TE 09

243 55 0
                                    

CHAPTER NINE

MALAMIG ANG SIMOY ng hangin sa labas. Wari ay nakikipagtuos ang liwanag mula sa bilog na buwan sa mga liwanag na bigay ng mga ilaw ng poste sa paligid. Yakap-yakap niya ang sarili habang pinagmamasdan ang mga nagkikislapang bituin. Dahil sa inis niya kay Danrick ay dinala siya ng kanyang mga paa sa garden ng hotel.

        Habang tumatagal ang pagtingin niya sa langit ay nag-iiba ang kanyang nakikita. Para siyang baliw na napapangiti habang nasa kalangitan pa rin nakatuon ang mga mata.

        “Bakit ba kita nakikita? Bakit ka ba ngumingiti sa akin? ‘Di mo ba alam kung ano ang hatid niyan sa akin?” kausap siya sa mukha ng taong nasa itaas.

        Matapos ang ilang sandaling pagtingin doon, ipinikit niya ang kanyang mga mata, nagbabasakaling mawala iyon. Ngunit bigo siya.

        “Sky,” parang tanga na anas niya.

        “Yes.”

        Agad siyang napalingon nang makarinig ng tinig. Napahawak siya sa kumakabog na dibdib dahil sa gulat. “S-Sky?” Hindi niya inaasahan na maririnig siya nito.

        “How’s your heart?” May malawak itong ngiti. Hindi man niya alam kung ano ang iniisip ng babae habang nakatingin sa langit ay masaya pa rin siya na marinig na sinambit nito ang kanyang pangalan.

        “Give me a moment to restart it,” sagot niya habang nasa dibdib pa rin ang kamay.

        “Okay,” wika ng binata at humakbang upang magkapantay sila ng dalaga. Tumingala ito sa langit. “Did I do something wrong?”

        “Bakit mo naman naitanong?”

        “Bigla ka na lang kasing umalis.” Noong pagbalik nito nang hindi makita roon sa table ang dalaga ay hinanap niya ito sa paligid. Nang hindi makita ay nagtanong-tanong siya at may nakapagsabi sa kanyang nasa garden ito.

        “Naku! ‘Wag mong isipin ‘yan. Lumabas lang ako para magpahangin.”

        “Mabuti naman kung gano’n.”

        Nginitian na lang niya ito. Nagkatitigan silang dalawa.

        “Wanna dance with me?”

         Hindi pa nga siya nakakasagot nang humakbang na ito palapit sa kanya. Kinuha nito ang kanyang kamay at inilagay iyon sa balikat nito. Nasa baywang naman niya ang mga kamay ng lalaki. Pigil-hininga siya nang magsimula na silang magsayaw.

        First time niyang makipagsayaw ng sweet kahit walang music. Silang dalawa lang doon. Nagsasayaw sa ilalim ng bilog na buwan—ang kanilang first dance.

        Tahimik lang silang dalawa. Nagpapakiramdaman at nakatingin sa isa't isa.

        Hindi naglaon, napansin niyang nakatayo na lang sila. May kung anong magnet na hindi mapaghiwalay ang kanilang mga mata. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay nagbaba ng tingin si Summer. Hindi niya kinaya ang makipagtitigan dito nang matagal.

        Tila libo-libong boltahe ng kuryente ang kanyang naramdaman nang hawakan ng lalaki ang baba niya at dahan-dahan iniangat iyon upang magpantay muli ang kanilang paningin. Ang kamay nito ay mabagal na naglakbay patungo sa kanyang pisngi. Her heartbeat picked up its pace. It was beating much faster than usual and she could even heard the drumming of it.

        “Masaya akong ikaw ang kasama ko ngayon,” ani Sky habang hindi inaalis ang tingin sa dalaga.

        Wala siyang mahanap na tamang salita sa kung ano ang masasabi niya sa mga sinabi nito. Napatanong na lang siya kung bakit nito sinasabi sa kanya ang ganoon. Ibinaling niya sa ibang direksiyon ang paningin ngunit muli iyong iniharap ng lalaki gamit ang isa pa nitong kamay. Nasa magkabilang pisngi na tuloy niya ang mga palad nito.

        Masuyo siya nitong tinitigan at pinagdikit ang kanilang mga noo.

        “Summer,” he said in a deep, low voice. Ramdam niya ang banayad na paghinga at naaamoy ang minty scent nitong hininga. “I want to kiss you.”

        Then, his lips were on hers, warm and open. His masterful mouth did strange and wonderful things to the inside of her.

        Nadadala na siya at tinutugon ang halik nito. Pinaglakbay niya ang kanyang mga kamay sa balikat nito hanggang umabot sa batok ng binata. His provocative kiss caused her mouth to open wide and his tongue thrust inside to stroke. Napapaungol siya.

        At long last their heated lips separated. Muling pinagdikit ng lalaki ang kanilang mga noo. Kapwa sila naghahabol ng hininga.

        “Gusto na yata kita.”

        Ang sarap sanang pakinggan ng sinabi nito pero bakit may salitang yata? Ibig bang sabihin ay hindi ito sigurado?

The ExesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon