TE 08

250 55 1
                                    

CHAPTER EIGHT

SILVER ANNIVERSARY ng Bolton Hotel. Puno na ang bulwagan ng mga bisita. Kapapasok pa lang ni Summer. Napatingin siya sa kanyang suot. Simple lamang iyon ngunit presentable naman. Isa iyong black off shoulder dress na abot hanggang tuhod. Hapit na hapit iyon kaya hulmado ang hubog ng katawan. Isang black stiletto naman ang sa paa niya. Nakataas ang kaniyang mahabang buhok. Light lang ang makeup. Tanging pearl necklace lamang ang suot na palamuti at may bitbit siyang beaded clutch bag.

        Iginala niya ang paningin sa paligid. Okupado na halos lahat ng mesa. May mga nakatayo rin na masayang nakikipag-usap. Ang eye-catcher din ng design ng table skirt.

        Ang liwanag ng higanteng chandelier sa gitna'y nagbibigay ng magandang repleksiyon sa mga tatamaan niyon. Nagkikislapan ang mga mamahaling kubyertos sa tama ng ilaw, ganoon din ang ilan sa mga damit at alahas na suot ng karamihan sa mga bisitang babae. May pinagpatong-patong na mga empty wine glasses. Katabi niyon ang fountain ng red wine. Ang napakahabang buffet table ay siksik sa mga nagsasarapang iba't ibang putahe. May live band din na nagpe-perform sa stage. Sa may kanan ay isang sliding door, patungo iyon sa garden.

        Hinanap ng kanyang mga mata kung nasaan ang mga kaibigan.

        “Your friends are over there.”

        Nilingon niya ang nagsalita at muntik na niya itong mahalikan. Nasa tabi niya pala ito at sobrang lapit nito sa kanya. Ang kaliwa nitong kamay ay nakaturo sa direksiyon ng mga kasamahan. Humakbang siya paatras. Hindi niya kakayanin ang ganoon kalapit.

        Pinasadahan niya ito ng tingin. Nakasuot ito light blue shirt na pinaibabawan ng black blazer, at black slack sa pang-ibaba. Hitsurang napakabango at ang linis nitong pagmasdan. Pulido ang pagkakahagod ng buhok. May mamahaling relo na suot. Puwede na gawing salamin ang black shoes nito dahil sa kintab. Idagdag mo pa ang nakakahalina nitong amoy. Parang ang sarap nitong singhot-singhutin. Nakakaadik sa ilong.

        “H-hi, Sky.”

        Nginitian siya nito. Iyong makalaglag-panty na ngiti at isama na rin ang strapless niyang brassiere. Mukhang hindi ito aware na nagwawala ang kanyang buong sistema dahil sa pagkakalapit at presensiya nito.

        “Hi, Summer. Halika samahan na kita palapit sa kanila.”

        Tumango na lang siya. Akmang hahawakan ng lalaki ang kanyang kamay nang may bigla na lang sumulpot sa gitna nila.

        “Hi, baby. Isayaw mo naman ako, o. Ang ganda ng tugtog,” anito sa malanding boses at kumapit sa braso ni Sky.

        Tinanggal naman ng binata ang kamay nito. “Lubayan mo ‘ko, Mitch! Can't you see I'm with someone?”

        Hindi naman pinansin ng babae ang medyo galit na mukha ng lalaki at muling ikinapit ang kanyang kamay sa braso nito. Binalingan niya ng tingin si Summer. “O, ikaw pala ‘yan.” Pinasadahan nito ng tingin ang kabuuan ng kaharap. “Where did you get that dress? It looks so cheap.”

        Tinaasan niya ito ng isang kilay. Talagang iniinis siya nito. At tama ito. Mura lamang ang suot niya at hindi niya iyon ikakahiya. Sa katunayan, kaya naman niyang bumili ng mamahaling damit pero hindi niya ginawa. Iniisip niya ang sasabihin ng mga kasamahan nila sa trabaho kapag nakita siya ng mga ito na ang kanyang suot ay mas mahal pa kaysa sa kanilang sinasahod.

        Tiningnan niya rin ang babae mula ulo hanggang paa pabalik. Nakasuot ito ng light bronze tube gown. Hanggang sakong iyon ngunit ang slit ay abot malapit sa singit.

        Nginisihan niya ito. “Maganda nga suot mo kaya lang ‘di bagay. Ang cheap kasi ng nagsuot. Diyan na nga kayo baka ma-stress pa ang beauty ko,” aniya sabay talikod at naglakad patungo sa puwesto ng mga kaibigan.

        Napangiti na lang ang lalaki habang sinusundan ng tingin ang dalaga.

        “That ugly bitch! How dare her to call me cheap?” Nanlilisik ang mga matang nakatingin sa dalagang naglalakad.

        Inalis muli ni Sky ang kamay ng babae sa braso niya. “Ask yourself why,” anito at tinalikuran ito ngunit muling humarap nang may maalala. “And by the way, she's not an ugly bitch . . . you are,” dagdag nito at tuluyang umalis.

        Napanganga na lang si Mitch.




MAG-ISA LANG SI SUMMER sa table, kumakain ng chiken fettuccine carbonara. Umalis ang mga kasamahan. May nagpunta ng powder room, may nasa dance floor, at may nakikipaglandian.

        Nabitin sa ere ang hawak niyang tinidor na may pasta nang may bigla na lang naglagay ng platong may lamang pagkain sa harap niya.

        “For you.”

        She turned her head right away. Nakangiting mukha ni Sky ang sumalubong sa kanya.

        “I heard from your friends that you love pasta. Try that one.”

        Tiningnan niya ang bigay nito. “Ano 'to?” Sa dami ng klase ng pasta dishes ay ilan lang ang alam at natikman niya.

        “Penne alla vodka, an Italian-American pasta dish,” anito at naupo sa tabi ng dalaga.

        “Ah, okay. Salamat,” aniya at ipinagpatuloy ang pagkain.

        Inabutan siya ng apple juice nito na agad naman niyang tinanggap at ininom. Hindi niya pa nauubos ang pagkain nang huminto siya. Iba kasi ang kanyang pakiramdam. Parang may nakasunod na pares ng mga mata sa kung ano man ang galaw niya. Tiningnan niya ang katabi. Nahuli niyang nakatitig ang lalaki sa kanya.

        “Kumain ka na ba?”

        Umiling ito. “Nabusog na ako habang pinagmamasdan ka.”

        “Gas—”

        “Gasgas na ang line na ‘to.” Ito ang tumuloy ng gusto niya sanang sabihin. “I know.”

        Lihim na lang siyang napangiti. Overused na nga ang line pero effective pa rin naman gamitin pampakilig.

        “Ahmm . . . Summer, can I . . .” Tila nahihiya ito. “C-can I leave you for a while? May pupuntahan lang ako.”

        Natawa na lang ang dalaga. Bakit parang nahihiya at nautal pa ito? Higit sa lahat, bakit pa ito nagpapaalam sa kanya?

        “Oo, naman! Alis ka na. Okay lang sa akin.”

        Tumayo ang lalaki. “Salamat,” anito at nagmamadaling umalis.

        Natatawa na naiiling na lang siya nang makita kung saan ang tungo ng lalaki. “Gagamit lang pala ng CR.”

        Nang mawala ito sa kanyang paningin, pinagsawa niya ang sarili sa katitingin sa ibang mga bisita. Nakita niya ang kaibigang si Daniela. Wagas itong makangiti. May hawak na isang kopeta ng alak na kalahati na lang ang laman. May kausap itong lalaki.

        “Ang landi!” pabulong niyang saad nang makitang hinampas-hampas nito ang braso ng kasama— iyong hampas na may kasamang haplos.

        Ibinaling niya ang tingin sa dance floor. May iilan na magkakaparehong nakikisabay sa malamyos na musika. Natuon ang paningin niya sa isang pamilyar na bulto. Napangiti na lang siya nang makilalang si Patty iyon. Hindi naman nagsasayaw ang dalawa. Nagyayakapan lang. Masaya siya para dito. Ang bilis nitong naka-move on sa ginawang panloloko ng boyfriend nito.

        Napalis ang ngiti sa labi niya nang may makitang hindi kaaya-aya sa kanyang paningin. Nakaupo si Danrick sa katapat na mesa. Pitong metro lang ang pagitan. Binigyan niya ito ng nakamamatay na tingin samantalang ginantihan naman siya nito ng napakatamis na ngiti, kindat, at nagpabebe-wave pa.

        Inirapan niya ito. Mabilis siyang tumayo at padabog na umalis.

The ExesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon