CHAPTER EIGHTEEN
KASABAY NG PAGLITAW NG ARAW, maririnig ang palitan ng ‘I do’ ng dalawang taong nagmamahalan. Iyon na ang araw na pinakahihintay ng kaibigan ni Sky. Isa iyong elegant beach wedding at may dress code ang mga bisita. Nakasuot ang mga lalaki ng summer suit with a linen shirt, walang mga suot na tie, linen pants, ang iba naka-khaki, at sandals for the footwear. Ang mga babae naman ay formal summer sundress at flat sandals.
They have no doubts that the couple really wanted to spend the rest of their lives together. Sadya ngang makapangyarihan ang pag-ibig. Magkaiba man ng kinalakihang kultura. Nasa magkabilang dulo man ngunit pinagtagpo ng kanilang mga puso na pareho ng itinitibok.
Pagkatapos ng kasal ay nag-picture taking muna bago sila pumunta sa reception sa may pool area ng MBR ang ginawang venue.
And when the traditional throwing of the bride's bouquet arrive, all the single women were all excited to compete in catching it. Well, except Summer. Nakatayo lang siya roon habang naiiling na tinitingnan ang mga kadalagahan na halos magtulakan na.
“Hindi ka ba sasali?” tanong ni Sky sa kanya.
Nakangiti lang siyang umiling. Ilang beses na siyang nakadalo ng kasalan ngunit hindi sumasali sa pagsalo ng bouquet.
“Sumali ka na, iha. Aba! Malay mo ikaw ang makasalo at ikaw na ang susunod na ikakasal,” sabi naman ng isang babaeng matrona sa kaliwa niya. Hindi niya ito kilala.
Umiling siya ngunit makulit ang nasa magkabilang side niya. Pinagtulakan siya patungo sa kumpol ng mga kadalagahan. Napasimangot tuloy siya. Bakit ba pinipilit ng mga ito na sumali siya, e, ayaw nga niya? Ngunit kapag minamalas nga naman siya, tumama sa kanyang mukha ang bouquet. Sa isang kisapmata ay hawak na niya iyon at narinig ang palakpakan ng mga tao.
Panandalian siyang hindi nakapagsalita. Bakit kung sino pa iyong ayaw, siya pa ang nakasalo? Magri-react na sana siya nang hinila na siya ng babaeng announcer at ipinaupo sa silyang nakalaan doon.
Next, throwing of the bride’s garter. Nag-unahan ang mga binata sa pagkumpulan. Siyempre kasama na roon si Sky. Nasa harap pa nga ito at halos harangan na nito ang iba. Ang lawak pa ng ngiti nito habang nakataas ang dalawang kamay. Halatang excited ito.
Ang nakasimangot na Summer ay biglang napangiti sa nakikita. Ngayon niya lang nakita ang binata sa ganoon kasayang mukha.
Samantala, sumenyas na ang groom na maghanda dahil itatapon na nito ang garter. Sa pagbilang nito ng tatlo ay lumipad na iyon sa ere.
Agarang nabura ang ngiti ni Sky nang hindi siya ang nakasalo. Napalitan iyon ng panghihinayang at hindi maipaliwanag na pakiramdam nang makitang ang kanyang best friend na si Gio ang nakakuha niyon. Bigla siyang nawalan ng gana. Parang batid na niya kung ano iyong hindi nito magandang naramdaman. Selos. Oo, nagseselos siya sa kanyang best friend na ex ng dalaga. Hindi niya kayang panoorin kung ano ang susunod na mangyayari kaya napagpasyahan nitong umalis na lang sa reception.
Nagtungo siya sa dalampasigan. Nang makarating doon, makailang ulit siyang bumuntong-hininga. Pinakakalma ang sarili.
“Nabagot ka ba sa party?” anang pamilyar na boses sa kanyang tabi.
Agaran siyang napatingin sa kanyang kaliwa. Nagtataka siya at biglang nangunot ang noo. “Bakit ka nandito? 'Di ba dapat nandoon ka kasi ikaw ang nakasalo ng bouquet?”
Ngumiti ang dalaga. “Ibinigay ko kay Chelsea. Baka kasi paglamayan na ako mamaya dahil sa mga nakamamatay nitong tingin sa akin.”
Napangiti na lang si Sky sa narinig. Pakiramdam niya gumaan ang bigat na naramdaman kanina.
BINABASA MO ANG
The Exes
RomanceMuling makakatagpo ni Summer Ida Mondarlo ang lahat ng kanyang exes, na manggugulo sa nananahimik niyang puso. Sino ang mas mananaig para sa kanya? Si ex-number one, na first love niya? O si ex-number two, ang forgotten ex niya? Ang obsessed niya k...