CHAPTER THIRTY-SIX
HINDI NA ALAM NI SUMMER kung ilang minuto na niyang hawak ang kanyang cell phone. Mag-isa lang siyang nakaupo sa may puno ng mangga. Hindi alintana kung marami ang naglalaway na lamok sa dugo niya.
Kanina pa siya nakatitig sa screen na naka-set sa Google search. Tinanong niya si Kuya Google kung ano ang ibig sabihin ng él la ama.
Hindi na kasi siya nag-abalang tanungin pa si Sky. Nagmamadali na siyang umuwi nang makatanggap ng tawag mula sa ina. May importanteng bisita raw na darating.
“He loves her.”
Nabitiwan ni Summer ang cell phone niya nang may nagbasa sa nakasulat sa screen. Iyon ang ibig sabihin ng mga italian words na ini-search niya. Masama niyang tiningnan ang lalaki at saka mabilis na dinampot sa damuhan ang phone.
“Bakit ka nandito, Gio? Baka kung ano na naman ang isipin ng Chelsea na ‘yon.”
Sina Gio at Chelsea ang importanteng bisita na tinutukoy ng kanyang ina. Hindi maipinta ang kanyang mukha nang makita sa sala ang dating kaibigan. Nag-taxi pa naman siya pauwi para lang mabilis makarating sa kanilang bahay.
“Inutusan ako ng mama mo. Ready na daw ang dinner,” sagot naman ni Gio.
“Okay. Papasok na ako but I'm not eating,” ani Summer, saka humakbang na ito patungo sa main door.
Pagkapasok ng dalaga ay hindi man lang niya tinapunan ng tingin ang nasa sala na masayang nag-uusap. Deretso lang siya patungo sa hagdanan.
“Ida!” tawag ng ginang sa anak.
Huminto naman siya ngunit hindi nilingon ang ina.
“Kakain na tayo. Nagluto ako ng paborito ninyong pagkain ni Chelsea.”
Doon na siya lumingon at masamang tiningnan ang katabi ng ina. Kahit hindi naging maganda ang kinahihinatnan ng pagkakaibigan nilang dalawa ni Chelsea ay hindi naman naapektuhan ang samahan ng dalawa. Ulila kasi ito at simula nang maging magkaibigan sila noon ay ina na ang turing nito sa mama niya. Mas malapit pa nga ang dalawa kumpara sa kanila ng sarili niyang ina.
Hindi naman nagpatalo si Chelsea at masama rin na tiningnan si Summer. Para bang nagpapaligsahan ang dalawa na kung sino ang unang magbababa ng tingin ang siyang talo.
Sa kabilang banda naman, nakatayo lang si Gio malapit sa pinto. Nakangiti ito. Walang balak na lapitan ang dalawa dahil baka siya pa ang tamaan ng kidlat.
Wala pa rin nagpapatalo sa titigan ng mga ito kaya naman pumagitna na ang ginang. “‘Tong mga ‘to talaga,” saway nito. “Kailan ba kayo magkakabating dalawa?”
Tumingin si Summer sa ina. “Naku, Ma! ‘Wag ka na lang magtanong,” aniya at saka ibinaling ang tingin kay Chelsea. “Hindi ito movie o TV series na madalas nagkakabati ang bida at kontrabida kapag finale na.”
Ngumisi si Chelsea kay Summer bago ito tumingin sa ginang at ngumiti nang matamis. “Tama si Ida, Mama. Ako na protagonist ay ‘di ko agad patatawarin si antagonist kapag nakita kung hindi siya sincere.”
Umalingawngaw sa buong bahay ang malakas na tawa ni Summer. “Protagonist, my butt! Nang-aagaw ng role!” mahinang bulalas ng dalaga ngunit sapat para marinig ng mga kasama.
“Akyat na ako, Ma. I'm not hungry.” Hindi na niya hinintay pa ang magiging sagot ng ina. Nagtuloy-tuloy na siya sa pag-akyat patungo sa sariling silid.
BINABASA MO ANG
The Exes
RomanceMuling makakatagpo ni Summer Ida Mondarlo ang lahat ng kanyang exes, na manggugulo sa nananahimik niyang puso. Sino ang mas mananaig para sa kanya? Si ex-number one, na first love niya? O si ex-number two, ang forgotten ex niya? Ang obsessed niya k...