CHAPTER SEVENTEEN
INALIS NI SUMMER ang pagkakahawak ni Sky sa kamay niya at ipinagpatuloy na ang paglalakad. Mabilis naman na sumunod dito ang lalaki.
Nang malayo-layo na ang nalakad ni Summer at nakarating sa wala na masyadong tao ay tumigil na siya. Inilapag niya ang surfboard sa buhangin at doon umupo. Nilingon niya ang lalaki na nakatayo pa rin at sa dagat ang tingin.
“I know there's a lot of questions in your head right now. You can start asking,” ani Summer.
Umupo naman ang lalaki sa tabi niya at saka siya nito tiningnan. “Okay. Can you explain kung ano’ng mayro’n sa inyong tatlo?”
“Ano’ng gusto mo? Direct na o simulan ko sa umpisa?”
Natawa si Sky. “Sa umpisa mo naman talaga sisimulan, ‘di ba?”
“Ano ba! Seryoso ako.” Napanguso siya.
“Ikaw. Kung saan mo gustong umpisahan,” nakangiting tugon ni Sky.
“Okay.” Bumuntong-hininga muna siya bago nagsimula. “Chelsea and I are best friends since grade one. Pero nagsimula iyong magbago noong sophomore days sa high school. Umiiwas na siya sa akin. Nagtaka ako siyempre. Tapos narinig ko ang pag-uusap nila ng mga bago niyang friends. Galit daw ito sa akin dahil lahat ng crush niya sa akin nagkakagusto. E, hindi ko naman ‘yon kasalanan, ‘di ba?” Tiningnan niya si Sky at tumango lang ito.
“Kinausap ko siya at naging okay ulit kami pero during senior days may nag-transfer sa school, isang lalaki.”
“Si Gio?” singit ni Sky.
Tumango-tango si Summer. “Siya nga! The awful part of having a best friend is when the two of you fall in love with the same person. Gio courted me and after two months, I said yes to him. Masaya naman pero pakiramdam ko may mali. Hindi ko magawang maging masaya nang buo dahil kay Chelsea. Nasasaktan ko siya. So, I made a decision. After high school, sumunod ako kay mama sa Cebu. Ni hindi na nga ako um-attend ng graduation. At mukhang tama naman ang ginawa ko noon. Tingnan mo, sila pa rin hanggang ngayon.”
“E, bakit naging ganoon ang reaksiyon niya at talagang umiyak pa si Chelsea,” ani Sky.
“Ewan ko sa babaeng ‘yon. Pero siguro dahil sa pagtawag sa akin ni Gio ng sunlight. Iyan ang endearment niya sa akin noon tapos moonlight ang tawag ko sa kanya.”
“Ang weird naman ng endearment ninyo,” wika ng binata.
Pero napaisip siya kung bakit ganoon pa rin ang itinawag nito. Does it means that his best friend still has a feelings for her? Wala siyang ideya. Kahit mag-best friend sila hindi naman nila pinag-uusapan ang tungkol sa kani-kanilang nakaraan especially love life. “May isa pa akong tanong,” dagdag niya.
“Ano naman?”
Tumingin si Sky sa may intertubercular line ng dalaga. Kahit nakaupo ay kita pa rin ang tattoo nito na may nakasulat na SIM sa mismong katawan ng dolphin. “About your tattoo. Saan at kailan mo ‘yan ipinagawa?”
Hinawakan naman ni Summer ang kanyang tattoo. “I don't know,” sagot niya.
“What you mean you don’t know?” magkasalubong ang mga kilay na ani Sky.
Sinulyapan niya sandali ang lalaki bago tumingin sa dagat at bumuntong-hininga. “I had selective amnesia, Sky. I can't remember what happened to me when I was seventeen up to nineteen. Tinanong ko si mama ngunit wala raw siyang alam. Missing daw ako ng mahigit tatlong taon. Nakita na lang nila ulit ako nang tinawagan sila ng hospital na naroon ako naka-confine.”
“It’s been six years, wala pa rin bang bumalik na alaala kahit kaunti?”
Umiling-iling si Summer. “I tried to remember, Sky, pero sumasakit lang ang ulo ko sa pag-iisip. Tumigil na rin ako kasi sabi ni mama, maybe may dahilan kung bakit ko iyon nakalimutan. That those forgotten memories are not worth it to remember.”
“Kaya naman pala,” mahinang ani Sky.
“Ha? Ano’ng sinabi mo?” tanong ni Summer. Hindi niya kasi narinig nang malinaw.
“Ahm . . . sabi ko wala na akong tanong.”
“Gano’n ba. May sasabihin din pala ako sa ‘yo, Sky.”
“What is it?”
“Si Danrick.”
“Danrick? My best friend? What about him?”
“Ex ko rin siya,” pag-amin niya. Sasagarin na niya ang pagkukuwento para isang bagsakan na at para siyang nabunutan ng tinik nang masabi niya rito ang tungkol kay Danrick.
Gulat. Iyan ang salitang mailalarawan sa mukha ng lalaki dahil sa nalaman. Ngayon, naiintindihan na niya kung bakit ganoon makatingin si Danrick sa dalaga at naalala niya ang sinabi ng best friend noong nag-bar silang tatlo ni Rex. May the best man wins, sabi nito sa kanya. Siyempre pinagtawanan lang nila ni Rex at inisip na sobrang lasing na nito dahil kung ano-ano na ang pinagsasabi.
Biglang tumawa si Sky. Iyong pilit. Hilaw. Pakiramdam niya pinaglalaruan siya ng tadhana. Sa dinami-rami ng babaeng makikilala at magugustuhan ay sa ex pa ng mga best friends niya. Yes, he was aware that he likes her. But beyond the word like, he doesn't know. Ika nga nasa developmental stage pa lang siya.
“Akalain mo ‘yon? Tatlong best friend ko naging ex mo? Edi wow!”
“Tatlo? Grabe ka naman, Sky!” Tumawa siya. “Dalawa lang.”
“Ah, oo, dalawa,” aniya. He looked up in the sky like the color of the calm Pacific thousands of miles from land and then he muttered, “Because you forgot the other one.”
BINABASA MO ANG
The Exes
RomanceMuling makakatagpo ni Summer Ida Mondarlo ang lahat ng kanyang exes, na manggugulo sa nananahimik niyang puso. Sino ang mas mananaig para sa kanya? Si ex-number one, na first love niya? O si ex-number two, ang forgotten ex niya? Ang obsessed niya k...