Chapter 21
Tulala akong nakatitig sa pader nang biglang bumukas ang pinto ng office ni Loki.
Ang nakakainis niyang mukha agad ang bumungad saakin…gabi na pero wala ata siyang balak umuwi— ano to magdamag akong magbabantay dito sa pinto niya?!
“Sa condo ako uuwi ngayon.” Malamig niyang turan.
“Bakit don?” Nagdududang tanong ko, malamang sa malamang ay may babaeng naghihintay sakanya duon.
“Sasama ako.” Pinal kong tugon
“Bahala ka.”
Pagkarating naming sa condo niya ay may naghihintay ng magandang babae sa lobby.Sa postura nito ay masasabi kong hindi siya basta-basta, maputi siya at makinis, sa suot nitong fitted black dress ay hulmang-hulma ang kurba ng katawan niya, maliit din ang mukha…artistahin!
“What took you so long?” Malambing ang boses nito at kay sarap pakinggan na kinainis ko…bakit naiinis ako sa malambing niyang boses?!
“I have work.” Maikling sagot ni Loki.
Lumapit siya sa babae at hinagkan ito sa bewang—hindi ako makakilos o maka-angal dahil pakiramdam ko ay girlfriend niya ito at hindi basta fling lang.
“Sino siya?” Lakas loob kong tanong kay Loki.
Mapungay ang matang tumingin si Loki saakin.“She’s Sofia.”
Sofia ano? Ano si Sofia? Wala na bang dugtong?!Ang pangalang Sofia ay na-aalala ko, minsan itong nabanggit ni Sir Leonardo saakin at ayon sakanya ang Sofia na ito ay “ESPESYAL” kay Loki.
“I’m his girlfriend.” Nakangiting sagot ng babae saakin.
Hindi umayon si Loki at hindi rin ito umangal, hindi tulad nuon na pag may babaeng nagsasabing girlfriend daw niya ang mga ito ay todo tanggi siya.
Ang ngiti ni Sofia ay matamis, mukha siyang mabait at mahinhin ang kilos niya.
Hindi ko sila kayang paghiwalayin… hindi ako nakaimik nang talikuran nila ako at pumasok sa unit ni Loki.
Isang oras na rin nang umalis sila pero hanggang ngayon ay hindi parin sila lumalabas…hindi man lang ba nila ako papakainin? Nangangati narin ako at gusto ng maligo, sa kamalas-malasan ay may dalaw ako ngayon.
Dahil hindi na ako makatiis ay kumatok na ako. “Nagugutom na ako at gusto ko ng maligo.” Walang preno kong sabi nang makitang si Loki ang nagbukas ng pinto.
“You can stay on Thor’s unit—zero, seven, twenty three.”
Napamaang ako nang pagsarhan niya ako ng pinto…topless siya—hindi ko maintindihan kung bakit parang nanlamig ako bigla.
Tatalikod na sana ako nang bumalik siya at ihagis sa mukha ko ang paper bag.
Walang buhay na nagtungo ako sa unit ng kakambal niya at nilagay ang passcode na sinabi niya.
Kahit na walang pahintulot ng kakambal niya ay kumuha ako ng instant noddles sa cabinet nito.
Siguro naman hindi maisipan ng kambal niyang umuwi ngayon dito.
Matapos kumain ay nagtungo ako agad sa banyo…ang ganda ng banyo, parang kabuuan na ito ng inuupahan ko.
Parang gusto kong tumalon sa tuwa nang makita ang sanitary napkin sa gilid, gamit siguro ito ng girlfriend niya.
Ang laman ng binigay ni Loki saakin ay ang siyang binili niya noong magpunta kami ng Mall…mabuti naman at naisip niyang wala akong isusuot, siguro uuwi nalang muna ako…nakakahiya naman sakanila.
YOU ARE READING
He's A Girl ( Published Under Ukiyoto Publishing)
RomanceSynopsis Loki Müller couldn't ask for more, he has it all...the looks, fame, money, loving family and tons of girls! Maraming babaeng lumuhod, lumuha at nagmakaawa sakanya.. He's a man who doesn't believe in relationships, he never sees himself...