CHAPTER THIRTY-EIGHT
NABABALOT PA RIN NG pagtataka ang mukha ni Summer habang nakatingin sa isang blue shoe. Sa pagkakatanda niya ay itinapon na niya ito noon.
Bigla siyang napalingon at napatayo sa kinauupuan nang marinig niyang nagha-humming ang mga tao. Kahit nagtataka kung ano ang mayroon ay nakangiti niyang pinanood ang mga ito. Kay sarap sa pandinig ang musikang kaniyang pinakikinggan. Nakagagaan ng loob. Maganda rin ang mga boses ng mga ito. Hindi maipagkakailang miyembro ang mga ito ng isang choir.
Panandalian niyang nakalimutan ang tungkol sa laman ng paper bag at kung paano iyon napunta sa kamay ng bata.
Napatakip siya sa kanyang bibig nang makita na biglang sumulpot galing sa likuran ang ina. Sumunod naman ang dalawang matalik na kaibigang sina Patty at Daniela. Nakisali ang mga ito sa mga nagha-humming. Naluha na siya. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari. Wala naman siyang alam na okasyon dahil hindi rin niya birthday. Ilang segundo lang ay nakisali sa grupo si Gio, at ang boss niyang si Rex. Nagtatanong ang kanyang mga mata sa mga ito ngunit ngiti lang ang nakuha niyang sagot.
Napakunot noo tuloy siya. Para na siyang nabubobo dahil ayaw gumana ng utak niya para intindihin ang nangyayari.
“Excuse me!”
Napalingon si Summer nang may nagsalita sa likuran niya. Napanganga siya nang makita ang mukha nito. Ilang beses siyang kumurap baka kasi dinadaya lang siya ng kanyang paningin. Imposible kasi nga 'di ba sabi sa kanya ni Rex ay hindi na ito babalik pa sa lugar na iyon. Walang nagbago sa kanyang nakikita. Isang kurap pa. Dalawa. Tatlo. Kinurot din niya ang kanyang pisngi. Naroon pa rin ito sa kanyang harapan. May kakaiba sa expresiyon ng mukha nito.
Nagpapa-cute ba ito sa kanya?
Ang tanong na lang ay kung ano ang ginagawa nito sa harapan niya? Siya ba ang sadya nito? Mali ba ang naiisip niyang nakalimutan o kinalimutan na siya nito? Kumusta naman ito sa nagdaang buwan? Ni minsan ba o kahit isang minuto lang ay naisip siya nito?
Ang dami niyang tanong na gustong ibato rito ngunit iba naman ang lumabas sa kanyang bibig. “Ano ang kailangan mo?” Nakataas pa ang isang kilay niya habang sinasabi iyan.
“Maaari bang magtanong?” anas ng lalaki.
“Nagtatanong ka na!” pasuplada pa niyang saad. Gusto tuloy siyang kurutin ng ina at mga kaibigan na nanood pa rin sa kanila.
“Nawawala kasi ang partner ng sapatos ko. Nakita mo ba?” sabi ng lalaki sa kanya na akala mo ay hindi sila magkakilala.
Napatingin naman si Summer sa paa ng lalaki. Ang kanan lang ang may suot na sapatos. Tiningnan naman niyang muli ang laman ng paper bag. Magkapareho ng kulay, disenyo, at sukat.
Nagpipigil na matawa si Summer. Ano naman kaya ang trip nito? tanong niya sa isipan. Para namang wala itong ibang sapatos at iyong walang kapareha pa talaga ang isinuot nito.
“Sa susunod kung mang-aakyat bahay ka siguraduhin mong walang ebidensiyang maiiwan.”
“So does it means you have it? Maaari mo bang ibigay sa akin? Ang hirap kasing maglakad na isa lang ang sapatos ko. Nahihirapan ako sa araw-araw dahil may kulang sa paa ko. Nawawala ang partner niya. Ayaw ko rin maghanap ng ibang kapareha nito dahil hindi puwede. Ito lang ang gusto kong suotin,” seryosong ani ng lalaki.
“Ha? Anong drama mo?” Ang babaeng ito talaga. Kunyari pa ay hindi niya alam kung saan patungo ang sinasabi nito.
“Ikaw ang gusto ko. Ikaw ang palaging hinahanap nitong puso ko. Ikaw ang mahal nito,” pagpapatuloy ng lalaki.
Hindi halos makapaniwala si Summer sa kanyang naririnig. Baka dinadaya na rin siya ng kanyang pandinig. Pero iba naman ang nakikita niya sa mga mata nito. Na totoo ang mga binitiwan nitong mga salita.
“Patawad kung bigla na lang akong nawala na walang paalam. Nagtangka na naman kasing magpakamatay si Kuya Tyler. Kailangan kong manatili sa tabi niya hanggang maayos na talaga siya.”
Kumilimlim ang magandang mukha ng dalaga. Mabigat naman pala ang dahilan ng biglaan nitong pagkawala samantalang siya kung ano-ano ang pumapasok sa isip niya. Ni hindi man lang pumasok sa kanyang isipan na baka may kapamilya ito na nasa alanganing sitwasyon. Hindi lang iyon ang ikinabigat ng loob niya. Sa tuwing nakaririnig siya na may nagtatangkang magpakamatay ay naalala niya ang ex na tumalon mula sa first floor ng building nang hiniwalayan niya. Hindi pa yata nito oras dahil pinalad na mabuhay ngunit parang patay na rin ang kalahati ng katawan. At sadyang mapagbiro ang tadhana dahil kapareho rin ng pangalan ng kuya ng lalaki. Pero bakit ba biglang lumiko ang takbo ng utak niya? Hindi niya rin puwedeng sisihin ang kaharap sapagkat wala naman itong alam.
“Dinala ko silang lahat dito to be my witness. I want to prove that my feelings for you are true. Mahal kita, Summer Ida Mondarlo. So, please give back my shoe and couple up with me.”
Ilang sandali ang lumipas na nakatingin lang si Summer sa lalaki pagkatapos ay iginala naman ang paningin sa paligid. Parang gusto na niyang matawa sa itsura ng mga ito. Nakanganga pa nga ang ilan. Tila ba naghihintay na ma-shoot sa bibig ng mga ito ang sagot niya sa halip na tenga ang punta.
Tumayo ang dalaga at saka dinampot ang paper bag at nagsimulang humakbang at nilampas ang lalaki.
Ang malawak na ngiti sa labi ng binata ay dahan-dahang lumiit. Bumigat ang mga balikat nito. Pinaghandaan pa naman nito nang husto ang araw na iyon ngunit mukhang hindi maganda ang kinalabasan. Samantalang ang mga nakanganga kanina ay mas lalong lumawak. Napasinghap din ang iilan. Ang kaninang maaliwalas na paligid ay tila ba nagbabadyang umulan.
Tumigil naman sa paghakbang si Summer nang tatlong metro na ang layo niya sa kinatatayuan ng binata. Kinuha niya ang laman ng paper bag ay inilagay sa damuhan. Hinarap niya ang lalaki.
“Hey, Mr. Skyler Buenavista!”
Lumingon naman ang tinawag na binata.
“Come here and wear this.” Tinuro ni Summer ang sapatos sa tabi niya. “Then, hold my hand and walk with me.”
Agarang napangiti nang malawak ang binata at mabilis na tumakbo palapit sa dalaga. No need for him to hear the exact word because everyone knows it’s a yes.
![](https://img.wattpad.com/cover/236615184-288-k709658.jpg)
BINABASA MO ANG
The Exes
RomanceMuling makakatagpo ni Summer Ida Mondarlo ang lahat ng kanyang exes, na manggugulo sa nananahimik niyang puso. Sino ang mas mananaig para sa kanya? Si ex-number one, na first love niya? O si ex-number two, ang forgotten ex niya? Ang obsessed niya k...