TE 16

256 54 0
                                        

CHAPTER SIXTEEN

KINABUKASAN, ALAS-OTSO ng umaga, maraming mga mata ng kababaihan ang kumukorteng puso dahil sa mga naggaguwapuhan at nagsi-sexy-hang mga lalaki na naglalaro ng beach volleyball. Pawang naka-board shorts lang ang apat kaya busog na busog sila sa mga namamawis na pandesal na nakahain sa kanilang harapan.

        “Sky, sa ‘yo,” wika ng kasama niya.

        Mabilis naman pumuwesto si Sky sapagkat sa kanya patungo ang bola. Tinira niya iyon gamit ang kanang kamay ngunit napalakas ang kanyang pagpalo kaya lumabas iyon sa court. May nakasalo ng bola kasabay niyon ang malakas ulit na tilian ng mga babae.

        “Mukhang nagkakainitan ang labanan, a!” sabi ng lalaki habang iniikot-ikot ang bola sa isang daliri nito.

        “Whoa! Gio, glad you made it,” masayang turan ni Franco, ang ikakasal.

        “Of course! I don’t want to miss your wedding,” sagot niya at nakipag-bro fist dito at sa kaibigan nitong isang Italiano.

        Sa susunod na araw pa ang kasal nito. Mas inagahan talaga nila ang pagpunta sa lugar para sa practice at makapag-bonding din silang magkakaibigan.

        “Sky! Na-miss kita,” ani Gio at saka nakipag-bro fist dito.

        Natawa naman si Sky. “Para isang buwan lang tayong ‘di nagkita,” anito. Kababata niya ito at best friend din. Sa Bicol sila lumaking pareho ngunit nagkalayo na ang mga ito nang lumipat ang buong pamilya nito sa Siargao after third year high school. Nagkita na lang ulit sila sa Venice dahil nagtatrabaho ito roon bilang engineer ng isang construction company. “Mabuti’t umuwi ka.”

        “Oo, naman. Na-miss ko rin kasi ang Pinas.”

        “Nga pala. Pinsan ko.” Itinuro ni Sky ang katabi.

        “Hi, I'm Bryan Buenavista. Nice to meet you,” turan ng lalaki at nakipagkamay.

        Tinanggap naman niya iyon. “Giovanni Valmoria. Gio for short. Masaya rin akong makilala ka.”

        “Let’s continue the game!” biglang sigaw ng ikakasal kaya nagtawanan sila.

        “Okay! I'll be the referee,” pag-volunteer ni Gio.

        Masaya nilang ipinagpatuloy ang paglalaro. Ang nanalo ay sina Sky at Bryan. Pagkaraan ng ilang sandali, lumapit sa kanila ang bride. Tinatawag na sila para sa kanilang brunch. Agad namang sumunod ang groom at ang kasama nito samantalang nagpaiwan sina Sky, Gio at Bryan.

        “Wow! She’s awesome. Ano kayang pangalan niya?” namamanghang sambit ni Bryan habang nakatingin sa dagat.

        Napatingin din ang dalawa roon. Malalaki ang alon. Maraming tao roon ngunit may isang nakakaagaw-pansin. Isang babaeng nagsu-surfing. Napangiti si Sky nang makilala kung sino iyon. Hindi niya akalaing magaling pala itong mag-surf. Wala kasi itong nasabi sa kanya habang nag-uusap sila noon sa eroplano.

        They become speechless for a moment when they saw her flew effortlessly above the wave and pulled an alley-oop. It is a counterclockwise air 360. She landed clean and resumed surfing.

        “Wow!” Pumalakpak si Bryan. “That's one of the biggest and brightest alley-oops I’ve ever seen and it’s live!” manghang saad nito.

        “Her name is Summer Ida Mondarlo. She’s a little crazy, but that just makes you like or love her even more,” saad ni Gio habang may nakapaskil na kakaibang ngiti sa labi at ang mga mata ay nakatuon sa dalaga. Nang lingunin niya ang dalawang kasama ay may nanlalaking mga mata ito na nakatingin sa kaniya. “Bakit ganyan kayo makatingin?” natatawa niyang sabi.

The ExesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon