CHAPTER TWO
MAY NGITI SA LABI NIYA habang siya’y naglalakad sa hallway. Katatapos lang niyang maglog-in at nakapagpalit na rin ng uniform.
She was wearing a white dress shirt, wine red waistcoat, skirt suits, and black shoes. Nasa kaliwang dibdib ng suot na damit ang kanyang name tag at sa ibaba niyon ang logo ng hotel. Maayos na nakatali ang kanyang buhok at manipis lang ang make-up.
Hindi niya gusto ang magsuot ng formal clothes pero dahil sa uri ng trabaho ay kailangan niyang masanay.
When she’s tending to guests, it’s important to look smart and presentable. What she wear can have a powerful effect on how guests think, feel and act towards her.
She’s working in Bolton Hotel as a concierge. Her job is to act as a liaison with guests. She provides assistance with personal business, such as making travel arrangements, scheduling appointments, or running errands.
Nang mapadaan siya sa kitchen ay napatigil siya sa paghakbang. Lumapit siya sa glass door at saka sumilip. Bumilog ang kanyang mga mata nang mamukhaan ang isang lalaking nagsasalita sa harapan ng mga kitchen staff.
“Bakit siya nandito?” paanas na aniya.
“Siya ang bagong executive chef.”
Nilingon niya ang babaeng nagsalita sa kanyang tabi. Kagaya niya, nakatingin din ito sa loob. Base sa suot nitong uniform, isa itong housekeeping supervisor. Pero ano ang ginagawa nito sa may kitchen area? Parang gusto niya rin tampalin ang sarili nang mapagtantong pareho sila ng ginagawa.
Muli niyang tiningnan ang bago raw nilang executive chef, na walang iba kung ‘di ang driver ng black Mercedes Benz na pinagtaguan niya noong isang araw.
Pa-simple niyang tiningnan ang mukha nito. Nag-uumapaw ang pagkagandang lalaki nito.
Ang kapal ng itim nitong mga kilay. Medyo singkit at dark brown ang mga mata. May nunal ito sa kaliwang pisngi at matangos ang ilong. May mapang-akit na labi na natural ang pagkapula. Malinis at fresh itong tingnan dahil mukhang bagong shaved. Bumagay rin dito ang pagiging kayumanggi nito. Nakita niya rin ang paglabas ng malalim nitong dimple sa kaliwang pisngi at ang mapuputi at pantay na mga ngipin nang ngumiti ito sa mga staff. Sa tantiya niya, nasa five foot and eleven inches ang taas nito.
“Masarap siya . . .”
Ang sarap nga nitong panoorin. Para itong kagaya sa mga napapanood niya sa isang cooking shows. Alam niyang guwapo ito noong una pa lang niya itong nakita pero mas naging guwapo sa kanyang paningin dahil naka-uniform ang lalaki. He was wearing a loose-fitting pants in houndstooth pattern, white double-breasted jacket with knotted cloth buttons, and white toque blanche.
“Gusto ko matikman . . .”
“Gusto ko rin ma—” Natigilan siya at may nanlalaking mga mata na tiningnan ang katabi. “Ang alin?”
Ngumiti ang babae sa kanya. “Masarap daw siya magluto kaya gusto kong matikman.”
Napangiti siya nang alanganin. “Ahhh. . . Ganoon ba?”
Anak ka ng sampung berdeng palaka, Ida!
Pagkain pala ang tinutukoy nitong masarap at gustong tikman. Ano ba ang nangyayari at ang dumi ng takbo ng utak niya ngayon?
“Sige alis na ‘ko baka may makakita pa sa atin dito,” aniya.
Nataranta naman ang babae at mas nauna pang umalis sa kanya. Naglakad na rin siya palayo sa kitchen. Baka makita pa siya ng hotel manager at masermonan tungkol sa general rules.
PUMASOK SA LOOB NG ELEVATOR si Summer. Tapos na ang oras ng trabaho niya pero pinatawag siya ng hotel manager dahil kakausapin daw siya nito. Bago tuluyang magsara ang lift ay may kamay na pumigil niyon. Bahagya siyang nagulat nang makita ang pumasok.
Natigilan din sandali ang lalaki nang makita siya pero pagkalipas ng ilang sandali ay matamis itong ngumiti sa kanya. Nakita na naman niya ang biloy nito.
Don’t smile, please.
Pagkapasok nito sa loob ng lift, pinindot nito ang P. Ayun sa nasagap niya, matalik na kaibigan daw ito ng kanilang managing director na tagapagmana rin ng hotel. Malamang bibisitahin nito ang kaibigan na nakatira sa penthouse.
Hindi na ito naka-uniform kaya alam niyang tapos na ito sa trabaho. Nakasuot na ito ng denim jeans with a white button-down shirt, navy blazer, and white sneakers.
“Hi,” may ngiti sa labing bati nito sa kanya.
Sabing ‘wag kang ngumiti e.
“Hello po, sir.”
“That po again. Do I need to ask you again how old are you?”
Halos lumipad na ang ulo niya sa lakas at bilis ng kanyang pag-iling.
Dumagundong sa apat na sulok ng elevator ang tawa ng lalaki—ang sexy nitong tawa.
Tumigil din naman agad siya sa pagtawa nang namumula na ang pisngi ng babae pero naroon pa rin ang ngiti sa labi niya. Nadako ang mga mata niya sa hawak nitong magazine.
Mabilis naman niyang initago ang hawak na magazine nang mapansing doon nakatingin ang lalaki. Nawala sa isip niyang hawak-hawak pa pala niya ito. Isa iyong cooking magazine na kung saan ang lalaki ang nasa cover nito. Sa magazine niya rin nalaman na ang pangalan nito ay Skyler Buenavista.
Humakbang din siya paatras, tumayo sa may sulok at iniyuko ang ulo. Nahihiya na naman siya. Hindi naman siya mahiyain pero ganoon ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Nakakahiya iyong ginawa niya na bigla na lang sumakay sa sasakyan nito at wala rin paalam na umalis.
“Don’t worry I’ll pretend that this is the first time I saw you.”
Napatingin siya sa mukha ng lalaki. Nang maunawaan niya ang nais nitong ipakahulugan ay nakahinga siya nang maluwag. Ibig sabihin, kakalimutan nito ang nakakahiya niyang ginawa. Pero makakalimutan nga ba nito?
“Thank you, sir.”
“Stop calling me sir. As you can see, we’re both working on this hotel.”
“Pero kasi kaibigan mo si Sir Rex,” aniya.
“Yes, he's my friend . . . sa labas pero kapag oras ng trabaho hindi. So stop calling me sir. Understand?”
“Yes, I do understand, Chef Buenavista.”
“Don't call me chef. Wala ako sa kusina.”
“Mr. Buenavista na lang,” aniya.
“At ‘wag na ‘wag mo rin akong matawag-tawag na Mr. Buenavista. I feel old.” Sinuklay pa nito ang buhok gamit ang sariling mga daliri. “Just Sky.”
“If that’s what you want. Sky lang ang itatawag ko sa 'yo,” may tipid na ngiting sagot niya. Sa tingin niya, mukhang mabait naman ang lalaki kaya medyo nabawasan na iyong hiya niya lalo pa’t ito ang unang kumausap sa kanya.
“Good! First name basis tayo.” Tumingin ito sa name tag niya. “So, Summer lang din ang itatawag ko sa 'yo. And don't be shy. From now on, consider me as one of your friends. Okay?”
Napatingin siya sa mukha ng lalaki. Tama ba ang narinig niya? Friend? Ituring itong isa sa mga kaibigan niya? Pero bakit parang hindi yata siya masaya?
BINABASA MO ANG
The Exes
RomanceMuling makakatagpo ni Summer Ida Mondarlo ang lahat ng kanyang exes, na manggugulo sa nananahimik niyang puso. Sino ang mas mananaig para sa kanya? Si ex-number one, na first love niya? O si ex-number two, ang forgotten ex niya? Ang obsessed niya k...