Chapter 17
Pang isang Linggo na namin at ito na rin ang huling araw namin rito. Bago man lang kami umuwi ay gusto kong makabili man lang ng souvinir—ala-ala na naka-pasyal ako sa ganitong lugar kahit minsan.
Sumilip muna ako sa pinto upang i-check kung nasa paligid ba si Isaiah at Loki, nawiwirduhan na ako sakanilang dalawa dahil mayat-maya silang sumusulpot.
Nang masiguro kong wala sila ay dali-dali akong tumakbo palabas, napatalon pa nga ako sa tuwa.
Naglakad-lakad ako at panay ang tingin sa mga paninda…ano kayang bibilhin ko? Nagsuot ako ng mga sumbrero na gawa sa abaka, isang coat na gawa sa makukulay na tela, isang t-shirt na hindi ko napansing may nakasulat palang, “F*CK ME!” huli na dahil nabayaran ko na ito.
Habang naglilibot ay nagawi ang tingin ko sa isang tindahan na punong-puno ng ibat-ibang keychains, para bang isa akong bakal at isa iyong magnet na pilit akong hinihila palapit.
Hinawakan ko ang isang keychain na may desenyong baul, hawig ito ng kwintas na bigay ni Papa…iba’t-ibang emosyon ang naramdaman ko sa simpleng bagay lamang.
“Singkwenta Pesos lamang ‘yan ineng, bibilin mo ba?” nabaling ang atensyon ko sa aling nakaupo sa gilid.
“Opo.” Sagot ko at inabot sakanya ang keychain.
Tatalikod na sana ako ng makita ko ang isang keychain na namumukudtangi sa lahat, parang hinihipnotismo ako nito na hawakan siya. Bakit ba ikaw agad ang naisip ko? hindi ko maiwasang sabi sa isip.
Nakagat ko ang labi ng bigla akong mapangiti, isang pulang Angry Bird keychain ang hawak ko ngayon. Wala sa sariling binayaran ko ito at diretso nang bumalik sa cabin dahil baka maiwanan ako. Hindi pa man ako nakakapasok sa loob ay rinig ko ang bangayan ng dalawa,
“Did you see him?” tanong ni Loki sa nagkakapeng si Isaiah.
Umirap muna si Isaiah bago sumagot, “If I saw him, then I’m not here and probably with him right now.”
“Why don’t you just go home?” naiinis na sabi ni Loki na siyang ikinabusangot ni Isaiah, “You have your own chopper pero makikisiksik ka pa?” dagdag nito.
“Aww… you don’t love me na?” napaatras ako sa gulat nang makita ang ginawa ni Isaiah.
Nandidiring hinawi ni Loki si Isaiah na nakayakap sa bewang niya, “Back off motherf*cker!”
“Group hug!” nagmamadaling lumapit sakanila ni Aurora at nakisingit sa yakapan ng dalawa.
Napailing na lamang ako at tuluyang pumasok sa kwarto namin, matapos kong maayos ang gamit namin ni Loki ay lumabas rin ako kaagad.
Dalawang bagpack lang naman ang buhat ko ngunit nagpumilit parin si Isaiah na siya nalamang raw ang magdala.
“Hey! Stupid.” nagtulug-tulugan ako upang hindi makausap si Loki.
Biglang may pumasok sa ilong ko at sinundot-sundot ito ng kung ano, naiinis na hinawi ko ang kamay niya pero bumabalik parin siya sa pagsundot sa Ilong ko.
“Ano ba!?” naiinis ko siyang binalingan.
Pinaggigitnaan nila ako ni Isaiah at talagang ipit na ipit ako dahil sa laki ng katawan nila— si Isaiah ay kanina pa tulog samantalang siya ay kanina pa hindi mapakali.
“Look what I’ve bought!” hindi ko na sana siya papansinin ngunit hinarap niya saakin ang isang keychain na may green na baboy .
“This is you. You’re both stupid!” ngumisi siya at nilapit pa saakin ang keychain niya.
YOU ARE READING
He's A Girl ( Published Under Ukiyoto Publishing)
RomanceSynopsis Loki Müller couldn't ask for more, he has it all...the looks, fame, money, loving family and tons of girls! Maraming babaeng lumuhod, lumuha at nagmakaawa sakanya.. He's a man who doesn't believe in relationships, he never sees himself...