TE 10

245 55 0
                                    

CHAPTER TEN

SA MALIIT NA SILID, mag-isa lamang doon si Summer. Nakatitig sa salamin ngunit wala roon ang isipan. Halos mapatalon siya sa gulat nang may bigla na lang humawak sa balikat niya.

        “Patty!” sambit niya saka huminga nang malalim.

        Masyado na yatang lumilipad ang kanyang utak, hindi man lang niya namalayan ang pagpasok nito sa powder room.

        “Saan ka na nakarating at mukhang malayo na ‘yang nalilipad ng utak mo?” tanong ni Patty.

        “Sa Paris ka-date ko si Chang-wook,” nakangiting sagot niya. Fan kasi si Patty ni Ji Chang-wook, nagsimula ang pagkahumaling nito sa South Korean actor sa The K2 television series.

        “Oh really?” nakataas kilay na saad naman ni Patty.

        Tumango naman siya.

        “Ka-date mo lang naman pala.” Inirapan siya nito at tumingin sa salamin. “Kasama ko namang nag-breakfast in bed si Bo-gum, kaya na late ako kanina,” dagdag nito sa kanya at saka ngumiti. Park Bo-gum, isa rin sa kinahumalingan ng kaibigan. Kasama na rin siya. Sa katunayan, halos pareho sila ng mga iniidolong artista.

        Tumawa si Summer nang malakas. Wala pa rin ipinagbago ang kaibigan pagdating sa mga lalaki.

        “Breakfast in bed with Bo-gum, huh!” may pagkasarkastiko niyang saad. “In your dreams!”

        “In your dreams, too. Kapal din ng mukha mong sabihing nag-date kayo ni Chang-wook at sa Paris pa talaga ang venue,” turan ni Patty sabay irap pero tumawa rin nang malakas pagkalipas ng ilang sandali.

        Napuno tuloy ng tawanan ang powder room dahil sa mga pinagsasabi nila.

        Biglang tumigil sa pagtawa si Patty at tiningnan siya na magkasalubong ang mga kilay. “Ano nga pala ang iniisip mo? Hindi mo na nga ako napansing pumasok dito at titig na titig ka lang sa salamin.”

        Sino ba naman ang hindi mawawala sa sarili kung hinalikan ka ng lalaking gusto mo ng hindi inaasahan? Oo, alam niyang gusto niya ito. Nabatid niya iyon noong silver anniversary habang nasa garden siya at nakatingala sa kalangitan.

        Tatlong araw na rin ang nakalipas nang mangyari ang party at ang paghalik ni Sky sa kanya. Hindi lang basta halik kung 'di laplapan talaga. Pero ramdam pa rin niya ang labi ng binata sa kanyang labi. Hindi naman niya first kiss iyon dahil nakailang boyfriend na rin naman siya. Pero pakiramdam niya parang iyon ang kanyang unang halik.

        Simula rin niyon ay hindi pa sila nagkikita. Tuloy hindi siya makatulog nang maayos tuwing gabi. Hindi niya alam kung ano ang tamang isipin sa ginawa nito. Ayaw niya rin na mag-assume na sila na dahil lang sa paghalik nito. Nasa twentieth century na siya kung saan kapag hinalikan ka ng guy ay hindi ibig sabihin na kayo na agad. Marami pa ngang mas malala roon. Parang friends with benefits lang ang peg. Hinalikan siya nito pero wala silang relasyon. Ni hindi nga ito sigurado kung gusto rin ba siya ng lalaki dahil sa may word na yata ang sinabi nito.

        Tiningnan niya ang kaibigan at saka napabuntong-hininga. Naghihintay naman si Patty ng sagot mula sa kanya.

        “Wala ‘to, Patty. Huwag mo na lang akong pansinin, okay?” sagot niya at muling tumingin sa salamin. Hindi na rin siya kinulit ng kaibigan.

        Pinagmasdan niya ang reflection sa salamin, lalo na ang kanyang labi. Bumaling siya kay Patty na abala na sa pagpapaganda. Natawa siya nang magsimula itong kumanta habang pakembot-kembot pa. Busy naman ang kanan nitong kamay sa paglalagay ng face powder sa mukha.

The ExesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon