CHAPTER FOURTEEN
IN LESS THAN AN HOUR, lumapag na ang eroplano sa Sayak Airport.
“Excited much?” natatawang tanong ni Sky nang agad tumayo ang dalaga pagka-announce na puwede na silang lumabas. Parang gusto nitong makipagkarera sa ibang mga pasahero.
“Ay hindi. Mainit na kasi,” nakangiti niyang sagot habang ininguso ang upuan.
Natawa na lang ang lalaki. Masaya siyang nakasabay ito. Hindi sila nakaramdam ng pagkabagot sa buong durasyon ng biyahe. Marami silang napag-usapan kagaya ng kung ano ang gagawin nila sa lugar na pupuntahan, mga tourist spots na pupuwedeng pasyalan, at nagkasunduan nilang sabay silang mamasyal sa lugar, at marami pang iba.
Habang papalabas sila ng airport, marami ang nakakasalubong nila na bumabati ng “Good afternoon, Miss Ida” sa dalaga na ipinagtaka ng lalaki. Mukhang kilala ang kasama sa lugar na iyon.
Outside the terminal there were vans, tricycle, and habal-habal. Iyon ang mga pupuwedeng mag-transport ng mga pasahero.
“Miss Ida!”
Napalingon si Summer nang may tumatawag sa kaniya. Nakita niya ang isang may kaedarang lalaki na kumakaway sa kanya. Sa likod nito ang isang puting van. Kinawayan din niya ito at saka tiningnan ang kasama at sinenyasan na sumunod.
“Welcome back, Miss Ida. Kanina ka pa hinihintay ng lolo mo. Akin na bagahe mo at ilalagay ko sa sasakyan,” sabi ng matanda at saka kinuha ang gamit ng dalaga.
“Salamat, Mang Agustin. Nga po pala may kasama ako. Si Sky.”
Doon lang napatingin ang matanda sa lalaki. “Hello, sir. Maradjao na hapon,” nakangiting bati ng matanda. “Akin na rin gamit mo at ilalagay ko sa van.”
“Hello po. Ako na lang maglalagay ng gamit ko,” wika ni Sky at sinundan ang matanda sa likod ng sasakyan.
Nauna namang sumakay ang dalaga. Papasok na rin sana ang lalaki nang mabasa ang nakasulat sa may pintuan ng van na ‘Mondarlo Beach Resort’.
“Pagmamay-ari n’yo ang MBR?” hindi makapaniwalang tanong niya sa dalaga.
“Ay hindi. Sa lolo ko ‘yon. Sakay ka na,” nakangiting sagot niya. Inaasahan na niya ang tanong na iyon. Sino ba ang hindi magugulat kung ang pagkakakilala sa kaniya ay isa lamang siyang concierge sa hotel ng best friend nito tapos bigla nitong malalaman na apo siya ng nagmamay-ari ng pinakamalaking beach resort sa lugar na iyon.
“Pasok ka na, sir, at aalis na tayo,” sabi naman ng matanda.
Sumunod naman ang lalaki at agad na nitong isinara ang pinto. Ilang sandali lang, bumibiyahe na sila. Magkatabi silang naupo sa first row ng sasakyan.
“O, bakit ganyan ka makatingin?” tanong ni Summer nang mapansin na hindi inaalis ng lalaki ang tingin sa kanya.
“Nagulat lang ako sa nalaman ko. E, iyong Mondarlo Hotel sa inyo rin ba?”
“Ang kuya ko ang nagmamay-ari niyon.”
“Kung may sarili naman kayong hotel at resort bakit ka nagtitiyagang magtrabaho sa BH?”
“For experience lang,” sagot na lang niya. Isa iyon sa rason niya. Gusto niyang magsimula sa pinakamababa. Kung sa mismong hotel o resort nila siya magtatrabaho, alam niyang hindi magiging pantay ang trato ng mga tauhan dahil lang sa kaalaman na apo siya ng may-ari. Ayaw niya ng ganoon at saka hindi niya rin maiwan ang ina. Ayaw kasi niyon sa Siargao dahil may iniiwasan.
“Kung minsan hindi ko maintindihan ang mga mayayaman,” napapailing na saad ng lalaki.
“Grabe ka naman. Hindi naman ako mayaman.”
“Sige na nga hindi na . . . rich lang,” natatawang saad ng lalaki nang sumimangot ang dalaga. Pero napahanga siya sa ginawa nito. Mas pinili nitong magtrabaho sa pinakamababa at nakakapagod na trabaho na puwede naman sana itong maging boss nang walang kahirap-hirap. “Nga pala may napansin ako. Bakit lahat ng mga taong bumabati sa ‘yo, e, Ida ang tawag sa ‘yo?”
“Nakimutan mo na ba? Second name ko ‘yan at saka iyan ang gusto ng lolo ko. Ayaw niya sa first name ko.”
Tumango ang lalaki. “Maybe because Ida means hardworking woman pero mas marami ang meaning ng Summer. I Google it and it said that people with that name are competent, practical, and often obtain great power and wealth, and they also tend to be successful in business and commercial affairs.” Tumingala ito at saka napakamot sa ulo. “. . . and I can't remember the rest.”
Natawa ang nagmamanehong matanda sa huling sinabi ng binata samantalang si Summer ay may hindi makapaniwalang mukha na nakatingin dito.
“Ini-Google mo ang pangalan ko?”
Nagpakamot na naman ito sa ulo at saka ngumiti sa dalaga. “Ahm, yeah. I just want to know if the meaning of your name is as beautiful as you are.”
Biglang uminit ang magkabilang pisngi niya sa sinabi nito. Simple lamang iyon pero kasing-lakas yata ng hurricane ang tama sa kanya. Bakit parang gusto na niyang buksan ang bintana at sumigaw sa labas na kinikilig siya at ang haba ng hair niya. Talagang nag-effort pa itong mag-Google.
“Ang sweet naman pala nitong kasama mo, Miss Ida,” singit ni Mang Agustin na may nakakalukong ngiti. Hanga siya rito sa lalaki. Simple lang ang diskarte pero nagagawa nitong mapakilig ang isang babae. “Boyfriend mo ba ito, Miss Ida?”
“Hindi po,” sagot ni Summer.
Sumegunda ng sagot si Sky, “Hindi pa po.”
Mas lalong nag-init ang kanyang mga pisngi sa sinabi nito. Ano ang ibig nitong sabihin sa hindi pa? Tumingin si Summer kay manong at nakita niya sa rear mirror ang nakangiti nitong mukha.
Muli niyang tiningnan ang lalaki. Bigla yatang nahulog ang puso niya nang binigyan siya ng signature smile nito at isang kindat.
![](https://img.wattpad.com/cover/236615184-288-k709658.jpg)
BINABASA MO ANG
The Exes
RomanceMuling makakatagpo ni Summer Ida Mondarlo ang lahat ng kanyang exes, na manggugulo sa nananahimik niyang puso. Sino ang mas mananaig para sa kanya? Si ex-number one, na first love niya? O si ex-number two, ang forgotten ex niya? Ang obsessed niya k...