TE 46

222 52 0
                                    

CHAPTER FORTY-SIX

NAGLALAKAD PALABAS NG unibersidad na pinapasukan si Summer. Kasama niya ang dalawang kaklase na babae at isang lalaki.

        “Ate Ida, sama ka sa amin gumala,” saad ng isang kasamang babae.

        “Oo, nga, Ate Ida,” segunda naman ng isang babae. “Sama ka.”

        “Sumama ka na, Ida, para naman makasama kita,” sabi naman ng lalaki. Isa ito sa mga nanliligaw sa kanya. Kahit binasted na ay lapit pa rin nang lapit sa kanya.

        “Pasensiya na kayo. May importante akong pupuntahan.”

        “Saan ka pupunta, Ida? Samahan na kita,” sabi ulit ng lalaki sabay akbay sa kanya.

        “Kamay mo, Vince.”

        Nang makitang walang balak alisin ng lalaki ang kamay nito ay siya na mismo ang kumilos. Ngunit hindi pa nga tuluyang naalis ay nakita na niya ang kasintahan. Nasa labas ito ng gate. Nakaupo sa motor nito. Nakatingin ito nang masama sa lalaking katabi niya.

        “Ay, Ate Ida, balik muna kami sa loob. May nakalimutan pala kami,” saad ng kasamang babae.

        Nakangiti siyang tumango. Naipagpasalamat niyang naiintindihan ng mga ito.

        “Samahan mo kami, Vince,” sabi naman ng isa at hinila ang lalaki.

        Magpoprotesta pa sana ito ngunit pinagtulungan na ng dalawang babae. Siya naman ay naglakad na palapit sa lalaki.

        “Hi, Tyler. Kanina ka pa ba? Hindi ka ba pumasok sa klase mo?”

        Pareho sila ng pinapasukan ngunit iba ng kurso. Tiningnan lang siya ng lalaki. Napalunok siya ng sariling laway. Kakaiba ang tingin nito sa kanya. Kapansin-pansin din ang namumula nitong mga mata.

        Pinaandar ng lalaki ang motor nito. “Angkas!” maawtoridad nitong saad.

        Mabilis naman siyang tumalina. Pagkaangkas, doon niya nakumpermang nakainom ito. Naghalo ang amoy ng pabango at alak sa kanyang ilong.

        Kinuha naman ni Tyler ang kanyang mga kamay at ipinayakap sa katawan nito. Hindi siya nagprotesta at mas hinigpitan ang pagkakayakap.

        Minutes later, dahan-dahang lumuwag ang yakap niya. Napansin niyang hindi iyon ang daan patungo sa kanyang boarding house.

        “Saan mo ako dadalhin, Tyler?” Nagsisimula na siyang kabahan. Na parang may mangyayari na hindi maganda.

        Hindi siya sinagot at mas binilisan pa ang takbo. Mas dumoble ang kabang nararamdaman niya. Nakikipagsiksikan ito sa mga malalaking sasakyan. Kung pupuwede lang sana ay tumalon na siya sa motor nito. Subalit, ayaw niyang magkalasog-lasog ang katawan at worst ay mamatay.

        Lumiko ito sa kanto. Pumasok ang motor nito sa isang motel. Ang estilo ay iyong sa labas ng bawat silid ay may kanya-kanyang parking lot. Pagkapasok nila sa bakanteng slot ay mabilis siyang bumaba.

        “Bakit mo ako dinala dito, Tyler? I already told you, I'm not ready for this!”

        Marami pa sana siyang sasabihin nang may dumating na lalaki. Nanlaki ang kanyang mga mata. Gusto niyang lamunin ng sahig nang makilala kung sino ito. Classmate niya. Bahagya rin na nagulat ang lalaki at pinaglipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. Naglalaro na sa isipan niya ang mga mapanghusgang tingin ng mga kaklase nila. Pero hindi naman siguro nito ipagkakalat dahil isa iyan sa tungkulin ng mga nagtatrabaho sa ganitong klase ng lugar. Ika nga, 'Whatever you see or hear remains here.'.

The ExesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon