Chapter 4

898 51 6
                                    

Chapter 4

Sinusundan yata ako ng malas dahil bakit lahat nalang ng nangyayari saakin ay puro kamalasan, kailan ba ako suswertehin ulit? Tanging walong daan nalang ang natitira saakin…saan pa ito makakarating? Sa hirap maghanap ng trabaho ngayon ay matatagalan pa ako bago makahanap muli ng panibago

“Sorry George, pinapasunod na kase ako nila Mama sa states, sa lahat ng empleyado ko ikaw ang pinaka apektado dahil wala kang mapapasukan agad” marahang napatango nalang ako sa sinabi ng Boss kong babae

“Ayos lang po Maam, ingat po kayo duon” iniabot  niya saakin ang huling sahod ko “Dinagdagan ko na iyan para may panggastos ka” nagpasalamat ako sakanya bago ito pumasok sa office niya

Huling araw ko na ito dahil bukas ay tuluyan na itong ipapasara dahil aalis na ang Boss namin, laking panghihinayang ko dahil sobrang bait niya…ang coffee shop na ito ay libangan niya lang.

Tatlo lang kaming empleyado niya ang dalawa ay hindi na pumasok, ako lang ang hindi nainfrom

“Good Morning! What’s your order Sir?”agad kong bati sa bagong pasok na customer. Ang gwapo naman niya kahit tingin ko’y may edad narin

“Espresso and a slice of chocolate cake please” agad akong ginawa ang kapeng order niya

“Here Sir” sabi ko pagkabigay ng order niya

Siya  lang ang custumer ngayon, may magjowa sa gilid ngunit haggang ngayon ay hindi pa umoorder nagpapalamig lang yata dito, halatang may LQ sila dahil panay ang paghikbi ng babae---kinse palang yata ang mga ito tapos ganito na inaatupag!tsss..

Ako nga bente na wala pang nagiging boyfriend…hirap silang ligawan ako dahil bukod sa hinahamon ko sila ng teakwando ay nagpaparamdam palang sila binabasted ko na.

Lumabas ang lalaking custumer kaya kinuha ko na ang mga ginamit niya akmang tatalikod ko ng may makitang itim na wallet sa inupuan niya. Luminga-linga ako at ng makitang hindi pa siya nakakalayo ay mabilis akong lumabas upang habulin siya

“Sir!”sigaw ko ngunit hindi siya lumingon

“Nanaman?ang hirap humanap ng magbabantay kay Loki Lil Sis! Lima na ang napapasuko niya…si Leonrado nalang paghanapin mo!” rinig kong sabi niya sa kausap sa cellphone

“Sir!” pagtawag kong muli  at sa wakas ay nakuha ko rin ang atensyon niya “Ako ba?” tanong niya at tinuro ang sarili

“Opo, naiwan niyo po itong wallet niyo” sabi ko at inabot ang wallet niya

“Naku salamat! Nandito pa naman ang kayamanan ko” ngumiti ako sa sinabi niya

“Buti ikaw ang nakakita, muntik ng mawala ang lucky charm ko” sabi  niya at binuksan ang wallet at dinukot duon ang isang picture

Kinagat ko ang dila upang hindi matawa sa pinakita niya, picture iyon ng isang babaeng nakanganga habang tulog tapos ay puno ng sulat ang mukha

“Ganda no? Asawa ko yan” tumawa siya kaya ngumiti nalang ako

Napatigil siya sa pagtawa at tinitigan ako mula ulo hanggang paa..napahawak siya sa baba na parang may naisip bigla kaya kinabahan ako.

Napaatras ako kaya napailing siya na parang sinasabing mali ang iniisip ko

“Anong pangalan mo?”tanong niya

“George Torres po” sagot ko

“Gusto mo ba ng trabaho?” mabilis akong napailing sa sinabi niya…baka kung anong trabaho ang sinasabi niya

“No mali ka ng iniisip, magiging taga bantay ka lang ng inaanak ko” nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya….akala ko kung ano na!

“Wala po akong experience sa pagaalaga..di bale nalang--” natigilan ako ng sabihin niya ang sahod “30 thousand a month..libre lahat” parang gumalaw-galaw ang tenga ko sa narinig

“Po?totoo po ba iyan?”paniniguro ko

“Yup…so…are you in?”nakatunghay siya saakin habang naghihintay ng sagot ko

“Deal” ngumiti siya at nakipagkamay saakin

Ang laki naman ng sahod, magbabantay lang naman ako ng bata, siguro sobrang kulit ng batang iyon kaya kailangan ng tagabantay

“You can start tommorrow, pero may kailangan muna tayong gawin---here’s my calling card,tawagan mo nalang ako and I’ll pick you up” agad-agad? wala ng resume or biodata? Ayos kung ganon!..kinuha ko ang calling card at tumango sakanya

Ng makaalis siya ay binasa ko ang nakasulat sa calling card “Leonardo Salazar husband of an alien named Coreen” grabe siya sa asawa niya! Sa likod nakalagay ang number at home address niya

Kinabukasan ay maaga kong tinawagan ang number niya..talagang nagpaload pa ako sayang tuloy bente! Ilang minuto lang ay nasa labas na agad siya.

Bago ako sumakay sa pulang kotse ni Sir Leonardo ay napatingin muna ako kay Aling Mayet na napatigil pa sa pagwawalis… napailing siya kaya alam kuna ang iniisip niya.
Iniisip niyang pumatol na ako sa mas matandang mayaman, sa tatlong taon ko sa paupahan niya kabisado ko na siya

“Bago ang lahat, willing ka ba sa lahat ng iuutos ko?” tanong niya ng makarating kami sa isang hindi kalakihang bahay

“Opo” sagot ko, naabutan namin dito ang asawa niyang si Maam Coreen---maganda naman pala siya  pinapangit lang ni Sir Leonardo sa picture sa wallet niya

“Kailangan mong magpanggap bilang lalaki---” nagulat ako sa sinabi niya

“Po bakit po?” mabilis kong tanong

“Ilang taon ba ang inaakala mong babantayan mo?” nagtaka ako sa tanong niya

“6?10?” hula ko na tinawanan nilang mag-asawa

“Siya si Loki Müller, 24 years old and a certified womanizer. Sakit sa ulo ng Mama niya ang pagiging babaero niya kaya kailangan mo siyang bantayan at pigilan ang pambababae niya” napalunok ako sa nalaman, ang buong akala ko ay bata ang babantayan ko damulag naman pala!

“Kailangan mong magpanggap bilang lalaki dahil kung babae kang haharap sakanya ay baka isa ka sa maging babae niya” paliwanag ng asawa niya

Tumango nalang ako dahil wala ng atrasan to, sa sobrang laki ng sahod ay mahirap tanggihan.

Nagsimula silang maglabas ng mga gamit panlalaki, napangiwi ako ng mapatingin sa brief na nakalagay pa sa transparent box nito----bakit pati brief??

“I’m sorry George pero kailangan rin nating gupitan ang buhok mo” napipilitang tumango ako

Habang ginugupitan ako ni Sir Leonardo ay mariin akong napapikit, ang buhok kong kulay chokolate na  hanggang bewang ay wala na, nilagyan niya ako ng kaunting bangs at hindi ako kinalbo bagkus maganda ang pagkakagupit niya.

Tinulungan ako ng asawa niya na magkabit ng benda sa dibdib. Dahil may kalakihan ang dibdib ko ay ilang ikot ng benda ang ginawa niya.

Pinagsuot niya ako ng three black suit at makintab na itim na sapatos

Ng tumingin ako sa salamin ay ibang George ang nakikita ko, hindi ko makita ang dating ako…lalaking lalaki ang itsura ko. Tinitigan ako ng magasawa at sabay silang napangiti

“Kanina ay ang ganda-ganda mo at ngayong nakabihis panglalaki ka ay mahirap parin itago ang ganda mo….you’re a beautiful man” papuri ni Maam Coreen

Dahil natural na matangkad ay bumagay saakin ang suot ko, ang dibdib ko ay ipit na ipit at medyo mahirap huminga. Ang mukha ko ay pilit kong pinatigas ang ekspresyon at boses ko ay pilit ko ding pinalalim

Para sa isang lalaki ay maliit ang mukha ko ngunit hindi naman na siguro niya iyon mapapansin, dahil nawala na ang mahabang buhok ko ay mas nadepina ang hugis puso kong mukha. Ang hiwa sa labi ko ay nagmukhang kaakit-akit at mabuti na lamang ay makapal ang kilay ko pandagdag na rin ito sa pagpapanggap ko

“Ito lang ang isang rule ko George, don’t fall inlove with Loki masasaktan kalang” napatango ako sa bilin ni Sir Leonardo-----hinding-hindi ako magkakagusto sa lalaking iyon! Pag nakaipon na ako ay aalis din ako kaagad

He's A Girl ( Published Under Ukiyoto Publishing)Where stories live. Discover now