CHAPTER THIRTY-ONE
HINDI ALAM NI SUMMER kung ilang minuto o oras na siyang nakaupo sa bench sa isang maliit na park na hindi niya alam kung ano ang pangalan. Pagkalabas niya sa bilibid ay basta na lang siya naglakad na hindi alam ang tungo.
Nagsisimula nang balutin ng dilim ang kapaligiran at ang pagkislap ng mga ilaw sa lugar at mula sa mga kalapit na establisimyento.
“Summer!”
Hindi niya nilingon ang taong tumawag sa kanya. Boses pa lang, alam na agad na niya kung sino. Tumayo ito sa kanyang harapan habang naghahabol ng hininga na para bang sumali sa isang 10k marathon. Basa ng pawis ang suot nitong navy polo shirt ngunit nangibabaw ang mabangong amoy ng pabango nito.
“Bakit bigla kang umalis na walang paalam, ha? Kung saan-saan na ako napadpad. Paano kung may nangyaring masama sa ‘yo? Ano ang sasabihin ko sa mama mo, ha? Hindi mo ba iyon naisip?”
Nakatingin lang si Summer sa nagsasalita. Hindi siya makasingit dahil sa sunod-sunod nitong tanong at mabilis na pagsasalita.
Nang makitang tapos na ito, siya naman ang nagtanong. “Is he the reason?”
“Pardon? Hindi kita maintindihan,” naguguluhang saad ng lalaki.
“I'm asking you if he is the reason. Kung siya ba . . . siya ba ‘yong dahilan kung bakit ayaw mo sa akin,” saad ni Summer.
“What made you say that?”
“I'm not that naive, Sky. You’re pushing me towards him.”
Umiling-iling ang lalaki. “It's not like what you're thinking.”
“Then what?” pasigaw na saad ng dalaga. Naninikip ang kanyang dibdib. Kailangan niya iyong ipalabas dahil baka magkaroon siya ng sakit sa puso. “Why are you being nice to me? Why did you do those things? Why you made me fall for you, huh?” Pinipigilan niya ang sariling huwag maiyak sa pamamagitan ng pagkagat sa kanyang labi.
“I'm sorry, Summer. Hindi ko naman kagustuhan na mangyari ang ganito. Forget me,” hindi makatingin sa dalaga na saad ni Sky.
“Forget you?” Parang gustong matawa ni Summer sa narinig. Bakit ang dali lang nitong sabihin ang mga salitang iyon? Ni hindi man lang pumiyok.
“Ganoon lang? You even . . . you even said you love me. But why . . . why do you just want us to be friends and now you’re telling me to forget you? Why? Why? Hindi kita maintindihan, Sky. Do you dislike me that much? Dahil ba ex ako ng best friends mo?”
Napabuntong-hininga nang malalim si Sky. Makalipas ang ilang sandali ay tiningnan nito ang dalaga. “I'm sorry, Summer.”
“I don't want to hear those words, Sky. Everything has a reason. Therefore, I need an explanation of everything you showed, you did, and you said,” maawtoridad na saad ng dalaga.
Nagbaba ng tingin ang binata. Hindi niya alam kung paano sasabihin dito ang lahat na hindi ito masasaktan pero iyon naman ang nangyayari.
“What and why lang ang kailangan mong sagutin, Sky. Sa tingin ko hindi naman siguro ‘yan mahirap, ‘di ba?”
Dumaan ang ilang sandali na walang nakuhang sagot si Summer. Habang si Sky naman ay nakayuko pa rin. Naisip niya iyong nangyari bago niya iwanan si Santi.
“Ano? Hindi ka pa rin ba magsasalita?” pukaw ni Summer kay Sky na tila lumilipad ang utak.
“Pardon?” tila wala pa rin sa sariling anas ng lalaki. “A, kasi ano . . . ahmm.” Bumuga muna ito ng hangin bago nagpatuloy. “Everything I've done and said was all real. I find you special but . . . I believe that what I feel towards you is just an infatuation. So, there’s no reason for me to cross to the other side of the line. You better forget everything about me. I'm not the best man for you.”
Tumingin ito sa kanyang wristwatch. “Hatid na kita sa airport. Pasensiya kung hindi na kita masasabayan pauwi. Later na kasi ang flight ko papuntang Italy kaya mag-i-stay ako dito sa Manila.”
“You jerk! How can you do that to someone like me?” nanggagalaiting ani Summer.
“I'm sorry, Summer.”
“Naririndi na ang tainga ko sa sorry mo! Kung gusto mong kalimutan kita, fine! Gagawin ko!” Tumayo siya sa pagkakaupo. “Maiwan na kita dito. Huwag mo na akong ihatid. Kaya ko na ang sarili ko. Safe trip na lang sa ‘yo,” ani Summer at saka tumakbo na paalis.
“Summer, wait!” tawag ni Sky at hinabol ang dalaga ngunit ang bilis nitong nawala sa kanyang paningin dahil sa dami ng tao sa bandang tinakbuhan nito. “Nasaan na siya? Nasa akin pa ang plane ticket niya pauwi.”
SA TAHANAN NG MGA MONDARLO.
Nagmamadaling bumaba ng hagdanan ang ina ni Summer matapos makatanggap ng tawag. Bago tuluyang makalabas ng bahay ay tumunog ang kanilang landline kaya naisipan nitong sagutin muna baka importante.
“Hello. Good evening.”
“Hello po,” anang boses ng lalaki sa kabilang linya. “Tita Sandy, ikaw po ba ito?”
Natahimik sandali ang ginang. Pamilyar sa kanya ang boses ngunit hindi niya maalala kung sino. “Ako nga ito. Puwede ko bang malaman kung sino ito?”
“Tita, ako po ito si Gio. Giovanni Valmoria. Natatandaan n’yo po?”
“Gio?” Tumingala ang ginang na para bang sasagutin siya ng kisame. “Iyong first love ni Ida?”
Natawa ang lalaki sa narinig. “Ako nga po, tita. Nandiyan po ba si Ida? Hindi ko kasi makontak ang number niya. Gusto ko lang po sana siyang makausap bago ang flight ko pabalik ng Venice. Itatanong ko lang kung may gusto ba siyang ipabili sa akin doon na pasalubong.”
“Babalik ka na? Hindi mo pa nga ako nadalaw. Pero teka lang . . . by any chance nasa Maynila ka na ba ngayon?”
“Nasa NAIA na po ako Tita Sandy. After four hours pa ang flight ko. Napaaga kasi ang dating ko dito sa Manila kaya nga po gusto ko muna siyang makausap.”
Nakahinga nang maluwag ang ginang sa narinig at nakaramdam ng tuwa. “Gio, tulungan mo si Ida.”
BINABASA MO ANG
The Exes
RomanceMuling makakatagpo ni Summer Ida Mondarlo ang lahat ng kanyang exes, na manggugulo sa nananahimik niyang puso. Sino ang mas mananaig para sa kanya? Si ex-number one, na first love niya? O si ex-number two, ang forgotten ex niya? Ang obsessed niya k...