TE 04

265 60 30
                                    

CHAPTER FOUR

“BAKLA, SA TINGIN mo bakit takot ang six sa seven?” biglang tanong ni Summer. Nabagot kasi siya.

        Ilang minuto na ang lumipas ngunit nasa dulo pa rin ng linya si Patty. Nasa isang fast-food sila na nasa loob ng mall. Off nila kaya naisipan nilang mag-shopping ng damit na isusuot para sa darating na silver anniversary ng hotel na kanilang pinagtatrabahuhan.

        “Kasi mas malaki ang seven kaysa sa six,” agad na sagot ni Daniela. Ni hindi na nga yata ito nag-isip.

        Umiling-iling siya. “Mali.”

        “Bakit nga ba?”

        Nginitian niya muna ang bakla bago sumagot. “Kasi seven EATght nine.”

        “Ako naman ang magtatanong, Summe. Ano'ng inumin ang ayaw ng mga soccer player?”

        “Siyempre alcoholic beverages kasi nakalalasing.”

        “Wrong! Ang sagot ay penal-tea. May tanong ulit ako. Pa—”

        “Uy! Bakit naging one is to two na ang tanungan? Dapat interval,” putol at angal niya.

        “Hay! Reklamador ka talagang babae ka! 'Di ba puwedeng patapusin mo na lang ako sa pagtatanong?”

        Natawa na lang si Summer sa itsura ni Daniela. Para itong naagawan ng lollipop.

        “Ano'ng mayro'n at mukhang kanina pa kayo nagtatawanan dito?” biglang singit ni Patty. Hindi nila namalayang tapos na pala itong um-order. Inilapag nito ang tray sa gitna na table nila. “Baka ako na ang pinagtatawanan n'yo, ha?” Nakataas pa ang isang kilay nito.

        “Ano ka ba! Hindi!” agad na sagot ni Summer. “Kumain na nga lang tayo. Gutom na mga alaga ko,” aniya, sabay kuha ng pagkain. Nagsinuran na rin ang dalawa. Hindi maipagkakailang gutom na sila.

        “Excuse me! Puwedeng maki-join sa table ninyo?” anang isang taong nakatayo sa harap ng table nila. “Wala na kasing bakanteng upuan.”

        “Oo, naman pogi. Upo ka,” sabay pa na saad nina Patty at Daniela. Parang natataranta pa ang dalawa.

        “Salamat,” saad ng lalaki at umupo katabi ni Daniela na katapat ni Summer.

        Napaismid na lang si Summer. Nakatuon lang ang mga mata niya sa pagkain. Inikot-ikot ang tinidor sa pasta. Lumang diskarte na sa kanya ang ganoon. Sanay na siya. Iyon naman ang kadalasang ginagawa ng iba. Kunwari makiki-join sa table pagkatapos makikipagkilala, hihingi ng number at textmate na agad ang labas. O ‘di kaya’y tatanungin ang social media account at ia-add ka. Kunyari makikipagkaibigan, ‘yon pala manliligaw na.

        “Summe, ang pogi niya,” kinikilig na bulong ni Patty sa kanya. “Hey, baby. I'm Patty,” baling naman nito sa lalaki.

        “Taglandi na nga ang panahon. Parang walang boyfriend. Wagas makalandi. Maypa-baby-baby pang nalalaman,” anang isipan ni Summer habang ngumunguya.

        “Ako naman si Daniela.”

        Napangiwi na lang siya sa pagpapakilala ng kaibigan. Inipit kasi nito ang boses para magtunog babae.

        “I'm Danrick,” sabi naman ng lalaki.

        Pagkarinig ni Summer sa pangalan ay nag-angat siya ng tingin. Biglang nanlaki ang kanyang mga mata. Napanganga siya at nabitiwan ang tinidor.

The ExesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon