makapa akong matigas na dibdib ay napasigaw ako. "Ahhh-hmmp!" Tinakpan ng kung sino man ang labi ko.

"Shh...I'm here." Sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko a takot ay hindi ko na siya naintindihan. BIglang gumalaw ang elevator, may lumalagabog sa taas at tunog ng nagkikiskisang wire. Impit akong napaiyak sa takot. "Don't be scared..." Ang palad niyang nasa bibig ko ay inalis niya upang yakapin ako.

Nanginginig ang buong katawan ko sa takot. "L-Loki?" Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ko ang boses niya. "Anong ginagawa mo rito?" Aalis sana ako sa yakap niya ngunit humigpit lalo ito.

"Following you. Buti na lang ay hindi pa ako bumaba kanina." Hinaplos niya ang buhok ko na nagpabawas sa takot kong nararamdaman.

Mariin akong napapikit nang gumalaw ulit ang elevator. Sumindi ang ilaw ngunit katiting na liwanag lang ang innilalabas nito. Akala ko ay sa mga penikula lang ito nangyayari ngunit nararanasan ko ngayon.

"Pwede mo na akong bitawan," saad ko dahil ang baba niya ay nakadantay na sa balikat ko.

"Ahh..." maikling tugon niya sabay alis ng mga braso sa 'kin.

Lumipas ang sampung minute ngunit wala hindi pa rin nagbubukas ang elevator. Mainit dito at isa pa sa kinatatakutan ko ay baka maubusan kami ng hangin.

"Ahm...how's the life in Australia?" Napalingon ako kay Loki nang magbukas ito ng topic. Nasa magkabilaang dulo kami ng elevator.

"Maayos, masaya..." tugon ko. Tumingala siya bago pumikit.

"I'm glad to hear that. Kumusta ang papa mo? I know it's too late but congrats!" Nagtaka ako sa sinabi niya.

"Para sa'n?" Nnapakuot ang noo ko nang ngumiti siya.

"For enduring the hardship, for achieving your dreams, for everything that you've reached...without me." Napipe ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin. "I regret it-I did. Hinabol kita pero mabilis kang nawala, umalis ka nang walang kung sino man ang nakakaalam. I spent my five years searching for you." Tumawa ito ng pagak ngunit mahihimigang ang lungkot.

"Sinaktan mo ako, e. Ang sakit, sa sobrang sakit hindi ko tinanggihan ang pagkakataong lumayo." Napatingin ako sa taas nang magpatay-sindi ang munting liwanag. "Alam kong mabilis mo akong makakalimutan sa sobrang dami ng babae mo-"

"I haven't had another woman since you entered my life. Ni tumingin sa ibang babae ay hindi ko ginawa. You changed me, George. I never felt this way before, you're the only woman who makes me feel uneasy, troubled and at the same time happy kahit na noong lalaki ka pa." Kita ko sa gilid ng mga mata kong nakatingin siya sa 'kin.

"Hindi mo ako maloloko. Pati nga sa banyo nakikipag-sex ka!" Tumingin ako nang diretso sa kanya na may masamang tingin.

"W-what? When? With whom?" gulong-gulong tanong niya. Peke akong natawa sa pagmamaang-maangan niya.

"Don't act innocent! Paano ko makakalimutan ang malalakas na ungol ng babae mo sa banyo?! Tumingin ka pa nga sa' kin no'n na parang pinagmamalaki mo pa!" Bakit parang pumait ang bawat salitang inilalabas ko?

"Do you think I'm that low? Na makikipag-sex sa banyo?" Hindi makapaniwalang tinuro niya ang sarili. "I just did that to piss you! Para ipakita na hindi magiging madali ang pagbabantay mo sa 'kin, ni hindi nga nakababa ang pantalon ko nang mga oras na 'yon, that d*mn woman was just acting!" paliwanag niya.

"Si Sofia...ang special na si Sofia?!" Napangisi siya bigla sa tanong ko.

"Sofia was my childhood crush but she wasn't my first love. She's never been special to me." Napalayo ako nang magtangka siyang lumapit. "Please...give me another chance...for our twins...for us," dugtong niya. Pakiramdam ko ay unti-unti na akong bumibigay.

Bago pa man ako makasagot ay nakakabinging tunog mula sa pinto ang narinig namin. May pilit na nagbubukas sa bakal na pinto ng elevator at nang magbukas ito ay ang nag-aalalang mukha ni Kuya ang bumungad.

"Are you all right? Are you hurt?" Mahigpit niya akong niyakap na parang mawawala ako. Nang mapatingin ako sa mga anak kong namumula ang mga mata ay bumitaw ako kay Kuya upang yakapin sila.

Humagulgol ang mga ito sa bisig ko. "Mommy!" sabay nilang sambit. Bumitiw sila sa 'kin nang makita nila si Loki na mabilis inangat ang mga braso upang salubungin sila.

Panahon na ba para magpatawad ako?

He's A Girl ( Published Under Ukiyoto Publishing)Where stories live. Discover now