TE 51

226 52 0
                                    

CHAPTER FIFTY-ONE

SA DINING HALL NG HOTEL, sa isang pabilog na mesa na nasa tabi ng bintana ay masayang nag-uusap ang tatlong nilalang.

        “Bakit wala pa si Ida?” tanong ng ginang habang nakatingin sa anak nitong lalaki.

        Sinilip naman ni Ian ang kanyang wristwatch. May sampung minuto pang natitira sa oras na ibinigay niya sa kapatid. “Parating na 'yon, Ma,” sagot nito.

        “Okay,” simpleng tugon ng ginang. Binalingan nito ang babaeng katabi ng anak. “Chelsea, nasaan si Gio? Bakit wala pa siya? Alam ba niya ang tungkol dito?”

        “Alam po niya, Ma,” sagot ni Chelsea. Napatingin ito sa may entrance. “Nandiyan na po siya, oh,” anito na nakaturo ang daliri sa lalaking naglalakad patungo sa kanilang puwesto.

        “Mabuti naman. Si Ida na lang ang kulang para makakain na tayo. Medyo gutom na rin ako.”

        “Magandang umaga po, Tita Sandy,” bati ng bagong dating. “Mas lalo kang gumanda, ah.”

        “Ikaw talagang binata ka. Hindi ka pa rin nagbabago. Binobola mo pa rin ako,” natatawang sabi ng ginang. “Maupo ka na nga.”

        Sumunod naman si Gio. Umupo ito sa kaliwang side. Napapagitnaan nila ni Ian ang ginang.

        “Ano'ng trip ninyong dalawa?” biglang sabi ni Chelsea na pinaglipat-lipat ang tingin kina Gio at Ian. “Ang init ng panahon pero bakit kayo may mga scarf na suot?”

        “Napansin ko rin,” segunda ng ginang. “Hindi ba kayo naiinitan?”

        Nagkatinginan ang dalawang lalaki at saka napangiti sa isa’t isa.

        “Nandiyan na si Ida,” biglang saad ng ginang. Tumayo ito at ikinaway-kaway sa ere ang kaliwang kamay.

        Nasa may pintuan kasi si Summer at nagpalinga-linga sa paligid. Ngumiti ito nang makita ang ina na kumakaway.

        Habang naglalakad patungo sa kanilang puwesto si Summer ay nakatutok ang mga mata ni Gio rito. Tapos nakangiti pa. Kitang-kita iyon ni Chelsea. Sa inis nito ay sinipa niya ang lalaki sa ilalim ng mesa.

        “Ouch!” daing ng katabi niya.

        Napalingon tuloy si Chelsea kay Ian. “Ano'ng nangyayari sa 'yo?”

        “Seriously? Tinatanong mo pa talaga? Bakit mo ako sinipa?"

        “Aww! Sorry, Storm. Si Gio dapat 'yong sisipain ko, e,” ani Chelsea at masamang tiningnan si Gio.

        “Ewan ko sa inyong dalawa!” nakabusangot na saad ni Ian. Iyong banda na kung saan madarama ang buto ang natamaan kaya sobrang masakit.

        “Kayo talaga. Kapag nagsama-sama kayong tatlo at idagdag pa si Ida ay mga sakit kayo sa ulo,” ang sabi ng ginang at bumalik sa pag-upo.

        “Hindi pa ako late!” Iyon agad ang sinabi ni Summer pagkarating nito sa harap ng apat.

        Biglang natawa si Ian nang malakas dahil sa kapatid. Talagang sineryoso ni Ida ang kanyang sinabi tungkol sa oras.

        “Huwag mo akong pagtawanan, Bagyo! Baka gusto mong ikaw ang itapon ko sa dagat.”

        Tumigil na nga kayo. Umupo ka na, Ida. Diyan ka sa tabi ni Gio. Huwag muna kayong magtabi ng kuya mo baka mag-wrestling kayong dalawa,” sabi ng ginang.

The ExesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon