TE 33

232 52 0
                                    

CHAPTER THIRTY-THREE

MAGBUBUKANG-LIWAYWAY pa lang ay nasa labas na si Summer nagdiya-jogging. Nakakailang libot na rin siya sa oval kaya tagaktak na ang kanyang pawis ngunit wala pa rin siyang balak na tumigil. Dalawang libot pa ang ginawa niya bago tinahak ang daan patungo sa kanilang bahay.

        Sa may daan pauwi, may nadaanan siyang batang papalabas ng gate na tumatakbo. Nadapa ito dahil siguro sa may katabaan kaya naman agad niya itong tinulungan.

        “Okay ka lang ba bata?” tanong niya rito.

        Ngumiti sa kanya ang batang lalaki. “Okay lang po ako. Hindi naman masakit kasi parang foam ang katawan ko sabi ni mama.”

        Napangiti si Summer sa narinig.

        “Ganoon ba? Mabuti naman.”

        “Salamat po, Ate Ganda. Ang bait mo at kasing-ganda n’yo po ang sky.”

        Nawala ang matamis na ngiti niya. Ang ganda na sana ng sinabi nito kaya lang biglang pumangit nang marinig niya ang salitang sky.

        “Ano ang pangalan mo bata?” sa halip ay tanong na lang niya.

        “Skyler po,” masayang tugon ng bata.

       “Bakit naman ganyan ang pangalan mo?” nakanguso pang ani Summer.

       “Itanong n’yo po sa nanay ko, ate. At sabi naman ng kuya ko mga cute at guwapo kaming mga Sky.”

        “Nah! Hindi lahat. Ikaw lang ang cute at guwapo pero iyong iba hindi. E, ang meaning ng pangalan mo alam mo ba?”

        Umiling ang bata bilang sagot.

        “Sexy badass who can do anything. That’s the meaning of Skyler.”

        Nilingon ni Summer ang nagsalita sa kanyang likuran. Dahil nakaupo siya ay unang nakita niya ang suot nitong gray jogging pants. Bumaba muna ang tingin niya sa suot nitong running shoes bago dahan-dahang umangat ang kanyang ulo. Kaparehong kulay ang suot nitong T-shirt na bakat sa katawan at medyo basa na ng pawis. Nanlaki ang kanyang mga mata nang masilayan ang mukha nito. Makailang ulit pa siyang kumurap. Nang ngumiti ito sa kanya ay pinaikot niya ang mga mata sabay irap at muling hinarap ang bata.

        “Balik ka na sa bahay n’yo baka hinahanap ka na nila.” Inilagay niya ang kanang kamay sa ulo ng bata at saka bahagyang ginulo ang buhok nito. "Next time huwag kang basta-basta lalabas ng bahay n’yo dahil marami na ngayon ang bad guys,” aniya na binigyang diin ang huling dalawang salita .

        Tumango naman ang bata at tiningnan ang taong nasa likuran ng dalaga bago nagtatakbo papasok sa gate. Tumayo na rin si Summer. Nang makitang nakapasok na ang bata ay nagpatuloy na rin siya sa pagdiya-jogging. Alam niyang nakasunod sa kanya ang lalaki ngunit ipinagsawalang bahala na lang niya iyon. Natigil siya nang mag-over take ito sa kanya. Nagdiya-jogging ito nang paatras. Masama niya itong tiningnan at saka nagpatuloy ngunit kahit saang direksiyon siya pumunta ay nasa unahan niya pa rin ito.

        “What are you doing, mister?” may halong inis na tanong niya.

        “Backward jogging?” nakangiting sagot naman nito. “By the way, I’m Sky. Skyler Buenavista. The sexy badass who can do anything,” anito na may matamis na ngiti sa labi at saka biglang tumigil sa pagtakbo.

        Dahil sa biglaang pagtigil ng lalaki ay nabangga si Summer sa katawan nito dahilan para mapaupo siya sa sahig.

        “I'm sorry,” natatarantang wika nito at saka nilapitan ang dalaga upang tulungang makatayo.

        “Don’t touch me!” galit niyang saad at iwinaksi ang kamay ng lalaki. Binigyan niya ito ng masamang tingin bago nakangiwing tumayo. Medyo masakit ang kanyang pang-upo dahil sa may kalakasan ang pagkatumba niya.

        “And don't follow me anymore kung ayaw mong tusukin ko ‘yang dimple mo!” Tinalikuran na niya ang lalaki at nagpatuloy sa pagtakbo habang bumubulong. “That horrible bastard! Pagkatapos niyang sabihing forget me ay ito naman siya biglang susulpot. At may gana pang magpakilala. Ha! Parang walang ginawang nakakasakit!”

        Muli siyang tumigil sa pagtakbo at nilingon ang pinanggalingan. Kahit may kalayuan na siya ay natanaw pa niya ang lalaki na nakatayo pa rin doon.

        Namaywang siya at saka pumalatak. “Sexy badass? Baka sexy bastard,” aniya at saka ipinagpatuloy na ang pagtakbo.

NAKABUSANGOT ANG MUKHA ni Summer habang papasok sa kanilang bahay. Nadatnan niya ang kanyang ina sa sala na masayang nag-aayos ng green roses sa vase habang nakikinig ng classic piano instrumental songs.

        “Ma!” agaw pansin niya sa ina. “Nagpa-deliver ka na naman ng mga bulaklak? Nagsasayang ka na naman ng pera.”

        Napangiti ang kanyang ina. “Ano bang pa-deliver ‘yang pinagsasabi mo? May nagbigay nito sa akin,” saad ng kanyang ina habang inaamoy ang isang tangkay ng rosas.

        “Nagbigay?” malakas na saad ni Summer. "Don’t tell me bigay ‘yan ng manliligaw mo?”

        “Oo.”

        “What?” halos pasigaw na aniya. “Sino ‘yan nang mabalatan ko ha?”

        “Ano ba ‘yang pinagsasabi mo, Ida. ‘Di ba puwedeng ako ang nililigawan pero iba ang gustong pasagutin?” tumatawang wika ng kanyang ina.

        “Ewan ko sa iyo, Ma! Ang gulo mo kausap,” nakangusong sabi naman ni Summer.

        “Umakyat ka na nga at maligo may trabaho ka pa,” pagtataboy ng mama niya.

        “Opo!” malakas na sagot ni Summer at saka umakyat na ng hagdanan.

        “Nakahanda na ang almusal mo sa mesa. Help yourself dahil aalis ako pagkatapos nito,” pahabol naman ng kanyang mama.

        Tumigil si Summer at muling hinarap ang kanyang ina. “Baka date ‘yang pupuntahan mo ha?” pag-aasar niya.

        “Ikaw talagang babae ka! Maligo ka na nga!”

        Tumawa lang si Summer at nagpatuloy na sa pag-akyat.

        Pagkapasok ng dalaga sa kanyang silid ay tumunog ang cell phone ng mama niya na agad naman nitong sinagot. “Hello. Oo! Natanggap ko na . . . huwag kang mag-alala. Hindi ko sinabing sa ‘yo galing ang mga bulaklak.”

        Samantala, sa silid ni Summer. Itinapon niya ang sarili sa kama. Pakiramdam niya ay nanghihina ang kanyang buong katawan hindi dahil sa makailang ulit siyang nagpaikot-ikot sa oval.

        “Bakit ka pa muling nagpakita sa akin, Sky?” kausap niya sa sarili. “Parang wala man lang nangyari. Nagagawa mo pang ngumiti sa akin nang matamis.”

        Bumangon siya at saka may kinuha sa ilalim ng kanyang kama. Binuksan niya ang box at kinuha ang blue shoe. Umupo siya sa sahig at tinitigan ang hawak. “For almost three months wala akong ibang ginawa kung ‘di ang kalimutan ka kagaya ng gusto mong mangyari. I want to put it back to the time before I met you. But why you’re making my life complicated again?”

        “Sinasabi ko na nga ba magmo-monologue ka na naman. Mali-late ka sa trabaho dahil diyan sa ginagawa mo.”

        Nilingon ni Summer ang nagsalita. Hindi na niya nakita pa ang ina dahil agad din naman nitong isinara ang pinto. Napabuntong-hininga na lang siya. Muli niyang tinitigan ang hawak.

        Tumayo siya at saka lumapit sa trash can. “The only evidence to testify that what happened between the two of us is not just a dream. Sana noon ko pa ito itinapon,” aniya at inilagay sa basurahan ang sapatos.

        “Ayan! Baka tuluyan na kitang makalimutan.”

The ExesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon