CHAPTER THIRTY-TWO
NAKATAYO LANG SI SUMMER malapit sa payphone. Usapan nila ng kanyang ina na natatawagan niya ito makalipas ang isang oras para ma-claim nito ang perang padala. Wala kasi siyang sapat na pera pambili ng ticket. Kung alam lang sana niya na dadalhin siya ni Sky sa Manila, e, sana nakapagdala siya ng maraming pera.
Naglakad-lakad siya pabalik-balik habang yakap-yakap ang sarili. Nakakaramdam na ng ginaw ang kanyang katawan. Wala pa naman siyang dalang jacket at medyo may kanipisan ang suot niyang blouse. Natigil lang siya sa paghakbang nang may naglagay ng kung ano sa kanyang balikat.
“Giniginaw ka suotin mo 'to.” Tukoy nito sa isang leather jacket.
Nilingon niya ang taong nasa kanyang likuran. “Gio?” hindi makapaniwalang sambit ng dalaga. Makailang ulit pa siyang kumurap para siguraduhing hindi siya namamalikmata.
Ngumiti ang lalaki sa kanya. “Ako nga, sunlight,” anito at may iniabot sa kanyang papel.
Napakunot-noo ang dalaga pero tinanggap naman at tiningnan. “Plane ticket? Paano mo nalamang kailangan ko nito?”
“Hindi kita makontak kaya tumawag ako sa bahay n’yo. Nagkausap kami ni tita. Sabi niya magkasama kayo ni Sky nagpunta dito sa Manila pero bakit ito nangyari ma—” Hindi nito naituloy ang sasabihin nang dumampi ang isang daliri ng dalaga sa kanyang labi.
“Don't ask anything, Gio. It’s a long story. Salamat dito sa ticket,” ani Summer.
“Anong salamat?” Ngumisi si Gio. “Utang ‘yan kaya bayaran mo ako pag-uwi ko.”
Biglang tumulis ang nguso ng dalaga pero ngumiti rin kalaunan. Although sinabi ng lalaki na utang, e, never naman siya nitong pinapabayad kahit magpumilit pa ito. “Kung gano’n pautangin mo rin ako ng pambili ng pagkain. Ang hapdi na ng tiyan ko.”
“Sinasabi ko na nga ba, e. Sasamantalahin mo na naman ang kabaitan ko,” kunyari ay nayayamot na saad ng lalaki. “Ano ba ang gusto mong kainin?”
“Ikaw na ang bahala,” sagot ng dalaga at nagpatiuna nang naglakad paakyat patungo sa food court.
Napailing-iling na lang si Gio at saka sinundan na ang dalaga. “Kung ‘di ka lang mahalaga sa akin hindi ko ‘to gagawin.”
Tumigil sa paghakbang si Summer at saka hinarap ang lalaki. “Ano’ng binubulong-bulong mo?” nakapamaywang na tanong niya.
“Wala. Baka iyang alaga mong dragon ang bumubulong. Gutom na raw siya,” anito at saka nagpatuloy na sa paghakbang at nilampasan ang dalaga.
“Gio, samahan mo rin ng panulak.”
SA KUMPOL NG MGA TAONG paroo’t parito sa loob ng paliparan ay nakatayo ang isang lalaki. Sa tabi nito ang isang luggage bag. Nasa tainga nito ang cell phone at kanina pa may tinatawagan ngunit out of coverage.
“Summer, I want to forget you pero ito ako hindi mapakali sa pag-aalala sa ‘yo. Nasa akin pa ang ticket mo,” kausap niya sa sarili.
Nagpalinga-linga siya sa paligid. Nang hindi makita ang hinahanap ay nag-dial na naman ito sa cell phone. Ring lang nang ring sa kabilang linya kaya nagsisimula na siyang mainis.
“Nasaan ba ang Gio na ito ayaw sagutin ang tawag ko.” Inulit niyang tawagan ang kaibigan ngunit wala pa rin sumasagot.
Usapan kasi nila na magkikita sila dahil sabay ang flight nila papuntang Italy. Gusto niya itong sabihan na kung nasa North Wing na ba ito ay hintayin siya sapagkat nasa South Wing pa siya. Naiinis na ibinulsa nito ang kaniyang phone at siya namang pagtunog ng tiyan niya. Dahil sa dami ng nangyari ng araw na iyon ay nakalimutan na nito ang kumain.
Dinala siya ng kanyang mga paa sa food court. Napangiti siya nang makita ang isang lalaking masayang kumakain. Hindi nga lang niya makita ang kausap nito sapagkat natatakpan ng isang matabang lalaki na kumakain din sa kabilang mesa.
“Kaya naman pala ‘di sinasagot ang tawag ko dahil may kasama. Sino naman kayang babae ang nabiktima nito,” ani Sky sa sarili.
Naglakad siya palapit sa puwesto ng kaibigan. “Gio!” tawag niya sa lalaki na agad naman na lumingon sa kanya. “Nandito ka lang pala. Sino naman itong nabi—” Natigil siya sa pagsasalita nang makita ang babaeng kasama nito. “S-Summer?”
Sa kabilang banda, nagulat din ang dalaga na makita ang lalaki. Nakatingin lang ito sa mukha nitong halatang gulat na makita siya. Nang maalala niya ang napag-usapan nila ay biglang dumilim ang kanyang mukha subalit napalitan din agad ng ngisi.
Tiningnan niya si Sky. “How did you know my name? Hindi ko kasi maalalang nagkrus ang landas natin noon. I have a bad memory,” nakangiti pang saad niya.
Napanganga ang dalawang lalaki sa narinig at nagkatinginan. Si Sky ang unang nakabawi nang makuha na nito ang nais ng dalaga. Malamang ay nagsisimula na ito sa naging usapan nila.
“What's going on?” naguguluhang tanong ni Gio at pinaglipat-lipat ang tingin kina Sky at Summer.
“It’s nothing, Gio,” agad na sagot ni Sky. “Maiwan ko na kayo. Kita na lang tayo mamaya,” anito, saka umalis na para bumili ng sariling pagkain.
Nakakaapat na hakbang pa lang siya nang mapasigaw nang may tumamang water bottle sa ulo niya. “Sino’ng bumato sa akin?” kalmado ngunit makikitaan ng galit ang mga mata na saad niya. Medyo masakit iyon dahil may lamang tubig.
“Ay sorry, mister. Akala ko kasi trash can.”
Tiningnan ni Sky ang nagsalita. Nakangising Summer ang sumalubong sa kanyang mga mata. Sa itsura pa lang nito, halatang sinadya siyang batuhin. Hindi na lang niya ito pinansin at nagpatuloy ngunit may tumama na naman sa kanyang ulo. Mas masakit sa nauna.
“Ano na naman?” nagpipigil na ani Sky. Gustuhin man niyang sigawan ang babae at ipakita ritong galit siya ay hindi naman niya magawa. Alam niya ang dahilan nito. “Sasabihin mo naman na akala mo trash can ako?”
“Ay hindi!” Umiling-iling pa si Summer. “I thought you were that jerk I meet a while ago. Magkamukha kasi kayo.” Binalingan nito ang kasama na hindi pa rin makahuma sa nangyayari. “Gio, salamat sa ticket at libreng pagkain, ha? Alis na ako. Safe trip na lang sa ‘yo at huwag mong kalimutan ang pasalubong ko pagbalik mo. Bye,” aniya, saka binigyan ng irap si Sky at nagmamadali nang umalis.
Sinundan na lang ni Gio ng tingin ang dalaga. Nang mawala na ito sa kanyang paningin ay nilapitan nito ang kaibigan na nakatayo pa rin at hindi gumagalaw. Tinapik niya ito sa balikat. “What happened, Sky?”
“Nag-break na kami,” sagot ni Sky na nasa ibang direksiyon ang tingin.
“Break?” Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Gio. “Naging kayo ba?”
“Bakit? Kailangan bang may kami para matawag na break-up?”
BINABASA MO ANG
The Exes
RomanceMuling makakatagpo ni Summer Ida Mondarlo ang lahat ng kanyang exes, na manggugulo sa nananahimik niyang puso. Sino ang mas mananaig para sa kanya? Si ex-number one, na first love niya? O si ex-number two, ang forgotten ex niya? Ang obsessed niya k...