CHAPTER TWENTY-ONE
NAKAHIGA ANG ISANG LALAKI sa may kaliitang kama. Masikip ang espasyo. Makakapal ang pader at walang makikitang bintana. Mainit ang lugar kaya wala itong pang-itaas na damit. Kitang-kita ang nangingintab na dibdib at mamasel na tiyan dahil sa pawis. Kapansin-pansin sa may intertubercular line sa right side ang maliit nitong tattoo na dolphin na kung saan may nakasulat na SIM.
Ilang sandali, nakarinig siya ng kalampag.
“Montero!” tawag sa kanya ng isang naka-uniform na lalaki. “May bisita ka!” anito at saka binuksan ang rehas na bakal.
Mabilis na bumangon ang lalaki at dinampot ang kulay orange na T-shirt na may malaking letrang P sa likuran at isinuot iyon.
“Sino, sir?”
“Tingnan mo na lang doon. Basta kapareho mong guwapo,” anang pulis at nagpatiuna nang naglakad.
Napangiti nang malawak ang lalaki. Mukhang alam na niya kung sino ang kanyang bisita.
Samantala, sa visiting area ay seryoso ang mukha ng lalaki habang hinihintay ang pagdating ng kanyang dadalawin. Maraming tao roon. Mga nakakulay orange na mga lalaki at ang mga bisita ng mga ito.
“Sky!”
Napatayo siya nang marinig ang pagtawag sa kanyang pangalan. Halos patakbo itong lumapit sa kanya at niyakap siya.
“Ang tagal kitang hinintay. Bakit ngayon ka lang bumalik? Kumusta iyong ipinakiusap ko sa ‘yo?” tila atat na tanong nito.
Kumawala si Sky sa yakap ng lalaki. “Maupo muna tayo, Santi.”
“Oo nga pala. Sige.”
Sabay na ngang umupo nang magkaharap ang dalawa.
“Kumusta na?” tanong ni Santi.
“Kung para sa akin ang tanong na iyan, okay lang ako. Tungkol naman sa ipinakiusap mo sa akin ay nahanap ko na siya,” sagot ni Sky.
“Talaga?” Bakas ang galak sa mukha ng lalaki. Ang mga mata nito ay parang bituin na may ningning.
Tumango si Sky. Pinagmasdan niya ang masayang lalaki. Isa ito sa mga matalik niyang kaibigan, Santi Iñigo Montero. Nalungkot siya noon nang mabalitaan niyang nakulong ito sa kasong involuntary manslaughter. Namatay ang lalaking binugbog nito na nagtangkang gumawa ng masama kay Summer.
Wala siya sa bansa ng mga panahong iyon. Nang umuwi siya ay dinalaw nito ang lalaki at doon nga ito nakiusap sa kanya na kung puwedeng hanapin niya ang babaeng nagngangalang Summer Ida Mondarlo.
“Nasabi mo na ba ang tungkol sa akin?” Tumingin-tingin ito sa paligid. “Hindi mo ba siya kasama?” tanong ni Santi matapos igala ang mga mata at hindi nakita ang hinahanap.
“Santi, ahm . . . she can’t remember you.”
“What you mean she can’t remember me, Sky?” naguguluhang tanong ni Santi.
“She had selective amnesia, Santi. Hindi niya maalala ang lahat ng nangyari sa kanya sa loob ng tatlong taon na magkasama kayo noon.”
“Nagka-amnesia na naman pala siya. At sa pagkakataong ito, ako naman ang hindi niya maalala,” malungkot nitong saad.
Napakunot bigla ang noo ni Sky. “Na naman? Ano’ng ibig mong sabihin, Santi?”
“Hindi ko ba nabanggit sa ‘yo?”
Umiling si Sky.
“Wala siyang maalala kahit ano noong makita ko siya sa dalampasigan. May sugat siya sa ulo at maraming sugat at pasa sa katawan. Naalala mo noong may lumubog na pampasaherong barko?”
Tumango si Sky. Marami ang nasawi at nawala dahil sa pagsabog ng barko na iyon.
“Bakit hindi mo ini-report ang tungkol sa kanya? Tatlong taon siyang pinaghahanap ng pamilya niya,” wika ni Sky. Kahit may ideya na siya sa isasagot ni Santi ay gusto niyang magmula mismo sa bibig ng kaibigan ang sagot.
Pinalipas muna ni Santi ang ilang sandali bago ito nagsalita. “Napamahal siya sa akin nang sobra, Sky. Natatakot ako ng mga panahon na bumalik ang alaala niya at may kasintahan na naghihintay sa kanya. Masama na ba ako dahil sa ginawa ko?”
Hindi sigurado si Sky kung itatango ba niya ang ulo o hindi sa naging tanong ng kaibigan. Sa huli, pinili niyang tingnan na lang ito sa mukha.
Naiintindihan ni Sky si Santi kung bago nito nagawa ang ganoon. Alam na alam niya ang nararamdaman nito dahil ganoon din ang ipinag-aalala niya.
“Siguro noong pinatakbo ko siya habang binubogbog ko ‘yong nagtangka sa kanya ng masama ay naaksidente siya. ‘Yon siguro ang dahilan kung bakit bumalik na ang mga alaala niya pero nakalimutan niya naman ako.” Bakas sa mukha nito ang lungkot at sakit habang nagsasalita.
“Noong mga panahon na wala siyang maalala, paano mo nalaman ang totoo niyang pangalan?”
“Sa suot niyang kuwentas noon.”
Napatango-tango na lang siya. “Ilang taon na rin ang nagdaan, Santi. Marami nang nagbago at nangyari. Bakit hindi mo subukang burahin siya sa puso mo?”
“Bakit mo ba sinasabi sa akin ang ganyan, Sky? Akala ko ba tutulungan mo ako?”
Hindi nakasagot si Sky. Nagbaba rin siya ng tingin at ilang beses na bumuntong-hininga. Dumaan ang ilang sandaling katahimikan. Nagpapakiramdaman ang dalawa hanggang sa basagin iyon ng malakas na mura ni Santi.
“Shit!” Dalawang beses itong nagmura kaya napatingin tuloy sa kanila ang iba.
“Sky, tumingin ka sa mga mata ko,” utos ni Santi ngunit hindi sumunod ang lalaki. “Damn, Sky! Look at me in the eyes!” malakas at may diin na saad nito.
Ramdam ni Sky ang galit nito kahit hindi pa niya nasasabi ang totoo. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin at sinalubong ang mga mata ng kaibigan. Ilang sandali rin silang nagtitigan. Para bang nagpapaligsahan kung sino ang pinakamagaling sa titigan.
Naunang nagbaba ng tingin si Sky. “I'm sorry, Santi. Hindi ko sinasadya. Wala naman akong naagrabyadong tao para mangyari sa akin ang ganito. Pero kung tutuusin ay may kasalanan ka rin, Santi. Kung hindi mo sana siya pinahanap sa akin. God!” Napahilamos ito sa mukha gamit ang mga palad. “Hindi ako mahuhulog. Hindi sana ako nahulog sa ex ng mga best friends ko.”
Napasabunot naman ng buhok si Santi. “This can't be happening!” Halo-halong emosyon ang makikita sa mga mata ng lalaki. Hindi niya inaasahang ganoon ang mangyayari. Ni hindi man lang sumagi sa kanyang isipan na pupuwedeng ma-in love ang kaibigan niya sa dalaga. “I want to see her, Sky. Please.”
Makailang ulit namang huminga nang malalim si Sky bago nagsalita. “Dadalhin ko siya sa mga susunod na araw.”

BINABASA MO ANG
The Exes
RomanceMuling makakatagpo ni Summer Ida Mondarlo ang lahat ng kanyang exes, na manggugulo sa nananahimik niyang puso. Sino ang mas mananaig para sa kanya? Si ex-number one, na first love niya? O si ex-number two, ang forgotten ex niya? Ang obsessed niya k...