TE 35

234 52 0
                                    

CHAPTER THIRTY-FIVE

NAG-UUSAP SINA REX AT SKY sa mismong opisina ng kaibigan. Magkaharap na nakaupo ang dalawa habang nagkakape.

        “‘Yan na ba ang pasalubong mo sa akin?” tukoy ni Rex sa maliit na paper bag na nasa mesa sa harap nila.

        “No!” sagot ni Sky at saka inilapag ang hawak na tasa. “Sa yaman mong ‘yan ‘di mo na kailangan ng pasalubong. You can buy anything you want, Rex.”

        “You're right,” ani Rex at iginala ang paningin sa kabuuan ng opisina nito. “But . . .” Biglang lumungkot ang mga mata nito.

        “There are still things your money can’t buy,” pagpapatuloy ni Sky sa gustong sabihin ng kaibigan.

        Ngumiti nang tipid si Rex. “Let's not talk about me, Sky. Anyway, kanino mo ba ibibigay ‘yan?” anito na nakatingin sa paper bag.

        “To someone special,” masayang tugon nito. Kinuha nito ang maliit na box sa loob at iniabot sa kaibigan. “Tingnan mo naman kung magugustuhan ba niya ‘to.”

        “May pa special someone ka pa! Bakit hindi mo na lang sabihin ang pangalan, e, alam ko naman kung sino,” ani Rex at saka binuksan ang box. “Hmm . . . You want to express your love for her without having to say the words yet,” anito habang tinitingnan ang simple knot bangle.

        “Ano sa tingin mo? Ayos lang ba?”

        “It’s incredibly symbolic. I'm sure magugustuhan niya ‘to.”

        “You think so?”

        “Yes! Basta hindi galit sa ‘yo ang pagbibigyan mo nito.”


PAGKATAPOS NG TRABAHO AY nagpunta na naman si Summer sa madalas niyang tambayan, ang park. Magtatakip-silim na ng mga oras na iyon. Doon siya umupo sa paborito niyang bench.

        Kinuha niya sa loob ng bag ang cell phone at earphone. Makikinig siya ng musika habang pinanonood ang ilang mga tao na nag-i-enjoy sa lugar. Nakailang kanta na rin ang natapos niyang pakinggan nang maramdaman na may nagtanggal sa kaliwang bahagi ng earphone.

        “A—” Hindi niya naituloy ang sasabihin nang makita kung sino ang salarin. “Bakit ka nandito? Sino ka na nang-i-istorbo sa ginagawa ko?” galit na ani Summer at saka hinablot mula sa lalaki ang wire.

        “I just want to listen some music . . . with you,” nakangiting saad ng lalaki. “Wala naman sigurong masama ‘di ba?”

        Tumawa nang peke ang dalaga. “Nagtatanong ka pa talaga kung walang masama? Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo kung ano ang mga maling ginawa at nagawa mo!” Tumayo siya at saka humakbang.

        Hindi pa nga siya nakakalayo nang hilain siya ng lalaki at muling ipinaupo. “Ano ba, Sky! Tantanan mo nga ako!” nagpupumiglas na ani Summer sapagkat hindi pa rin binibitiwan ng lalaki ang kanyang kamay.

        Mahinang natawa ang lalaki na mas lalong ikinainit ng bumbunan ng dalaga.

        “You just mentioned my name. Ibig sabihin we're not strangers. Stay for a while. I want to tell you a story.”

        Umirap si Summer at saka umayos ng upo. “Hindi ka lang pala chef, story-teller ka na rin ngayon. Anong genre ba ‘yan?”

        Ngumiti muna ang binata bago nagsalita. “Non-fiction tapos romance ang sub-genre. Magsisimula na ba ako?”

        Hindi agad nakasagot ang dalaga. Sa tingin niya, alam na niya ang magiging takbo ng kuwento kahit hindi pa nasisimulan.

        Tumingin muna siya sa lalaki at saka bumuntong-hininga. “Okay. I'll give you two minutes,” wika niya.

        “Five minutes,” apila naman ni Sky.

        “One minute,” kontra naman ni Summer.

        “Three minutes. I think it will be enough,” apilang muli ng lalaki.

        “Three minutes then,” naka-poker face na tugon niya. Tumingin si Summer sa kanyang wristwatch. “You can start now.”

        Tumango ang binata at iginala ang paningin sa paligid at nagsimulang magsalita. “Same place. In this very exact location where we’re sitting. He saw her looking up in the sky. Kahit may kalayuan ay masasabi niyang isa itong magandang babae. That time he said to himself that she already owned half of his heart.”

        May halos hindi makapaniwalang mukha na tiningnan ni Summer ang nagsasalita na lalaki. Akala niya, iyong walang pasabi na pumasok siya sa sasakyan nito upang magtago ang siyang unang beses na nagkrus ang landas nila. Hindi pala.

        “Lalapitan na sana niya ito nang bigla na lang itong tumakbo palayo. The next day, he visited his best friend. That friend asked him a favor. Of course, he said yes. Kahit nalaman niyang ex ito ng best friend niya ay gumawa pa rin siya ng paraan para magkita sila. Suwerte niya dahil nagtatrabaho ito sa hotel ng isa pang matalik na kaibigan. Kung tatanungin mo kung coincidence ba ang first meeting nila? The answer is yes and no.”

        Nagsalubong ang mga kilay ni Summer. “What do you mean by yes and no?”

        “No dahil alam niyang nag-grocery ito. Yes kasi hindi niya inaasahan na papasok ito sa sasakyan niya para magtago.”

        Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Summer. Ibig sabihin ay hindi nagkataon na naroon ang lalaki sa lugar. Ini-stalk pala siya nito.

        “Your time is almost up,” malakas na ani Summer. Gusto na niyang matapos na agad ang pagkukuwento nito at nang makaalis na siya.

        “Let’s skip some. Deretso ka na sa last part,” aniya habang nakatingin sa relo. “Isa lang ang gusto kong malaman. Bakit siya muling nagpakita at lumalapit na akala mo wala itong nagawang nakakasakit. Tell me why.” Bawat salitang lumabas sa bibig niya ay may diin.

        Makulimlim naman ang aura ng lalaki. Makailang ulit din itong humugot ng malalim na hininga.

        “He knew that he was bad. He did something he shouldn’t have. He caused her to go through such a hard time. He thought what he did was for the best but he was wrong. Kaya naman nagbalik siya para ayusin ang dapat ayusin. To ask her forgiveness.”

        Tumingin sa mga mata niya ang lalaki. “And to tell her that . . . él la ama.

The ExesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon