CHAPTER TWENTY-EIGHT
HUMIHIKAB NA BUMABA NG hagdanan si Summer. Halatang kababangon pa lang.
“Good morning, Ma,” bati niya sa inang nag-aayos ng mga bulaklak sa vase. “Wow! Green roses,” may galak sa boses na aniya. She loves green roses.
“Binili mo ba ‘yan o mula sa isa sa mga manliligaw mo?”
“Hindi ko ito bumili. Galing ito sa bisita mo,” sagot ng kanyang ina.
“Ha? May bisita ako? Sino?” Iginala niya ang paningin sa living room nila na siyang ikinalaki ng kanyang mga mata. Nakaupo sa couch ang isang lalaki.
“Good morning, Summer,” wika nito habang may malawak na ngiting nakapaskil sa mukha at kumaway sa kanya.
“Oh my God!” Mabilis na tumalikod si Summer. “Mama naman, e, wala ka man lang pasabi tungkol sa bisita ko,” mahinang wika ng dalaga at nagtatakbo papanhik sa kuwarto niya.
Pagkapasok sa kanyang silid ay agad siyang humarap sa full length mirror. Gulo-gulo ang kanyang buhok at gusot ang pajama na suot.
“Aish! Nakakahiya ang hitsura ko.” Sinabunutan niya ang sarili ngunit mabilis din na itinigil nang may napagtanto.
Matutulis ang mga matang tumingin siya sa pinto ng kanyang silid. “Pagkatapos niyang mawala ng ilang araw bigla na lang siyang susulpot dito nang ganito kaaga. Ano naman kaya ang sadya niya?”
Muli siyang humarap sa salamin at saka kinausap ang sarili. “Sinusundo ba niya ako at ihahatid sa trabaho? At bakit may dala pa siyang green roses?” Ilang sandali rin siyang naghintay ngunit walang narinig na sagot mula sa salamin. “Aish! Makaligo na nga!”
Ilang minuto lang ay tapos na siyang makaligo at makapagbihis. Huling pasada sa salamin at spray ng pabango ay nagmamadali na siyang bumaba. Ang masiglang aura niya ay biglang nawala nang makitang wala na sa sala ang lalaki. Nainip na siguro sa kakahintay, aniya sa isipan.
“Ida!” Narinig niya ang boses ng kanyang ina. “Halika na sa kusina para makapag-almusal.”
“Coming!” malakas na tugon niya at nagtungo na sa kitchen. “Ano ang u—” Naputol ang dapat niyang sasabihin nang makita ang taong komportableng nakaupo sa hapag-kainan.
“Ano pa ang tinatayo mo?” tanong ng kaniyang ina. “Kanina ka pa namin hinihintay. Nagugutom na kami. Umupo ka na.”
May nakakalokong ngiti ang binata na nakatingin sa dalagang nakatayo pa rin sa may entrance ng kitchen. Halata sa mukha ang gulat dahil medyo nanlalaki pa ang mga mata at nakaawang ang bibig.
“Parang ayaw po yata ni Summer na makasabay akong kumain, Ma,” wika ng binata na mas ikinalaki ng mga mata ng dalaga.
Gaano na ba katagal nag-usap ang dalawa at parang close na ang mga ito? As far as she remembered, she finished taking a shower and dressing up in just fifteen minutes. Will that be enough time for them to get this close? At bakit ‘Ma’ ang itinawag nito sa kanyang ina?
Pinaglipat-lipat ng dalaga ang tingin sa dalawa ngunit nginitian lang siya ng mga ito. Napailing-iling si Summer habang nakaguhit ang tipid na ngiti sa kanyang labi hanggang sa lumaki, naging tawa, at humantong sa halakhak. Nagkatinginan tuloy ang kanyang ina at ang lalaki dahil sa inasal niya.
“Ano’ng nangyari noong wala pa ako?” ani Summer matapos mahimasmasan sa pagkagulat. Naglakad siya palapit sa mesa at umupo sa bakanteng upuan na katabi ng binata.
BINABASA MO ANG
The Exes
RomanceMuling makakatagpo ni Summer Ida Mondarlo ang lahat ng kanyang exes, na manggugulo sa nananahimik niyang puso. Sino ang mas mananaig para sa kanya? Si ex-number one, na first love niya? O si ex-number two, ang forgotten ex niya? Ang obsessed niya k...