CHAPTER FORTY-EIGHT
SUMMER PLACED THE EMPTY glass on the lacquered bar and waited for the bartender. Badtrip siya kaya nang gumabi, naisipan niyang umalis at pumunta sa isang club.“Here's your fifth shot of tequila,” the bartender said.
Nginitian lang niya ang lalaki at kinuha ang glass. Nang malapit na iyon sa kanyang bibig ay may biglang umagaw ng baso niya. Naiinis na tiningnan niya ang lalaking iniinom na ang dapat na kanya.
“Why are you here, Gio?” malakas niyang saad para marinig siya nito. Inilibot niya ang tingin sa paligid. “Baka bigla na namang sumulpot ang Chelsea na iyon dito. Ayaw kong mapahiya at matawag na third party.”
He smiled, showing off his pearly white teeth and dazzling cheek dimples.
Napatingin siya sandali sa mukha ng lalaki. Ito iyong ngiti na nagpahulog ng puso niya rito noon. But now, kahit gaano pa ito kaguwapo sa kanyang paningin, she doesn’t feel flattered. Sa madaling salita, wala na itong epekto sa kanya.
Kagaya nga ng sinabi nito sa kanya na ituring itong isa sa mga kaibigan niya. Si Patty ang kanyang girl best friend. Si Daniela ang gay best friend niya. Si Gio naman ang itinuturing niya ngayon na boy best friend.
“Relax, sunlight. Wala siya, okay? Hindi niya alam na nandito ako.”
“Are you sure? Baka may tracking device siya na inilagay sa 'yo.”
Natawa si Gio. Lumapit pa ito sa dalaga dahil mas umingay ang paligid. “Kung ano-ano na 'yang naiisip mo. Ilang shots na ba ang nainom mo?”
“Apat pa lang dahil ininom mo ang panlima,” halos pasigaw na sagot ni Summer.
“Apat pa lang?” He brought his head closer to her. “Hindi mo ba alam na nakakabawas daw ng ganda ang pag-inom ng alak?”
Itinulak ni Summer palayo ang lalaki. Salubong ang mga kilay na tiningnan niya ito. “And who the hell said that? And even if that's true, I don't fvcking care.”
“Whoa! Mukhang nagsisimula nang umepekto ang nainom mo, sunlight. Wala nang preno ang bibig mo.”
“'Wag mo akong pakialaman, Giovanni! Umalis ka na nga! Baka mabaliw na ang Chelsea na 'yon kahahanap sa 'yo. Patay na patay pa naman 'yon sa 'yo,” aniya.
Tumawa si Gio. “Sa pagkakaalala ko, sunlight. Patay na patay ka rin sa akin noon,” nakangiti nitong saad ngunit dahan-dahan din iyong napalis. “Kaya lang iniwan mo 'ko dahil nagmakaawa at lumuhod si Chelsea sa 'yo.”
Gulat na gulat si Summer na tiningnan ang lalaki. “How did you know that?” aniya.
Wala siyang kahit isa na pinagsabihan sa nangyari noon kaya nakakagulat na marinig ang mga salitang lumabas sa bibig nito. Tama ang sinabi nito. Ginawa nga iyon ni Chelsea noon para lang layuan niya si Gio.
“Ian told me.”
Napasimangot si Summer. “Daldal talaga ng Bagyong 'yon! Anyway, past is past,” aniya. Matagal na iyong nangyari at hindi na mababago pa kahit ano pa ang gawin nila.
Naisip bigla ni Summer na kailangan na nilang mag-one on one talk ni Chelsea. Malala na ang dati niyang matalik na kaibigan. Ayaw niya nang matapunan ng buhangin at baka mas matindi ba ang magawa nito dahil lang sa pagiging selosa nito. Iniwan niya noon si Gio hindi lang dahil sa nagmakaawa at lumuhod ito sa kanya. Gusto niya itong maging masaya kasama ang lalaking iniibig nito.
Tinawag niya ang bartender. “A bottle of tequila, please.”
“Sunlight, naman! Tama na ang nainom mo. Iuuwi na kita.”
“Huwag ka ngang KJ, Giovanni! Kung gusto mong umuwi, umalis ka na!”
Kaya nga siya nagpunta rito ay para uminom. Ito lang ang naisip niyang gawin matapos ang nangyari sa pagitan nila ni Sky.
Ginulo-gulo ni Gio ang kanyang buhok. “Fine! Panalo ka na pero kapag naubos mo na 'yong in-order mo'y uuwi na tayo. Understand?”
Summer smiled and flashed a quick thumbs up. Bumalik naman ang bartender at inilagay sa harap nila ang bote ng alak.
Mabilis naman iyong dinampot ni Summer. Sa halip na magsalin sa baso ay basta na lang niya tinungga iyon.
Natigilan sandali si Gio. Bahagyang napaawang ang bibig nito. Nang matauhan ay mabilis nitong inagaw ang bote sa dalaga. “Naman, sunlight! Hinay-hinay lang. Hindi ito tubig,” anito, tapos ito naman ang uminom sa bote.
Napasimangot si Summer. “You're not playing fair, Gio.” Inagaw niyang muli ang bote. May one-fourth pang natitira. “Gusto mong maubos agad para maiuwi mo na ako.”
He smirked and again brought his head closer to her. Summer felt the hot breath on her neck. “You were wrong, sunlight. What I did was an indirect kiss,” he stated in her ear, using an unusually low tone.
Itutulak na sana ito ni Summer palayo nang kumilos na ang lalaki. “Sige na. Tapusin mo na ang pag-inom. Punta lang ako sa restroom sandali. Kailangan pagbalik ko ubos na 'yan.”
“Okay,” she said, the effects of the alcohol started taking hold.
“Hulaan ko. Dalawa na ako sa paningin mo,” nakangiting saad ni Gio.
“Hindi, isa ka lang,” pagsisinungaling niya. She felt slightly dizzy.
Nang umalis na ang lalaki ay pinagmasdan niya ang mga nagsasayaw. The dance floor was full of couples, couples-to-be, and obvious one-nighters.
A good looking guy with brown hair tried to catch her eyes. Hindi niya ito pinansin subalit tumabi pa rin sa kanya ang lalaki.
“You want more shots? I'll pay.”
Nagbingi-bingihan si Summer. Hindi siya makukuha sa panlilibre. May pera siya at hindi naghihirap. Kaya niyang bumili kahit ilang bote ng alak. Hindi niya tinapunan ng tingin ang lalaki which was a bad move. Hindi niya tuloy nakita ang pagngisi nito at ang paglagay ng kung ano sa kanyang inumin.
“If you want me, kalabitin mo lang ako,” saad ng lalaki.
Umirap lang si Summer. Kinuha niya muli ang bote. Inubos ang laman. Kung isang maniac lang naman ang makakasalamuha niya ay mabuti pang umuwi na lang siya.
Ilang sandali lang, nag-iiba na ang kanyang pakiramdam. Mainit. Kakaibang init. Alam niyang hindi iyon resulta ng nainom na alcohol. Hinanap ng kanyang mga mata ang lalaki. Nakita niyang nakatingin ito sa kanya. Bigla siyang nakaramdam ng kilabot dahil sa ngisi nito.
Samantalang tapos na si Gio. Nakita nito ang paghubad ng blazer ng dalaga. Nakasuot na lang ito ng racerback short dress na kulay navy blue. It's a short a-line dress and has a streamlined high-neck bodice with cut-in shoulders and sharp pin tucks that flow from the high-neckline down to the natural waist. The wide collar wraps around the neck to attach to the racerback detail. A flirty back cut out sits above the natural waistline of the twirl-worthy short circle skirt.
May napansin itong kakaiba sa dalaga. Parang init na init ito. Kita pa nito ang madalas nitong paghaplos sa leeg at pagkagat ng labi. Nakita rin nito ang lumapit na lalaki na may kakaibang ngisi. May binulong ito sa dalaga at inalalayang maglakad. Naikuyom nito ang kamao. Ilang minuto lang ang kanyang pagkawala may asong ulol na agad ang gustong dumamba sa dalaga.
Pupuntahan na sana niya ang dalawa upang paulanan ng suntok ang lalaki nang matigil siya sa paghakbang.
May sumusuntok na sa lalaking gusto niyang bugbugin.
Napangiti na lang siya nang pilit nang mamukhaan ang lalaki at saka laglag ang mga balikat na naglakad na siya paalis.
BINABASA MO ANG
The Exes
RomanceMuling makakatagpo ni Summer Ida Mondarlo ang lahat ng kanyang exes, na manggugulo sa nananahimik niyang puso. Sino ang mas mananaig para sa kanya? Si ex-number one, na first love niya? O si ex-number two, ang forgotten ex niya? Ang obsessed niya k...