TE 06

260 55 0
                                    

CHAPTER SIX

HINDI MAHULUGAN NG KARAYOM ang loob ng bar. Ang mga usok ng sigarilyo ay humahalo sa papalit-palit ng kulay ng mga ilaw. Maririnig ang nagsama-samang tunog ng modernong tugtugin, ingay, at tawanan ng iba't ibang grupo na nagkakasayahan.

        “Summe, mabuti't dumating ka na,” bungad sa kanya ni Patty paglapit pa lang niya. Tumingin ito sa kanyang likuran at saka bumulong. “Bakit mo sila kasama?”

        “Nakita nila ako sa labas ng hotel nag-aabang ng masasakyan. Nagkataong pareho pala kami ng pupuntahan kaya isinabay na nila ako.”

        Ayaw niya sanang sumabay sa mga ito dahil ang awkward sa pakiramdam ngunit hindi siya tinigilan ng tatlo.

        “Ouch!” Napahawak siya sa kanyang tagiliran. Ang sakit! Sinamaan niya si Patty ng tingin. “Bakit ka ba nangungurot?”

        “Nagsinungaling ka kasi!”

        Naalala niya ang ginawang pagsisinungaling. “Sorry na. Atat n’yo kasi.”

        Inirapan lang siya ni Patty pero pagtingin sa mga lalaki ay wagas makangiti. “Good evening, Sir Rex. Good evening din sa 'yo, Danrick.” Lumapit ito kay Summer at saka bumulong. “Sino naman itong isang guwapo na kasama nila?”

        “Gaga! Siya si Mr. Skyler Buenavista ang bagong executive chef ng hotel,” pabulong din na sagot niya.

        Tumango-tango naman si Patty at saka muling bumulong sa kanya. “Siya ba ‘yong sinasabi mong masarap?”

        Hindi nagsalita si Summer pero marahan niyang kinurot sa tagiliran si Patty.

        “Good evening naman sa ‘yo, Chef Skyler. Masarap ka pala . . . este magluto.”

        Natawa na lang ang tatlong lalaki sa kanya. Muli naman itong kinirot ni Summer sa tagiliran. Umandar na naman kasi.

        “Fafa Danrick, nagkita ulit tayo.” Biglang sulpot ni Daniela. Kung saan-saan kasi ito lumalandi at basta na lang lilitaw.

        “Oo, nga. Nice to see you again, Daniel.”

        Nagpipigil na huwag humalakhak ang dalawang dalaga sa naging reaksiyon ng mukha ng bakla.

        “Fafa Dan, naman, e. Daniela not Daniel,” anito matapos makabawi sa saglit na pagkagulat sa tinawag sa kaniya ng lalaki. “Ayy, Sir Rex, narito ka pala,” baling naman nito sa katabi ni Danrick sa kanan. “And wow! Chef Buenavista, mas guwapo ka pala ‘pag di mo suot ang chef's whites at kung wala kang toque blanche.”

        “Salamat,” natatawang saad ni Sky.

        Hinila na palayo ni Summer si Daniela. Baka kasi saan na mapunta ang sasabihin pa nito. Mas lumalala ang kabaliwan at kabaklaan nito kapag may impluwensiya ng alak.

        “Share na lang tayo ng table para mas masaya,” suhestiyon ni Danrick.

        Sinang-ayunan naman agad iyon ng mga kasama maliban kay Summer. Kung maaari, ayaw niyang makita o makasama si Danrick pero mukhang iniinis yata siya ng pagkakataon.

        “Sum, dito ka na maupo, o,” alok ni Danrick sa upuang nasa kaliwa nito.

        Dahil wala ng iba pang bakante ay roon na siya umupo. Pabilog silang nakaupo. Nang maayos na siya sa puwesto niya ay bigla na lang hinawakan ni Danrick ang kanyang kamay sa ilalim ng mesa. Nagpumiglas siya ngunit mahigpit ang pagkakapit nito. Inapakan niya ang paa nito. Napangiwi ang lalaki sa sakit na napansin ng mga kasamahan.

The ExesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon