CHAPTER FORTY-NINE
MATAPOS MAIPARADA NI SKY ang sasakyan nito ay dire-diretso siyang pumasok sa club.
Kagagaling lang niya sa hospital. Maayos na ang kalagayan ng kanyang ina at ang ama niya ang nagbabantay rito.
Sa halip na umuwi upang makapaghinga ay napagpasyahan niyang uminom. Kailangan niya ng alak upang lunurin ang sakit na nararamdaman niya sa dibdib.
Natigil si Sky sa paghakbang nang mamataan ang isang babae. Napabuga niya ng hangin. Nagdadalawang-isip siya kung itutuloy pa ba niya ang pag-inom sa club.
Ilang oras pa lang ang nakalipas nang maghiwalay sila kaya hindi maganda na magkita sila. Baka madagdagan lang ang sakit na ibinigay niya rito.
Kahit sinabi ng dalaga na naiintindihan siya nito kung bakit niya pinili na hiwalayan ito, hindi siya bulag para hindi makita ang sakit sa mga mata nito.
Lalabas na sana siya nang matigil ang kanyang paghakbang. Naningkit ang mga mata niya at nag-aapoy iyon sa galit habang nakatingin sa may bar counter.
Nakita niyang lumapit ang isang lalaking may kakaibang ngisi. Para itong may ibinulong at saka nito inalalayang maglakad ang dalaga.
Mabilis siyang lumapit sa dalawa. Walang sabi-sabi ay malakas niyang sinuntok ang lalaki na napahiga sa sahig.
“Fvck! Who the hell are you?” galit na turan ng lalaki habang tumatayo. Binato nito ng masamang tingin si Sky. “Bakit ka ba biglang nanununtok ha?”
“And you? Sino ka para alalayan siya?” Itinuro niya si Summer.
Samantala, nakatingin lang si Summer sa eksenang nagaganap sa kanyang harapan. Kung normal na sitwasyon, dapat natataranta na siya o hindi kaya ay awatin ang dalawa. Pero hindi! Nakatayo lang siya at may malapad pang ngiti sa kanyang labi. Natutuwa siyang makita ang galit na galit na mukha ng binata.
Kahit naman nakainom siya at nahihilo nang kaunti ay nakikilala niya pa rin kung sino ang isang lalaki sa kanyang harapan.
Noong sila pa, hindi niya naranasan na maipagtanggol nito. Ngayon na wala na sila, hindi naman siguro masama na i-enjoy niya ang sandali. Masarap pala sa pakiramdam na magkaroon ng isang knight in shining armor.
“I’m her fiance,” sabi ng lalaki at tumabi kay Summer.
Biglang sumama ang timpla ng mukha ni Summer nang marinig niya ang sinabi ng walang hiyang lalaki.
Kailan pa ako na-engaged sa isang pangit?
Mas kumulo naman ang dugo ni Sky sa naging sagot ng lalaki. Mabilis niya itong kinuwelyuhan at parang papatayin niya ito sa tingin.
“For your information, asshole! The one you’re claiming yours is actually belongs to me. You heard me? She’s mine! Pasalamat ka walang kaso para dito dahil baka nakasuhan na kita for trespassing my private property!” Pagkasabi niyon ay itinulak niya nang malakas ang lalaki kaya muli itong napaupo sa sahig.
Hinarap niya ang dalaga at walang paalam na hinawakan niya ang kamay nito. Malalaki ang kanyang mga hakbang na hinila ang babae palabas ng club. Wala siyang pakialam kung may kumosyon man na naganap dahil sa kanyang nagawa.
“Damn, Summer!” galit na saad ni Sky nang nasa labas na sila. “Hindi porket nakainom ka ay kusa ka na lang sasama sa kung sino-sino!”
BINABASA MO ANG
The Exes
RomanceMuling makakatagpo ni Summer Ida Mondarlo ang lahat ng kanyang exes, na manggugulo sa nananahimik niyang puso. Sino ang mas mananaig para sa kanya? Si ex-number one, na first love niya? O si ex-number two, ang forgotten ex niya? Ang obsessed niya k...