TE 29

244 54 0
                                        

CHAPTER TWENTY-NINE

SA LABAS PA LANG NG visiting area ay ang lakas na ng kabog ng dibdib ni Summer. Nangangamba siya sa kung ano ang mangyayari. Nanginginig ang mga kamay at nanlalambot ang mga tuhod. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na papasok siya sa bilibid. Mag-isa lang siya. Nagpaiwan sa labas si Sky. Ang dahilan nito ay para magkausap daw sila nang mabuti ng taong makakatulong sa kanya.

        Maliliit ang mga hakbang na naglakad siya papasok. Halos mabuwal siya sa pagkakatayo nang may bigla na lang isang lalaki ang yumakap sa kanya nang mahigpit.

        “L-let me go,” kapus-hiningang anas niya.

        Pinakawalan naman siya ng lalaki ngunit naroon pa rin sa kanyang balikat ang isang kamay nito.  Ang isa naman ay dumampi sa kanyang pisngi at hinaplos iyon. Balak niyang tabigin ang kamay ng lalaki ngunit hindi naituloy nang makita ang nanunubig nitong mga mata.

        Those brown and genuine eyes seem familiar.

        “I-is it true that you can’t remember me, Sim?" naniniguradong tanong ni Santi sa dalaga.

        Tikom lang ang bibig niya ngunit tumatakbo ang utak kung bakit Sim ang tawag nito sa kanya. Hindi na rin niya kailangan pang magtanong sapagkat halata naman na ito ang taong tinutukoy ni Sky.

        Iginiya siya ng lalaki palapit sa isang upuan. Magkatabi silang naupo roon. Kinuha ng lalaki ang kanyang kamay at saka dinala sa tapat ng bibig nito at hinalikan iyon habang magkatagpo ang kanilang mga mata.

        Biglang naasiwa ang dalaga. Binawi niya ang kanyang kamay ngunit bigo siya. Binigyan niya ng nagbabantang tingin ang lalaki ngunit walang ipinagbago sa reaksiyon nito. Nakikiusap ang mga mata nitong hayaan niya itong hawakan at halikan ang kanyang kamay. Na kahit iyon lang ay parang isang malaking bagay na para dito.

        “Hindi ako nagpunta dito para makipaglandian sa ‘yo. Sky told me na makakatulong ka para maalala ko ang mga nakalimutan ko noon. Pero hindi iyan ang gusto kong malaman. Wala na akong pakialam kung ano pa man iyon. Maybe those things are not worth it to remember, as my Mom said. Isa lang naman ang gusto kong malaman kaya pumayag akong sumama kay Sky dito,” seryosong turan wika niya.

        Tuwid na tuwid ang pagkakaupo nito habang hindi inihihiwalay ang kanyang mga mata sa mga mata ng lalaki. “Who are you?”

        Nakipagtitigan muna si Santi kay Summer. Sa tatlong salita na binigkas ng dalaga ay parang may sumuntok sa kanya nang paulit-paulit. Na para bang gusto na lang niyang humilata dahil sa sakit ng katawan. Ang tagal niyang naghintay na makita itong muli ngunit hindi rin naman pala siya natatandaan. Ang sakit isipin na siya lang pala ang nakakaalala, umaasa, at nangangarap. Pinakawalan nito ang kamay ng dalaga at saka tumayo.

        Nasa bandang tiyan ng lalaki ang mukha ni Summer kaya tumingala siya. Hinihintay niyang may lumabas na mga salita sa bibig nito.

        “We're lovers . . . for three years,” mahinang saad ni Santi.

        Kahit iyon na ang mga salitang naglalaro sa isipan ng dalaga ay bahagya pa rin siyang nagulat sa narinig.

        “I know what's on your mind right now, Sim. Alam kong nagdadalawang-isip ka na paniwalaan ako.” Inilagay ni Santi ang kamay sa dulo ng T-shirt nito at iniangat iyon.

        Sumalubong sa mga mata ni Summer ang tattoo nito. Umawang ang kanyang bibig. Ilang sandali rin na tinitigan ng dalaga ang nakaburda roon. Wala sa sariling umangat ang kanyang kamay patungo sa tattoo ng lalaki. Dinama ng daliri nito ang bawat guhit.

        “You have the same tattoo. Left side. Intertubecular line.”

        Dinala ni Summer ang kanyang kamay sa kung saan ang sinabi ng lalaki. Naroon nga ang tattoo niya. Parehong dolphin at may mga letrang SIM na nakalagay. Ang pinagkaiba lang ay nasa left side at nakaharap din sa kaliwa ang dolphin samantalang ang sa lalaki ay nasa right side at sa kanan naman nakaharap. Kung magtatabi silang dalawa ay magkaharap ang mga tattoo nila na dolphin.

        “Although parehong SIM ang nakalagay na mga letra ay magkaiba naman ang ibig sabihin nila. Mine is your name while the SIM on your tattoo stands for my name whole name . . . Santi Iñigo Montero.”

         “Sabihin na nating totoo nga ang mga pinagsasabi mo,” malumanay na ani Summer. “Ilang taon na rin ang nakalipas. Don't you think it's already time for you to forget me?”

        “How can you say that words so easily?” may bahid ng pait na ani Santi. “You're the one that filled my entire world.”

        “E, hindi ko nga maalala!” may kalakasan ang boses na saad ni Summer.

        Natahimik si Santi sandali. Humugot nang malalim na buntong-hininga bago muling nagsalita. “Have you ever heard the line 'The heart can't forget'? Bakit hindi mo subukang hanapin ako sa puso mo para maalala mo ako?”

        Inilagay ni Summer ang kanang kamay sa kanyang kaliwang dibdib. Pinakiramdaman ang kanyang sarili at sinubukang gawin ang suhestiyon ng lalaki. Tinitigan niya rin nang maigi ang kaharap at pilit inalala ngunit sumakit lang ang kanyang ulo.

        “I guess hindi applicable sa lahat iyang mga sinabi mo. I'm sorry but there's already someone else inside this heart of mine.”

        Tiningnan niya sa mga mata ang lalaki. “Look, Mr. Montero. Ang kuwento nating dalawa ay matagal nang natatakan ng ‘The End’. Siguro itong pagkikita natin ngayon ang tinatawag na ‘Special Chapter’. I already started making my own story. Sana ikaw rin.”

        “Nakita mo ba iyan?” patuloy ni Summer habang nakaturo ang isang daliri sa pinto.

        Sinundan naman ng tingin ng lalaki ang itinuro ng dalaga. “Sasabihin mo ba sa akin na huwag akong mag-alala dahil kagaya sa pinto na iyan na may lalabas ay paniguradong may papasok din basta huwag ko lang itong i-lock.”

        Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Summer. “Paano mo nalaman? Mind reader ka ba?”

        “I heard it from you before,” sagot ng lalaki.

        “Ah, gano’n ba? Mas mabuti para hindi na ako mahirapang magpaliwanag. Anyway, kapag nakalaya ka na alam kong darating din ang babaeng karapat-dapat sa ‘yo. Kakatok siya sa pinto ng puso mo at sana pagbuksan mo agad.” Tumayo si Summer. “Iyon lang ang gusto kong sabihin. Paalam at patawad, Mr. Montero.” Binigyan niya ng tipid na ngiti ang lalaki bago ito tinalikuran at umalis.

The ExesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon