TE 42

228 53 0
                                    

CHAPTER FORTY-TWO

HUMINTO SA ENTRADA ng Mondarlo Hotel ang taxi na sinasakyan nina Summer at Gio. Unang lumabas ng sasakyan ang binata at tinulungan ang driver sa mga bagahe.

        “Oye, chico lindo!” saad ng lalaking papalapit sa kinaroroonan nila. (Hey, pretty boy!)

        Napangiti nang malawak si Gio. Kilala na agad nito kung sino iyon. Wala namang ibang tumatawag sa kanya ng ‘el chico lindo’ na ang ibig sabihin ay pretty boy.

        Nilingon nito ang nagsalita. “Hey, Ian.” Nagyakapan ang dalawa. “Tagal nating 'di nagkita. How are you?”

        “Doing fine,” sagot naman ni Ian.

        Lumabas naman ng taxi si Summer. Hindi makikitaan ng galak ang mukha. Walang pakialam sa dalawang lalaki na masayang nagbabatian.

        “Hola mi hermosa hermana,” bati ni Ian sa dalaga. (Hello my beautiful sister). Ito ang nakatatandang kapatid ni Summer na siyang namamahala sa Mondarlo Hotel.

        Tiningnan ni Summer ang kanyang kuya. “Don't disturb me, Bagyo! And please don't speak Spanish. Wala si Lolo Mac dito,” aniya at saka naglakad na papasok sa loob.

        Napanganga si Ian at binalingan ng tingin si Gio. “What is her problem? You heard it right? Tinawag na naman niya akong 'Bagyo'.”

        Napangiti na lang si Gio. Storm Ian kasi ang buo nitong pangalan kaya ‘Bagyong Ian’ ang madalas na itawag ni Summer dito kapag wala sa mood.

        Tinapik nito sa balikat ang lalaki. “Let her be. Huwag mo nang patulan. May pinagdadaanan lang ang kapatid mo.”

        “What it is? Love? Nag-away ba sila ng boyfriend niya na 'di ko pa nakikita?” ani Ian sa kanya.

        “Kuwento ko mamaya sa ‘yo. Pakainin mo muna ako,” ani Gio habang hinihimas-himas ang tiyan.

        Nakangiting tumango-tango si Ian. Sinenyasan nito ang dalawang staff na nakita upang kunin ang mga bagahe.





“KAWAWA NAMAN ang kapatid ko,” komento ni Ian matapos marinig mula kay Gio ang nangyari ng araw na iyon.

        Nasa kanyang opisina silang dalawa. Matapos makakain, doon sila dumeretso para makapag-usap nang maayos.

        “Sa lahat ng naging boyfriend niya ikaw lang talaga ang kilala ko nang husto. Iyong Danrick isang beses ko lang nakita. Ang iba ay pangalan lang ang alam ko.” Humugot ito nang malalim na hininga. “Gio.”

        “Yes,” sagot naman nito. “Bakit?”

        “May ipapakiusap sana ako.”

        “Ano naman?”

        “Alam mo namang busy ako masyado sa hotel, 'di ba?”

        Tumango si Gio.

        “Habang nandito kayo pakitingnan naman siya. Kampante naman akong wala siyang gagawing masama pero nag-aalala pa rin ako sa kanya. Kahit madalas akong tawaging ‘Bagyo’ niyan ay mahal ko 'yan.”

        “Don't worry. Kahit 'di mo sabihin ay gagawin ko pa rin. After all, mahalaga rin siya sa akin,” senserong pahayag ni Gio.

        “Muchas gracias, el chico lindo,” ani Ian. (Thank you so much, pretty boy.)

        “De nada,” sagot naman ni Gio. (You’re welcome.)

        “Naalala mo ba ang sinabi ko sa 'yo noon?” saad ni Ian.

         Napaisip naman si Gio. Ano nga ba 'yon? Hanggang sa naalala niya ang nangyari noon. . .

        Halos kalahating oras na si Gio sa may entrance ng Mondarlo Beach Resort. May inaabangan siyang lumabas.

        Hawak niya ay tatlong pulang rosas, isang box ng chocolates, at katamtamang laki na teddy bear.

        May lalaking naglalakad palapit sa kanya. Galing ito sa loob. Isa siguro sa mga bakasyunista, sa isip niya. Tingin din niya ay hindi sila nagkakalayo sa edad.

        “Oye, chico lindo,” ang lapad ng ngiting saad ng lalaki.

        Hindi niya ito pinansin at saka 'di niya naiintindihan ang sinabi ng lalaki. Kumaway ito sa kanya. Napatingin tuloy si Gio sa paligid. Walang ibang tao. Siya ba ang kinausap nito?

        “Oye, chico lindo.” Inulit na naman nito. Napakunot tuloy ang kanyang noo. Wala talaga siyang naiintindihan.

        Tumabi sa kanya ang lalaki at inakbayan siya.

        “You know what? I like you.”

         Napalayong bigla si Gio sa lalaki dahil sa narinig. Adik ba ito o kaya ay lasing? Sayang naman ang itsura nito kapag ganoon.

         Natawa naman nang malakas ang isa. “It's not what you're thinking, okay? Let me introduce myself. I'm Storm Ian Mondarlo. Did my last name ring the bell?”

        Napaayos ng tayo si Gio. Kaano-ano kaya niya ito? Iyan ang tanong niya sa isipan. Siniguro muna niyang walang bara sa kanyang lalamunan bago nagsalita. “I'm Giovanni Valmoria.”

        “I know.”

        Ano raw? Kilala siya nito? Paano? E, iyon pa lang ang unang beses na nagkita sila.

        “Is that all for my sister?”

        Tama ba ang dinig niya? Sister? Nang mag-sink in na sa kanyang utak ang lahat ay mabilis siyang tumango. Kaya pala panay ang salita nito ng Spanish.

        “Since I like you. Let me help you,” saad ng lalaki.

        May mga tanong man sa isipan ay nanatili na lang tikom ang bibig ni Gio. Tutulungan daw siya nito, e. Hihintayin na lang niya kung anong tulong ang maibibigay sa kanya.

         Kinuha ng lalaki mula sa kanya ang hawak na tatlong pulang rosas. “My sister loves green roses. If not available. White will be okay.”

         Ang stuff toy naman ang sunod na kinuha nito sa kanya. “She don't like teddy bear. Better find a dolphin. It doesn't matter what it is as long as it's a dolphin. And this...”

        Inagaw nito ang hawak niya na box ng chocolates. “She's not a chocolate lover. Buy or bake her a lemon cake. She'll surely love that. Hmm...” Nag-isip ito sandali. “I think that's all. You can leave now.”

        “Ha?” Tama ba ang mga salitang pumasok sa kanyang tainga? Pinaaalis na siya nito? Matapos kunin ang kanyang mga dala? Ni hindi pa nga niya nakikita ang hinihintay.

        “By the way . . .” Tumingin ang lalaki sa kanyang buhok. “Are you Jose Rizal's descendant?”

 

        Gumuhit ang isang matamis na ngiti sa labi ni Gio nang matapos maalala ang naganap sa nakaraan. Ang laki nga ng naitulong nito sa kanya noon. Okay lang kahit sinaway nito ang kanyang hair style noon.

        Hinarap niya si Ian. “You like me,” aniya.

        “Tama,” sabi naman ni Ian. “Until now . . . nothing has changed.”

        Napatingin si Gio sa family picture na nakadikit sa wall, natuon ang mga mata niya sa isang magandang dalaga na nakangiti nang matamis.

        “But everything has changed between the two of us.”

The ExesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon