TE 26

237 54 0
                                    

CHAPTER TWENTY-SIX

“DANRICK!” tawag ni Summer sa binatang nakaupo sa mahabang upuan. Matatagpuan iyon sa lilim ng punong mangga sa maliit nilang garden sa harap ng kanilang bahay.

        Nilingon siya nito at saka nginitian. “Good morning, Sum,” bati nito sa kanya.

        Tipid lang siyang ngumiti at nagbalik-bati at umupo sa tabi nito.

        Humarap sa kanya ang lalaki. Abot-tainga ang pagkakangiti nito. His signature smile that melted her heart before. Nagpaisip tuloy siya kung ano ang nangyari matapos niyang takbuhan ang tatlo at naging ganito kaaliwalas ang mukha nito.

        “Yesterday was the craziest night that ever happened to me, Sum. Do you know why?”

        Umiling lang si Summer bilang sagot.

        “The past, the present, and the future intersected for the first time.”

        “Ano’ng ibig mong sabihin?”

        Tumawa ang binata. “Don't pretend as if you don't know what I mean.”

        Kinunutan niya ng noo ang lalaki. E, sa talaga namang hindi niya alam. Sa halip na makipag-argumento, mas pinili na lang niyang manahimik at paganahin ang utak. Makalipas ang halos dalawang minuto, nakuha na rin niya ang sagot. Si Gio ang tinutukoy nitong past pero hindi siya sigurado kung ang best friend ba nito ang future.

        “At paano ka naman naging present, aber?” nakapamaywang pa na tanong ng dalaga.

        Muling tumawa ang lalaki. “Good to know na alam mong ako ang present. At huwag ka nang umangal. For me, you still belongs to me. Hindi pa kita pinapakawalan.”

        Tumawa nang mapakla si Summer. “Hindi ko alam kung saan ka kumukuha ng lakas ng loob at kakapalan ng mukha, Dan. Maiwan na kita bago pa ako muling mainis sa ‘yo,” aniya, akmang tatayo ngunit nahawakan ng lalaki ang kaniyang kamay.

        “Bitiwan mo ako!” Nagpumiglas siya upang makalawala rito ngunit ang higpit ng pagkakahawak ng binata. “Ano ba?” Pinukulan niya ito ng masamang tingin.

        Tiningnan lang siya ng lalaki. Wala na ang kaninang masayang aura nito. “Please stay, Sum. Hindi pa ako tapos,” ani Danrick.

        Nakipagsukatan muna ng tingin si Summer sa lalaki subalit siya rin ang unang sumuko. “Fine! I'll stay kaya pakawalan mo na ang kamay ko.”

        Bumuntong-hininga muna si Danrick bago pinakawalan ang kamay ng dalaga pagkatapos ay tumingala sa kalangitan. Ginaya naman ni Summer ang ginawa ng lalaki. Kay ganda ng bughaw na langit. Ang mga ulap na may iba't ibang hugis ay kay sarap panoorin. Nakaaaliw. Nakawawala ng bigat ng pakiramdam ang pagtingin sa mabining galaw ng mga iyon.

        Naputol ang pagmamasid ni Summer sa itaas nang magsalita ang lalaki ngunit hindi naman sa kanya nakatingin.

        “Sabi ko sa ‘yo noon na gagawin ko ang lahat para hindi ka masaktan ngunit bigo ako, Sum. Kung may bagay akong pinagsisihan hanggang ngayon, iyon ay ang saktan ang babaeng pinakamamahal ko. Sinabi ko rin sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para mapatawad mo lang at bumalik ka sa piling ko.”

        Tumingin si Danrick sa kanya. “Mahal na mahal kita, Sum. Alam mo ‘yan. But, I realized, na may mga bagay lang talaga na mahirap nang ibalik. Kagaya ng kung ano tayo noon.”

        Nakikinig lang si Summer sa sinasabi ni Danrick sa kanya. Ang mga mata niya ay nakatuon sa may kalsada. Tanging golden duranta lang ang nakahilira sa tapat ng bahay nila. Sa kabilang side ng kalsada ay may nakaparadang dalawang itim na sasakyan. Sa isa may nakasandal na isang magandang babae habang malungkot na nakatingin sa direksiyon nila. Hindi na lang niya iyon pinansin dahil ‘di naman niya kilala ang dilag.

The ExesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon