TE 44

223 52 0
                                    

CHAPTER FORTY-FOUR

THE BEACH WAS overcrowded and bustling with activities. People swimming, playing water sports, just relaxing and talking in the shallow water. May mga magulang din na sumisigaw, mga batang tumatakbo, and friends gossiping.

        Sa may di-kalayuan, may isang babaeng nakahiga sa surfboard na lumulutang. Nakaunan ang isang kamay habang ang isa ay nasa may pusod nito nakapatong. Nakapikit ang mga mata at walang pakialam kahit tirik na tirik ang araw. Nakasuot ito ng purple bikini top at ripped shorts.

        Gustong-gusto niya roon. Medyo malayo sa mga tao. Mas sariwa ang hangin. She can almost taste the salty of the air everytime she inhaled. Pero bakit ba naroon siya? Gustong magpaitim? Nah! Gusto niyang doon mag-iiyak. Kahit mag-isa siya ay naroon ang hangin na yayakap sa kanya, ang langit na titingin sa kanya, ang araw na tutuyo sa mga luha niya, at kung saka-sakali mang mahulog siya ay naroon ang dagat na sasalo sa kanya.

        Isang linggo na ang lumipas ngunit hindi pa rin nagpapakita si Sky sa kanya. Kahit isang text message ay wala. Isang linggo na rin siyang naglalabas ng tubig sa kanyang mga mata. Oo, wala pang hatol sa kanilang relasyon dahil sa hindi pa nga sila nagkakausap. Pero ito siya pinipilit ubusin ang tubig na nakatambak sa kanyang mga mata. Kung mauubos nga ba? Sinasanay niya ang sarili. Baka sakaling kapag dumating na ang araw na magpakita ang lalaki ay handa na siya sa kung ano man ang desisyon nito. Na sana ay tuyo na ang timba ng luha. Ayaw na niyang umiyak. Masakit sa mga mata, ilong, at lalamunan.

        Hindi pa rin siya nasasanay. Ilang beses na ba siyang umibig at nasaktan? Ayaw na niyang bilangin pa. Ang layo nito sa kanyang dream life. Pero okay lang. Laban lang. Because building a dream life is filled with things that can feel like the opposite of a dream: mistakes, delays, starting over, and failure. And the building part is a continual process of rebuilding.

        Maya-maya pa ay nakaramdam na siya ng kakaiba sa paligid. Ilang sandali pa ay tela na ang nakayakap sa kanya. Isang pares na ng mata ang nakatingin sa kanya. Daliri na ang tumutuyo sa luha niya. At kung sakaling mahulog siya, ano naman kaya ang sasalo sa kanya?

        “I know I'm beautiful so stop staring and leave,” ani Summer.

        Wala siyang nakuhang sagot ngunit ramdam pa rin niya ang presensiya nito. Nandoon pa rin ang mga matang hindi pa yata nagsasawang pagmasdan ang kanyang mukha.

        “I said leave . . . leave me alone, Gio.”

        “Paano mo nalamang ako 'to, e, nakapikit ka naman?”

        Doon na nagbukas ng mga mata ang dalaga. Tiningnan niya ang lalaki. Hindi basa ang buhok kaya sigurado siyang naglakad lang ito patungo sa kanya.

        “It's your old habit. Ikaw lang naman ang mahilig mang-istorbo sa 'kin. At teka lang. . .” Suminghot-singhot siya. “Seriously, Gio? Hindi pa rin nawawala ang style mo na nag-i-spray ng perfume kahit lulusong sa dagat?”

        “Hindi, ah!” mabilis na sagot ng lalaki pero sa ibang direksiyon nakatingin.

        Napailing-iling na lang ang dalaga. Hahayaan na lang sana niya ito dahil hindi rin naman ito makikinig kahit ilang beses paalisin kaya lang may napansin siya.

        “Ano'ng nangyari diyan?” Nakatuon ang mga mata niya sa may pilat na mga five inches ang haba sa kaliwang dibdib ng lalaki.

        Hindi agad nakasagot ang lalaki. Dinala nito ang kamay sa dibdib upang takpan iyon na akala naman makakayang mabura. “Much better if you don't know,” ani Gio.

        Nagkibit-balikat na lang si Summer. Kung ayaw nitong sabihin edi 'wag. Hindi naman siya mamimilit. Tinanggal niya ang T-shirt na nakatabon sa kanyang katawan at ibinigay sa lalaki. Pagkatapos ay dumapa siya sa surfboard.

        Nakita ni Summer ang pagtaas-baba ng adam's apple ni Gio. Hindi rin nakaligtas sa kanyang mga mata na nakatingin ang lalaki sa kanyang likod pababa sa pang-upo niya.

        “Kung ayaw mong matuyuan ng laway, 'wag kang tumingin sa katawan ko,” saad ni Summer.

        “'Di naman ako tumingin,” anito na mabilis na ibinaling sa iba ang mga mata.

        “You already lied twice today. Kapag nadagdagan pa 'yan, tatawagin na talaga kitang liar, Gio.”

        Tanging pagkamot na lang sa ulo ang nagawa ni Gio. Wala naman itong ibang magagawa.

        “Maiwan na kita, Gio,” sabi ni Summer. “Kung wala ka namang balak maligo, sumunod ka na sa akin.”

        “Sabay na ako sa 'yo. Tulak kita.”

        Kahit may mga kamay naman na pupuwedeng gamiting ikampay ay hinayaan na lang ni Summer si Gio na itulak ang surfboard niya. Nang makarating sa mababaw na bahagi, ipinahinto na niya ang lalaki. Pagkababa niya, mabilis na kinuha ng lalaki ang board.

        “Salamat,” ani Summer at sinabayan sa paglalakad ang lalaki.

        Nang makaapak na ang kanilang mga paa sa buhangin ay muli niyang hinarap ang lalaki. “Ako na ang magdadala niyan.” Tukoy niya sa surfboard.

        “'Wag na. Magaan lang naman ito. Ako na ang magbabalik nito,” anito at iniabot sa dalaga ang T-shirt.

        Nagsalubong ang mga kilay ni Summer. “Aanhin ko 'yan?”

        “Isuot mo para makaiwas ka sa mga may manyakis na mga mata. Isa kang tukso.”

        Napataas ang isang kilay niya. Wala pa nga siyang ginagawa tapos sasabihin nitong isa siyang tukso? Seryoso ba ito? Inilagay niya ang mga kamay sa magkabilang baywang. Nakatingin na naman ito sa kanya. On her body, to be exact.

        Ginaya niya ang ginawa nito. Sa maraming taon na nakalipas ay ang laki na ng ipinagbago sa katawan ng lalaki. Sixteen years old nang maging sila. Ang taas ng nadagdag sa height nito. Mas matangkad pa ito sa kuya niya na five feet and eleven inches. May mga muscles na rin ang mga braso nito. Puwede na rin siyang magtimpla ng kape para ipares sa mga pandesal nito sa tiyan.

        “What the! Eyes up, sunlight!” malakas na saad ng lalaki. Mabilis din nitong itinakip ang surfboard na hawak sa katawan.

        Napatawa nang malakas si Summer. Sa nakalipas na mga araw ay iyon pa ang unang beses na tumawa siya.

        “Your reaction is priceless,” natatawa pa rin na saad ng dalaga. Kinuha niya ang T-shirt sa lalaki at isinuot iyon. “Ibabalik ko na lang itong damit mo kapag malinis na. Bye, Gio,” aniya at iniwan na ito.

        Napabuntong-hininga na lang nang malalim si Gio habang sinusundan ng tingin ang palayong dalaga.

The ExesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon