TE 07

256 55 1
                                    

CHAPTER SEVEN

NAKATINGALA SI SUMMER sa kalangitan habang nakaupo sa bench. Makapal ang ulap kaya walang mga bituin na makikita. Nasa isang park siya malapit lang sa bar. Lumabas siya sandali upang makalanghap ng sariwang hangin. Nang makaramdam ng lamig ay niyakap niya ang sarili.

        “You look cold, want to use me as a blanket?”

        Gulat na nilingon niya ang nagsalita at gumamit ng pick-up line. Nanlaki ang mga mata niya nang makilala iyon.

        “Sky? Ano'ng ginagawa mo dito? At saka sobrang gasgas na ng pick-up line na ginamit mo. Don’t use it again,” ani Summer at ibinalik ang tingin sa kalangitan.

        “Ganoon ba? Okay! Hindi ko na gagamitin,” sabi naman nito at umupo sa tabi ng dalaga, dalawang dangkal ang distansiya.

        “Ano ba’ng mayroon sa itaas? Kanina mo pa kasi ‘yan pinagmamasdan.”

        “Wala lang. Gusto ko lang tingnan ang langit. Wala naman sigurong masama, ‘di ba?”

        “Wala ngang masama ang tumingin. Ang masama, nagmumukha kang sira kasi wala namang dapat tingnan sa itaas,” nakangiting turan nito.

        Hindi na lang niya pinansin ang sinabi nito.

        “Is it about what happened a while ago why you're acting like that?”

        “Medyo nainis lang ako sa babaeng ‘yon.”

        “Dahil ba sa sinabihan ka niyang ang pangit mo?”

        Natawa nang mapakla ang dalaga. Nagkasagutan sila ng babae sa bar. Nagngitngit ang loob niya nang sinabihan nitong ang pangit niya raw kaya siya ipinagpalit ng kanyang boyfriend sa iba. Hindi muna tiningnan ang sarili sa salamin bago ito nagbitiw ng ganoon sa kanya. Halata namang retokada ang katawan at mukha. Ang nakakainis pa ay iyon din ang babaeng naging dahilan kung bakit sila nagkahiwalay ni Danrick.

        “Hindi naman iyan ang rason kung bakit ako nainis sa kaniya at ‘wag mo na rin tanungin kung ano ang dahilan. Basta nainis ako . . . period!" sabi na lang niya.

        “Nakakainis naman talaga ang Mitch na ‘yon. ‘Wag ka rin maniwala sa sinabi nitong ang pangit mo. Malabo ang mga mata ng babaeng ‘yon.”

        Tumango at napangiti na lang siya. Kahit paano ay gumaan nang kaunti ang bigat na nararamdaman niya dahil sa sinabi nito.

        “Nga pala. Hindi mo pa sinagot ang tanong ko kanina. Ano ba’ng ginagawa mo dito?”

        “Sinundan ka,” sagot ng binata at totoo iyon. Nagsinungaling pa nga siyang gagamit ng kubeta.

        “Sinundan?” nanlalaki ang mga matang tanong niya. “Bakit naman?”

        “Nag-alala lang ako baka kasi ano na ang nanyari sa ‘yo dito sa labas. Ang tagal mo kasing bumalik.”

        “Nag-alala ka sa akin?” Nanlaki ulit ang mga mata niya. “Bakit naman?”

        Napangiti na lang ang lalaki sa paulit-ulit nitong tanong. “We're friends. And I think, that’s enough reason.”

        Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit sa tuwing sinasabi ng lalaki na magkaibigan sila ay ‘di niya magawang maging masaya.

        “Ang sweet mo palang kaibigan kung ganoon,” labas sa ilong na saad niya.

        Biglang tumunog ang cell phone niya kaya nagpasintabi muna siya sa lalaki. Tumayo siya at dumistansiya nang kaunti. “Oh, Patty. Ano’ng kailangan mo’t tumawag ka?"

The ExesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon