Chapter 43

838 49 11
                                    


Chapter 43

Kunot noo kong pinagmamasdan ang mga papel na naglalaman ng pangalawa kong imbestigasyon kay George. Walang nagbago, ganon pa rin ang resultang binigay ng Ninong Leonardo ko.

"Ito lang ba, Ninong? His parents are both dead, then his address is somewhat confusing...bakit nang minsan puntahan ko siya nang araw ng day off niya wala siya do'n?"

"Anong gusto mo? Itali ko siya sa bahay niya para 'pag nagpunta ka maabutan mo siya do'n?" natatawang sabi niya.

"I'm serious, Ninong. I want all of his details, where are his parents grave? Saan siya nag-aral, where are his other relatives... If you cannot provide me with all of his information, I will simply hire someone else." Sumama ang timpla ng mukha niya.

"You don't trust me, do you?" seryosong sabi niya. According to Mama, if they speak english then they're pissed off.

"It's not that, Ninong..." Nauubos na ang pasensya ko ngunit ayaw ko namang maging bastos.

"Alam mo bang kahit schedule namin ng ninang mo, ipinagpaliban ko para lang imbistigahan ang driver mo?!" makabagbag-damdaming wika niya.

"Okey, okey! Huwag niyo naman pong isisi sa 'kin na natigang kayo, Ninong!" Buti siya 'yon lang ang problema—ako malala!

"Ano? Gusto mo bang ulitin ko ulit?" tanong niya na inilingan ko.

"Don't bother... you can have quality time with Ninang now." Ngumisi ito bago ako talikuran.

Ang tagal naman niyang dumating, I've already missed him... I can't believe I'm going insane because of a man.

Hold on Loki, baka makahalata siya 'pag hinanap mo siya ngayon. Baka 'pag nalaman niyang gusto ko siya ay matakot bigla...

Sa paghihintay sakanya ay naisipan kong inumin ang whiskey kong na-stock sa tabi. I'm a little tipsy—or maybe completely drunk but I can still manage.

"Did you see my driver?" tanong ko sa dumaang empleyado. Seven in the evening, but he's still not here. Hindi na ako nakatiis at hinanap ko na siya.

"Nasa rooftop po 'ata, Sir." I just nodded then headed to the rooftop.

I shaked my head, I feel dizzy. I want to cuddle with him, I want to hug him, I want to kiss him—f*ck this feeling.

"Hey!" I shouted. He didn't throw me a single glance. Nakatayo siya habang nakatingin sa langit na puno ng bituin. "Stupid!" Nainis ako dahil hindi pa rin siya tumitingin.

I lost my control. Hindi niya nalamayang nakalapit na ako at yumakap sa likuran niya. I buried my face on his neck.

"Loki?!" He seems not aware that I'm calling him.

"Shhh..." My hug tighten after he tried to remove my arms around his waist. He has a small waist for a man.

"Loki! Lasing ka ba?" Pilit niyang inaalis ang braso ko ngunit pinigilan ko siya.

"I'm not... Stupid...is there any chance that you will like a man?" I looked at him eyes half-open.

"Ha? Syempre h-hindi! Lalaki ako kaya b-babae ang gusto ko!" I laughed sarcastically—he's killing me inside.

"What if you found out that I'm a gay and I like you?" I tried to sound funny.

"Ikaw bakla? Tatawanan kita syempre...karma mo na 'yan—babaero ka kasi." How can I confess my feelings if he's like this?

"Sana tamaan ako ng kidlat ngayon..." I guess this is really my karma...ang saklap naman ng karma ko! Pwede naman akong makabuntis na lang tapos mapikot pero bakit ganito pa?

"Loki, magre-resign na ako." Hindi pwede!

"You can't... I didn't force you to work for me, I fired you before but you were stubborn — it's too late, Stupid...too late for that." His body stiffed.

Sobrang komportable sa pakiramdam habang yakap ko siya, he's perfectly fit on my arms. Unti-unting bumibigat ang talukap ng mga mata ko and I fell asleep in a couple of minutes.

***

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Bukas na bukas ay aalis na ako kahit na hindi siya pumayag, hindi ko na hihintaying makita niya ang paglobo ng tyan ko.

Sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang yakap niya ako mula sa likuran ay takot na takot akong baka marinig niya ang tibok nito. Wala akong balak sabihin sakanya, hindi rin naman siya maniniwala dahil hindi niya naaalala na may nangyari sa 'min.

Habang nakayakap siya ay bigla na lang siyang bumigat buti na lamang ay naagapan ko bago pa man siya bumagsak. Ang loko, tinulugan ako.

Kaawa-awa naman siyang tignan habang tulog sa sahig. I sat down and put his head on my lap. Ang amo-amo niya habang tulog—ganito rin ba ang magiging itsura ng magiging anak namin? Sa isiping magiging kamukha niya ang anak namin ay may mainit na humaplos sa puso ko.

Ang siraulong isip bata na ito ay iniba ang buhay ko. Hindi ako bibigay kung hindi ko siya gusto, sana mayaman na lang ako para hindi ko kailangang magpanggap bilang lalaki.

"Sana ako na lang talaga si Georginna na nakilala mo sa ball." Hinaplos ko ang pisnge niya. Pinisil ko ang ilong niya na kinaungot nito

Pakiramdam ko ay may nakamasid sa 'min kaya nilibot ko ang paningin ko. "Sino 'yan?!" Dahil may kadiliman na sa paligid ay hindi ko maaninag kung sino ang taong nagtatago sa likod ng mga kahon.

Ang tanging nakita ko lamang ay ang pagtakbo palabas ng isang lalaking naka-all black. Napasinghap pa ako dahil sa pagtayo ko ay ang pagbagsak ng ulo ni Loki. Hinabol ko ang lalaki, todo ingat ako dahil hindi na ako nag-iisa ngayon.

Maabutan ko nq sana siya kung hindi lang sumara ang elevator—mapang-uyam pa itong kumaway sa 'kin. Naka-facemask ito at cap.

Sino siya at bakit niya kami pinagmamasdan...nakita niya ba ang pagyakap ni Loki sa 'kin? Kung nakita man niya ay siguradong malaking iskandalo ito.

He's A Girl ( Published Under Ukiyoto Publishing)Where stories live. Discover now