FINALE

230 52 0
                                    

FINAL CHAPTER

“MAMI-MISS ka namin, Summe,” magkasabay na saad ng dalawang kaibigan.

        “Ang OA n'yo naman! Puwede n'yo naman akong dalawin. Huwag kayong mag-alala libre ko kayo,” sagot naman niya.

        Nag-resign na kasi siya sa trabaho at huling araw na niya kaya nagda-drama sina Patty at Daniel.

        “Bakit ka kasi pumayag na doon na magtrabaho. Hindi ka na tuloy namin makakasama palagi,” malungkot na saad ni Patty sa kanya.

        Kailangan na niyang bumalik sa resort. Mahina na ang kanyang lolo kaya oras na para siya naman ang mamahala roon.

        “Mababawasan na ng maganda dito kaya mapapansin na siguro ako,” saad naman ni Daniela.

        “Ikaw talagang bakla ka. Tumigil ka nga! Tatay ka na, uy!” ani Patty sabay batok dito.

        Napanguso na lang si Daniel at hinimas ang ulo na hindi masyadong nasaktan.

        “Pasensiya na talaga kayong dalawa.”

        “May magagawa pa ba kami? Siyempre kailangan mo iyong unahin. Negosyo n'yo 'yon, e,” walang buhay na saad ni Patty.

        “Salamat sa inyong dalawa. Mami-miss ko rin kayo,” naluluha na wika ni Summer. Hindi man masyadong matagal ang pagkakaibigan nilang tatlo ay malalim naman ang kanilang naging pinagsamahan.

        “Uy, Summe! May nasagap ako kahapon. Ipapakilala ka raw ni Papa Sky sa mga magiging manugang mo,” pang-iiba ni Daniela sa topic. Ayaw nito ng heavy drama. Baka masira ang kanyang mascara.

        Natawa at napaiiling si Summer. “Manugang ka diyan! Baka may ibang makarinig sa 'yo nakakahiya. At saka late ka na sa chismis mo! Matagal na niya akong naipakilala sa parents niya. Nakita mo ‘to?” Inilabas niya ang suot niyang gold necklace na dolphin ang pendant. “Bigay sa akin ni ‘to ni Mama Clara,” proud pa niyang saad.

        Isang buwan din ang ginawa niyang panliligaw sa mama ni Sky bago niya ito napasagot. Ang papa naman ng binata ay walang problema kasi sunod lang naman ito sa kung ano ang gusto ng asawa nito.

        “Nga pala aalis na muna ako. Kailangan ko pang pumunta sa office ni Sir Rex. Kita na lang tayo mamaya.”

        Matapos makapagpaalam at yakapin isa-isa ang dalawang kaibigan ay umalis na siya at tinahak ang daan patungo sa opisina ng boss. Kumatok siya ng tatlong beses. Nang marinig ang salitang ‘come in’ galing sa loob ay pinihit niya ang seradura at saka pumasok. Nakita niya ang amo na abala sa mga papeles.

        “Good afternoon, sir!”

        “Good afternoon, too. Maupo ka muna, Miss Mondarlo.”

        Agad siyang sumunod sa sinabi nito at umupo.

        “Hindi na ba talaga mababago ang desisyon mo? Mawawalan ako ng isang maaasahang empleyado.”

        “Hindi na, Sir Rex. Pasensiya na.”

        “Okay. I understand. Ipinaliwanag na rin naman sa akin ang lahat ni Sky. Kung hindi ko lang best friend ang boyfriend mo, hindi ko kaagad tatanggapin ang resignation mo,” nakangiti nitong saad sa kanya.

        Napangiti na lang din si Summer.

        “Before you go, can you run an errand for me?”

The ExesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon