TE 12

238 55 0
                                    

CHAPTER TWELVE

NARAMDAMAN NI SUMMER na parang may kumikiliti sa kaniyang talampakan. She slowly opened her eyes to see who did it. She suddenly sat upright when she saw who it was.

        “What are you doing here?” pagalit niyang tanong. Sobra siyang nagulat kung bakit ito nasa kanyang silid.

        Sa halip na sagutin siya nito, ngumiti lang ito sa kanya. Mas lalo tuloy umusok ang kanyang ilong sa pagngiti nito.

        “Huwag mo ‘kong nginingitian diyan, Danrick!” pagalit niya pa rin na saad at binato ng unan ang lalaki na tumama sa mukha nito.

        Binaliwala naman ni Danrick ang ginawa ng dalaga sa kanya at mas lalo pang pinalawak ang pagkakangiti. He finds Summer more beautiful kahit bagong gising pa lang ito.

        Fresh namang tingnan ang lalaki dahil sa medyo basa pa ang buhok nito at bagong shaved. Nakasuot ito ng blue T-shirt, ripped jeans, and rubber shoes. He was tall, rugged and absolutely gorgeous. And his body is one to die for.

        “Pinagigising ka sa akin ni mama. Kanina pa siya pabalik-balik dito. Tulog mantika ka daw.”

        Napasabunot na lang si Summer sa kanyang buhok. Ang aga pa lang binibuwisit na siya nito. Kung makaasta parang sila na ulit at mama na naman ang tawag nito sa kanyang ina.

        Wala pa palang alam ang mama niya sa kung ano ang totoong nangyari sa kanila ni Danrick. Noong nagtanong ang kanyang ina tungkol sa binata ay sinabi lang niyang nangibang-bansa ito. Bigla tuloy siyang nagsisi sa kasinungalingang nasabi. Kung alam lang nito ang totoo ay siguradong hindi makakaapak ang lalaki sa pamamahay nila.

        Madalas din na si Danrick ang gumigising sa kanya tuwing umaga noon. Ang panggising nito ay sa pamamagitan ng pagkiliti sa kanyang talampakan. Maaga kasing pumupunta sa bahay nila ang lalaki noon para isabay siya papuntang trabaho.

        Sinamaan ng tingin ni Summer si Danrick. Ito na ba ang sinasabi nitong gagawin ang lahat upang mapabalik siya sa piling nito? Ginagamit pa ang kanyang ina. Palibhasa’y botong-boto ang mama niya sa lalaki.

        “Bumaba ka na sa kama, Sum. Alam mo namang bawal akong magtagal dito sa silid mo. Nakahanda na ang iyong almusal. Baka ma-late ka rin sa flight mo.”

        Oo, nga pala. Mamayang alas-onse y medya ang alis niya. Napatingin siya sa alarm clock sa bedside table, alas-sais pa lang. “Ang aga pa,” aniya, saka muling humiga at tinakpan ang mukha ng unan. Inaantok pa siya dahil matagal siyang nakatulog kagabi.

        “Get up now, Sum. Kapag ‘di ka pa bumangon diyan alam mo na ang gagawin ko sa ‘yo,” nakangiting sabi nito habang nakatayo sa may paanan ng kama.

        Hindi naman niya pinansin ang sinabi ng lalaki at pinanatiling nakapikit ang mga mata.

        “Isa.”

        “Hindi ako takot sa numero at ‘wag kang magbilang dahil marunong ako niyan!”

        “Dalawa!” Patuloy pa rin nito sa pagbibilang habang humahakbang ang mga paa palapit sa dalaga.

        Agad bumangon si Summer at bumaba sa kama. “Lumabas ka na nga!” Itinulak niya ito patungo sa pinto.

        “Akala ko ba hindi ka takot sa numero? Bakit bumangon ka pa?” nakangiting saad ng binata.

        Bumangon siya sa kama ‘di dahil sa takot ito sa numbers. Natatakot siya sa gagawin nito. Sigurado siyang bubuhatin siya nito at ipapasok sa banyo at saka bubuhusan ng tubig katulad ng ginagawa sa kanya noon.

        Inilapit ng lalaki ang mukha sa may tainga niya at saka may ibinulong. “Mas maganda ang umaga kung ngingiti ka, sweetie.”

        Itinulak ni Summer palayo ang binata. Bigla kasing nagtayuan ang mga balahibo niya sa katawan. Tinawag siya nitong sweetie. Endearment nila noong magnobyo pa lang sila.

        “Lumabas ka na sabi, e! Shoo . . . Shoo . . .” Pagtataboy niya na parang manok.

        Sa halip na lumabas ay inilapit muli ng binata ang mukha nito sa mukha niya. Halos maduling na siya sa sobrang lapit nila. Pinanindigan niyang huwag ipikit ang mga mata. Marami pa namang nabiktima dahil lang sa simpleng pagpikit. Nanunuot din sa ilong niya ang mabangong pabango nito. Pati na rin mabango nitong hininga’y naaamoy na niya. Itinulak niya ito palayo bago pa siya tuluyang matumba dahil nanlalambot na ang kanyang mga tuhod.

        “Lumabas ka na, Dan,” mahinahong saad niya. Nagbabasakaling madala ito sa hinahon na salita.

        “Mamaya na, please. Wala pang five minutes, e,” apila pa nito. Gusto pa nitong sulitin ang bawat segundo. “Nag-i-enjoy pa ako sa kakatingin sa iyong mukha. Na-miss ko ang ganito.”

        Nainis naman siya. Ayaw na kasi niyang balikan o alalahanin ang mga pangyayari sa kanilang dalawa noon.

        “Lalabas ka ba o lalabas ka?” May kalakasan na ang boses niya. Nagsisimula nang mag-apoy ang kanyang mga mata.

        “Lalabas na. Ang sungit mo naman. Para na-miss lang kita, e.” Sumimangot pa ang binata. “Mayroon ka ba?” tanong nito tapos umikot sa may likod niya para tingnan kung may tagos ba.

        “Get out!” umalingawngaw sa apat na sulok ng silid ang sigaw niya. Inuubos nito ang kanyang pasensiya.

        Agad namang lumabas ng silid ang binata. Takot lang niya sa parang lion na dalaga.

        Mabilis niyang ini-lock ang pinto pagkalabas ng lalaki. “Damn you, Dan, for doing this to me.”





MATAPOS AYUSIN ANG SARILI, bumaba na si Summer sa unang palapag ng kanilang bahay. Unang sumalubong sa kanyang paningin ang red roses na nasa vase sa living room.

        “Bigay ‘yan ni Danrick. Inilagay ko na sa vase,” turan ng kanyang ina na nakatayo sa may pinto ng kusina. “Tama nga ako ng hinala. Sa kanya galing iyong ini-deliver na bulaklak dito noong isang araw. Bakit ‘di mo man lang nasabi sa akin na umuwi na pala siya? Anyway, halika na, Ida. Kanina ka pa namin hinihintay. Sabay-sabay na tayong tatlo na kakain.”

        Napataas ang isang kilay niya. Hindi pa pala umalis si Danrick at may balak pang makikain ng almusal sa kanila.

        “Inimbitahan kong dito na siya kumain,” saad ng mama niya nang makita ang pagtaas ng kilay ng anak.

        Nagkausap na sila ni Danrick at humingi ito ng tulong sa kaniya. Okay lang sa kanya dahil naunawaan naman niya ang nangyari. Alam niyang mabait ito at mahal na mahal ang kanyang anak. Kahit gustong-gusto niya ito ay ang dalaga pa rin ang masusunod sa pagpili nito ng lalaking makakasama hanggang sa pagtanda. May usapan din sila ng binata na kapag sinaktan ulit ang anak ay siya ang makakalaban nito.

        “Siya na rin ang maghahatid sa iyo sa airport.”

        “Ma!” Napapadyak siya. “‘Di ba nangako kang ikaw ang maghahatid sa akin?”

        “E, kasi may importante akong lalakarin. At saka ba't ayaw mong magpahatid sa kanya? Hindi mo ba siya na-miss?”

        Bukod sa paghingi ng tulong ni Danrick sa kaniya ay may isa pa siyang dahilan kung bakit niya iyon ginagawa. Noong sinabi ng anak na nangibang-bansa ang nobyo nito ay 'di siya naniwala ngunit pinatili niyang tikom ang bibig. Malihim ang anak at hindi nito ipinakikita sa kaniyang nasasaktan ito. Ina siya at kilala niya ang anak. Ngingiti sa kanya at sinasabing maayos ito ngunit kabaliktaran niyon ang nakikita niya sa mga mata nito. Kailangan nito ng closure at mangyayari lamang iyon kung ititigil nito ang pag-iwas sa lalaki. Ina siya at ang kaligayahan ng anak ang kanyang hangad.

        Her daughter need to forgive and forget. Forgive the one who hurt her and forget what happened in the past. Kapag kaya nang tingnan ng anak ang lalaki na walang bitterness at galit sa mga mata nito'y roon pa lang siya maniniwalang naka-move on na nga ito.

        Napabuntong-hininga na lang si Summer. Ayaw na niyang pahabain pa ang usapan. “Sige, Ma. Si Danrick na po ang maghahatid sa akin. Ingat ka na lang.”

        Napatingin siya sa likuran ng kanyang ina. Naroon si Danrick na kay lawak ng ngiti.

The ExesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon