TE 03

277 60 28
                                    

CHAPTER THREE

“WOW! ANG AGA MO yata ngayon, Summe,” bungad agad ng dalawang taong papasok pa lang sa locker room nilang mga empleyado.

        Kahit hindi na tingnan kung sino ang mga nagsalita ay kilala na agad niya. Dalawa lang naman ang tumatawag sa kanya ng Summe. Inalis nila ang last letter ng first name niya.

        Tama rin ang mga ito. Ang aga nga niyang pumasok. Hindi na kasi niya tinapos ang almusal at nagmamadaling nilisan ang bahay nila. Nawalan kasi siya ng gana dahil nakatanggap na naman siya ng red roses.

        “Good morning, Patty! Morning, Daniel,” pagbati niya sa dalawa. Naging close silang tatlo simula nang magtrabaho siya sa hotel. Front desk clerks ang dalawa.

        Walang kaalam-alam ang mga ito sa totoo niyang estado. Sasabihin niya rin naman, hindi pa nga lang sa ngayon.

        “Summer Ida Mondarlo!” sigaw sa kanya ni Daniel. “Ilang beses ko bang sasabihin sa ‘yo, Summe, na Daniela ang itawag mo sa akin, ha!” nakataas kilay na saad nito sabay subo ng lollipop sa bibig.

        Napaiiling na lang si Summer. Ang aga-aga pa, nakita na naman niyang may pasak ito na lollipop. Ayaw na ayaw rin kasing nagpatatawag ito ng Daniel. Gusto nito ay Daniela lang. Kahit bakla ang kanyang kaibigan, masasabi niya pa rin na matino ito. Hindi ito katulad sa ibang bakla na pariwara. Nahihinayangan nga siya. May itsura kasi ito at matangkad.

        “At bakit si Patty ‘Good Morning’ ang greetings mo samantalang sa akin ‘Morning’ lang ha?” nakapamaywang na dagdag ni Daniela.

        “Walang good kasi nakita na naman kitang may lollipop sa bunganga. At kailan ka ba titigil diyan sa kapapasak mo ng lollipop ha?” aniya.

        Ang addict kasi ng kanyang kaibigan sa lollipop pero naisip din naman niyang mas okay iyon kaysa sa mga ipinagbabawal na gamot ang kaadikan nito. Naaawa siya sa ngipin nito. Palagi lang naman sinasabi ni Daniela sa kanya na huwag pakialaman ang bagay na iyon dahil sa nagpapraktis lang daw ito.

        Magkaganoon pa man ay mahal niya ang dalawa, kahit hindi sila magkasundo sa ibang bagay minsan, pero kapag may mga problema o pangangailangan ay nariyan ang bawat isa na palaging nasa tabi niya. She considered herself a lucky one for having Patty and Daniela as her best friends. Makukulit man ang mga ito pero mga totoong tao.

        “Hay naku, Summe! Pabayaan mo na ang baklang 'yan. Hindi 'yan makikinig sa atin,” sabi naman ni Patty. “Bakit nga pala maaga ang best friend naming hindi kagandahan pero pinipilahan?” nakangiting tanong nito sa kanya.

        Napasimangot siya. Babaeng hindi kagandahan pero pinipilahan ang palaging itinatawag sa kaniya. Nagtataka kasi ang mga kaibigan niya kung bakit maraming nanliligaw sa kaniya e hindi naman daw siya kagandahan.

        “Isa, Patty! Kapag tinawag mo pa ulit ako ng ganyan hindi na tayo bati,” nakahalukipkip niyang saad.

        “Tama! Huwag mo na 'yang tawagin nang ganyan, Patty, dahil wala nang nakapila,” natatawang sabat naman ni Daniela.

        “Oo, nga pala. Isa-isa nang nagsialisan ang mga nakapila. Napagod na yata sa kahihintay,” sabi naman ni Patty at humalakhak pa talaga.

        “Hindi pa ba kayo titigil? Pag-uumpugin ko mga ulo n'yo . . . sige!” pananakot niya sa dalawa.

        “Tigil na tayo, Daniela, umuusok na ilong at tainga ni Summe, o,” turan ni Patty na itinuro ang nakaupong si Summer na nakasimangot.

The ExesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon