Chapter 14

692 43 2
                                    

Chapter 14

Seryoso talaga? Sa iisang cabin lang kami? Ibig sabihin ay hindi ako makakaranas ng katahimikan dahil baka magsabong lang kami.

“Hey stupid! Ayusin mo gamit ko.” Marahas akong napakamot sa ulo ng makalabas siya.

Binuhos ko ang lahat ng laman ng bagpack niya at galit na pinaghahampas ang mga ito…iniisip kong mukha niya ang sinusuntok ko ngayon at kahit sa imagination lang ay mabugbog ko ang nakakainis niyang mukha.

“Ay mahabagin!” bulalas ko ng tumalsik ang lampas sampong condoms sa lapag.

Talagang nagbaon siya?
Walanghiyang angry bird mahilig!

Matapos kong ayusin ang lahat ng gamit namin ay lumabas ako saglit upang tignan kung nasa malapit lang si Loki.

Nang masiguro kong wala siya ay dali-dali akong pumasok sa banyo upang higpitan ang benda ko sa dibdib dahil bahagya itong lumuwag.

Nagsuot ako ng itim na pajama at puting t-shirt…sa suot ko ay hindi ako mukhang lalangoy dahil mas angkop itong pantulog, ayokong magshort dahil baka magtaka siya kung bakit makinis ang binti ko.

Paglabas ko ay agad akong nagtungo malapit sa pwesto nila…they’re laughing? They’re laughing because of her outfit?

Kahit bumagay naman sa girlfriend ni Sir Thor ang suot nito ay tinawanan parin nila? How about me? Baka mamatay na sa kakatawa si Loki pag nakita niya ako.

Dahil sa isiping pagtawanan niya rin ako ay hindi ako dumiretso sa pwesto nila bagkus ay naghanap ako ng pwesto kung saan kaunti lamang ang tao.

Ilang sandali ang lumipas at muling bumalik ang girlfriend ni Sir Thor kung kanina ay pinagtatawanan siya ngayon ay halos mapanganga sila sa kasexy-han niya.

Even me…she left us in awe, nakakabihaghi ang ganda niya…I miss being a woman, I want to wear a dress but I can’t afford, sa pamasahe palang nuon papuntang eskelahan ay hirap na ako.

Minsan ay naiinis ako sa sarili ko dahil nasasanay na ako sa pagiging lalaki at nakaakalumutang ko baabe pala ako.

Nakakainggit dahil sila ay masayang lumalangoy samantalang ako ay heto pamasid-masid lang, hindi naman ako pwedeng lumangoy dahil baka matanggal pa ang bigote at balbas ko.

“Hi handsome!” malambing na boses ang umagaw ng atensyon ko.

“A-ahm hi?” hindi siguradong sambit ko ngunit ngumiti parin siya ng matamis.

“I’m Choon Hee  and you are?” I stared at her from head to toe…she’s cute.

Sa hula ko ay isa siyang korean, hindi ako maputi ngunit hindi naman maitim ngunit kung ikukumpara ang kutis ko sa kutis niya ay nagmukha akong patatas samantalang siya ang labanos.

“George.” sagot ko at sumipsip sa order kong pineapple shake.

Bigla akong napalayo ng makitang kumukuha siya ng picture at talagang isiningit pa ako.

Lumiit ang mata ko ng makita si
Loki na bumibili ng cotton candy… napangisi rin ako ng  makita kung paano niya subukang gumawa non, tuwang-tuwa siya ng makabuo ng malaking bilog sa hawak niyang stick…tss dinaig pa ang bata.

Hindi nagtagal ay bumalik siya sa pwesto nila at binigay ang ginawang cotton candy kay Aurora, and base on his reaction nakikita kong ipinagmamalaki niyang siya ang gumawa non.

“Get me some water.” utos ni Loki habang nagbabrowse sa kanyang cellphone.

Padabog kong hinagis ang bottled water sakanya, mas mabuti pang dun  na lang siya magdamag sa labas kaysa nasa iisa kaming kwarto.

Narinig kong may fire dance raw mamaya so I’m going to be there!

Hahayaan ko munang magliwalis si Loki at ganun rin ang gagawin ko, kanya-kanya muna kami.

Ng makita niyang isunuot ko ang denim jacket ko ay napabangon siya at nagtatakang pinapanood ang bawat galaw ko na parang hindi makapaniwalang aalis ako ngayon.

Hindi ko akalaing ang girlfriend ng kakambal niya ang sasayaw…nakakamangha, naiinis na  tumingin ako sa gilid ko ng makita si Loki…bakit ba nandito to? Luminga-linga ako at naghanap ng pwesto na walang gaanong tao.

Fresh air, quiet and relaxing place…ito ang gusto ko yung walang estorbo.

Yumakap ako sa sarili ng humaplos ang malamig na hangin, kahit na naka jacket ako ay ramdam ko ang lamig.

Bahagyang tumatama ang tubig sa paa ko tuwing aalon, ang pagupo sa dalampasigan ay masarap sa pakiramdam.

“Pa? Kumusta kana kaya? Ako kase pagod na.” pagkausap ko sa hawak na kwintas.

Mariin akong pumikit upang maiwasan ang pagluha at sa pagmulat ko ay ang nakangising si Loki ang bumungad, ang hawak kong kwintas ay hinablot niya at nilayo saakin.

“AKIN NA YAN!” napatayo ako at pilit kinuha ang kwintas pero tinaas niya lang ito.

“Opps!” nangaasar niyang sabi at tinitigan pa ang kwintas ko.

Halos mapunit na ang damit niya sa kakahila ko ngunit ayaw niya paring ibigay ang kwintas.

Uminit ang ulo ko ng tumawa siya at iwagayway pa ito sa harap ko…hindi ako natutuwa!

“Ibalik muna saakin yan!” nanggagaliiting sigaw ko but he’s deaf!

“Why would I? why are you talking with this cheap necklace?” cheap? Tinawag niyang cheap ang bigay ng papa ko?!

“Wala ka ng pakialam don!” dinuro ko siya at pilit inagaw ang kwintas

“Cheap? hindi matutumbasan ng kahit anong halaga ang bagay na yan kaya… AKIN NA!” nakaramdam ako kaba  ng ngumisi siya

“So… it’s priceless? Pangit na nga nangangalawang  pa.” natigilan ako sa panlalait niya.

“This f*cking necklace deserves to be throw away--”

“ANONG GINAWA MO?!” halos lumabas na ang litid ko ng ihagis niya ang kwintas ko sa dagat.

“NAPAKA-GAGO MO! WALA AKONG GINAWANG MASAMA SAYO PARA GAWIN MO SAAKIN TO!” hindi ko napigilan ang pagdaloy ng masaganang luha sa pisnge ko

“It’s just a lousy necklace--” hindi ko na siya pinatapos at walang pasabing sinuntok ko ang
pagmumukha niya.

Hindi ko na nakita  pa ang reaction niya dahil mabilis akong lumusong sa tubig upang hanapin ang kwintas, kahit na alam kong malabo ko ng mahanap pa iyon ay nagbakasakali ako…wala na nga si Papa,nawala pa ang bigay niya.

Sumisid ako at pilit kinapa ang buhangin, nanginginig na ako sa lamig ngunit hindi ako tumigil…hindi nagtagal ay nawalan ako ng pagasa, walang-lakas na umahon ako at sumalampak sa buhangin saka humagulgol.

“Hey stupid!” hindi ko siya nilingon at patuloy na umiyak.

Napaigtad ako ng may magbato saakin at sumapit pa ang binato niya sa daliri ko…dahan-dahan ko itong nilingon, suminghap ako ng makitang nasa kamay ko muli ang kwintas ko.

“Masaya kana? Satisfied kana ba dahil napaiyak muna ako?” buong lakas ko siyang tinulak ngunit hindi siya natinag.

Hindi siya umimik at seryosong tumitig lang saakin…hindi man lang ba siya magsosorry?

Huminga muna ako ng malalim bago ko siya lampasan…tatagal pa ba ako dito?

Tingin ko ay hindi ko na matitiis pa ang mga ginagawa niya.

He's A Girl ( Published Under Ukiyoto Publishing)Where stories live. Discover now