TE 50

223 51 0
                                    

CHAPTER FIFTY

WHAT THE HELL happened last night? That was the first question Summer asked to herself.

        Dilat na dilat na ang kanyang mga mata ngunit nanatili pa rin siyang nakahiga at sa kisame lang ang tingin niya. Maliwanag ang silid sapagkat nakabukas ang mga ilaw pero makikitang madilim pa sa labas.

        A rich, sexy, and sensual scent of a musk passed inside her nostrils. A scent that can drives many women wild.

        A very familiar scent.

        Skyler’s scent.

        Biglang nagsulputan sa kanyang utak ang mga nangyari last night. Every corner of the room and all the things inside was their witness. And if they can talk and move like a real human, they will surely slapped her the truth and shouted at her face that, "You slept with him!".

        Nilingon niya ang katabi. Ang himbing ng tulog nito at may nakapaskil pang ngiti sa labi.

        Hindi pa siya handang harapin ito kaya habang mahimbing pa ang tulog nito ay kailangan na makaalis siya.

        Natatakot siya na kapag nagising na ito ay muli itong makipaghiwalay sa kanya dahil sa mama nito.

        Labis ang ligaya niya nang sinabi ng binata na kalimutan niya ang break-up nila. Dahil mas nangibabaw ang init ng katawan ay hindi niya nalasap nang lubusan ang sandaling iyon.

        Maingat niyang inalis ang kamay ni Sky na nasa kanyang dibdib. Hinawi niya ang comforter at nagtangkang bumangon. Napangiwi siya nang maramdaman ang pananakit ng kanyang buong katawan at medyo masakit ang ulo niya.

        Kahit ganoon ay tiniis niya ang nararamdaman at pinilit ang sariling makaalis sa kama. Nang magtagumpay ay nagmamadali niyang dinampot ang nakakalat niyang mga damit. Patakbo siyang pumasok sa bathroom at ini-lock ang pinto.

        “What the hell?” Gustong isigaw nang malakas ni Summer ang mga salitang iyan. Ngunit, hindi niya magawa dahil baka magising ang lalaki.

        Titig na titig siya sa sariling repleksiyon sa salamin. Halos hindi siya makapaniwala sa nasisilayan ng kanyang mga mata. Marami siyang kiss marks sa leeg, sa dibdib, sa tiyan, at legs. Mukhang ilang araw na hindi nakakain si Sky dahil pinanggigilan ang buo niyang katawan.

        Iniiling-iling niya ang ulo. Saka na lang niya pagagalitan ang sarili kapag nakauwi na siya. Lumapit siya sa sink upang makapaghilamos ng mukha at nagmugmog na rin. Nang matapos ay isinuot na niya ang bra at dress. Subalit may kulang. Nagmamadali siyang lumabas upang hanapin ang kanyang panty. Halos mahalughog na niya ang apat na sulok ng silid at masilip ang ilalim ng kama ay hindi pa rin nakikita ang hinahanap.

        Saan naman kaya nagtatago ang panty niya?

        Hindi siya pupuwedeng umuwi na walang panty. For Peteʼs sake! Maikli lang ang dress niya. Paano siya sasakay ng taxi? Paano siya maglalakad kung ang sahig ay parang salamin? Paano kapag humangin? Kahiya-hiya ang labas niya.

        Pinaghihila niya ang sariling buhok ngunit biglang natigil pagkalipas ng ilang segundo. Her eyes landed on the small piece of clothing.

        Skyler’s underwear.

        Puwede na.





NAKANGANGA SI IAN at ilang ulit isinara at binuksan ang mga mata. Hindi pa rin ito makapaniwala sa nasisilayan. Nakasuot lamang ng spaghetti strap na damit na may katernong maiksing shorts na pantulog ang nakahiga sa kama. Kay himbing ng tulog nito. Kitang-kita niya ang mga pulang marka sa leeg, braso, at hita.

        Napabuntong-hininga ito nang malalim. Sunod nitong ginawa ay dinampot ang comforter at itinakip nang dahan-dahan sa katawan ng kapatid. Nang makitang ayos na ay naglakad na siya patungo sa pinto. Tumayo lang siya roon at hindi lumabas. Pinalipas muna niya ang isang minuto, saka kumatok nang tatlong beses. Binuksan ang pinto at muling isinara.

        “Ida!” anito at naglakad pabalik sa kama. “Ida, gumising ka na.”

        Nakakatawa mang isipin ang kanyang ginagawa pero gusto niyang magkunwari na wala siyang alam at nakita. They’re both adults. Kahit magkapatid sila ay hindi niya pinakikialaman ang tungkol sa love life nito. Basta ba makita lang niyang maayos at masama ito ay sapat na para sa kanya.

        Umupo siya sa gilid ng kama at saka niyugyog ang kapatid. “Gumising ka na sabi, e.”

        “Umalis ka, Bagyo! Inaantok pa ako.”

        “No! Mukhang nakalimutan mo, kaya ipapaalala ko sa 'yo. Babalik na si Mama mamaya at gusto niyang sabay-sabay tayong mag-brunch.”

        “Ayaw kong kumain. Kayo na lang,” sagot naman ng dalaga at tinakpan ng comforter ang ulo.

        “No seas un cabeza dura, Ida,” anito. (Don't be a hard headed.) “Bibigyan kita ng thirty minutes. Kapag hindi ka pa bumaba ay itatapon talaga kita sa dagat,” anito at saka tumayo na.

        Hindi pa rin kumilos si Summer. Si Ian naman ay naglakad na palapit sa pinto. Bago nito iyon buksan ay muling humarap sa kapatid. “Fifteen seconds na ang nasayang mo, Ida,” anito. Binuksan na nito ang pinto at lumabas na.

        Nang marinig ni Summer ang pagsara ng pinto ay inis na inis niyang inalis ang comforter na nakatabon sa kanyang mukha. Pinilit niya ang nanakit na katawan na bumangon. Hinayaan niya muna ang sarili na maupo sa higaan at makailang ulit na huminga nang malalim.

        Napatingin siya sa may pinto nang muli iyong bumukas. Nakasilip doon ang kanyang kuya.

        “Ida, don’t forget to cover your neck when you go out,” wika ni Ian at muli na nitong isinara ang pinto.

        Tila nagising bigla ang inaantok pa niyang diwa.

        Oh right, my neck.

 

 

The ExesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon